Meeting Two

4.6K 152 46
                                    

Para kay justLuvKathniel na dalawang beses pa nag-comment. :) Salamat hah! :)

Thanks in advance for reading.

Inspiration: "Castle" at Kathniel.

***

When He Met Her

***

Meeting Two:

Nakasimangot si Kathryn habang tinitingnan ng masama si Daniel. Nakangiti kasi ng maluwang ang loko-loko at parang hindi na mapantayan ang kasiyahan nito. Gusto ng magwala ni Kathryn sa sobrang inis.

“Ano na, Ms. Beautiful?” tanong ni Daniel.

Nagkunot ang noo ni Kathryn at nagdabog papunta sa common room. “Teka at kukuha ako ng kape...Kung gusto mo umuwi ka na. Wala ka rin namang maitutulong dito eh.”

Nagsmirk si Daniel at sinundan siya. “Kukuha na rin ako ng kape.”

“Kapal ng mukha mo talaga eh no?” bulyaw ni Kathryn. “Lumayas ka nga sa paningin ko at baka masabuyan pa kita ng mainit na tubig.”

“Chillax lang Ms. Beautiful...” sabi ni Daniel. Tinaas niya ang kamay at pinatag ang kunot sa noo ni Kathryn. “Wag mong sirain ang kagandahan mo.”

Tinulak siya ni Kathryn. “May pangalan ako...Padilla. It’s Kathryn Bernardo. Kath-ryn Ber-nar-do. Kuha mo?”

Nagtimpla na ng kape si Kathryn. Si Daniel din ganoon na rin ang ginawa. Nung tinikman na niya ang kape, halos isuka na rin niya ito palabas. “Ano ba itong kape niyo? Ba’t ang pangit ng lasa?”

“Eh di wag mong inumin...” sagot ni Kathryn. “Wala namang pumipilit sa’yo eh.”

Kinagat ni Daniel ang lower lip niya at hinablot ang kape ni Kathryn. Sumipsip siya rito at ganun din ang naging reaksyon niya. "Pangit talaga ang lasa ng kape niyo dito. Akala ko dahil sa timpla ko eh."

Binaba ni Daniel ang cup na may kape sa table at pinunasan ang labi. “Grabe...Buti naman natagalan niyo iyang kape na yan. Baka naman cheap iyan. Sama talaga ng lasa. Wala bang Nescafe or kahit ano nalang.”

“Welcome to reality...superstar...” ani ni Kathryn. “Hindi lahat ng tao may pera katulad mo.”

Tiningnan siya ng masama ni Kathryn at kinuha ang tinimplang kape sa table.

When He Met Her (Kathniel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon