Meeting Seven

2.1K 94 62
                                    

Salamat sa napakatagal na paghihintay. Mahal na mahal ko talaga kayo, sobra-sobra. :) Not proofread, wala time. Sorry sa mga mali. I'll proofread it later pag may time na. :D Anyways. Enjoy.


Inspiration: "Castle", Detective Conan, and KATHNIEL. :)



***

When He Met Her

***



Meeting Seven:



Tumungo sina Daniel at Kathryn sa computer laboratory na matatagpuan sa mismong building ng NBI agency. Umupo si Kathryn sa isa sa mga computers doon at tumabi naman si Daniel sa kanila.



“Kaya mo ba?” tanong ni Daniel habang nakatingin sa dalaga.



Tinaasan ng kilay ni Kathryn ang nasabing aktor. “Hinahamon mo ba ako Padilla?”



“Nagtatanong lang naman. May masama ba doon?” sabi ni Daniel, sabay kamot sa ulo.



Inilapat ni Kathryn ang mga daliri sa keyboard ng computer at nagsimulang magtype. Napanganga na lang si Daniel dahil ni hindi na gumagamit si Kathryn ng mouse.



Tapos medyo nahihilo na rin siya kasi andaming lumalabas na boxes at hindi niya na mabasa ang nilalaman ng mga ito dahil basta-basta na rin itong mawawala tapos susulpot ulit.



“Teka...Parang nag-biyahe na rin ako papuntang Baguio sa ginagawa mo ah,” wika ni Daniel sabay hapit sa ulo niya.



Ngumisi ng nakakaloko si Kathryn.



Ngumuso naman si Daniel na akala mo batang ninakawan ng kendi.



Pagkatapos ng ilang minuto ay may tatlong boxes na lumitaw sa screen ng computer.



“Got it...” sambit ni Kathryn.



Nakita ni Daniel ang dalawang pamilyar na tao sa screen. Sila ang mga biktima. Ang ikatlong tao naman ay hindi niya kilala. Marahil, ito na ang susunod na biktima.



Maya-maya biglang tumunog ang telepono ni Kathryn. Sinagot naman niya ito agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When He Met Her (Kathniel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon