Meeting Three

4.5K 158 56
                                    

Dedicated kay QwertyAsdfgZxcvb. Na-touched kasi ako dahil naging inspiration niya daw ang story ko sa new story niya na, "Wanted". If you have time, basahin niyo rin po iyon. Maganda siya. :D

Thanks in advance for reading.

Inspiration: "Castle" at Kathniel.

***

When He Met Her

***

Meeting Three:

"Danna, nakikiusap ako. Ibaba mo na ang hawak mong baril at sumuko ka na," sabi ni Kathryn sa mahinahon na boses. "Hindi mo na kailangang gawin ito. Pinapangako ko sa'yo na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka."

"Hindi ako tanga Ms. NBI agent," wika ni Danna. "Alam ko kapag sumuko ako ay mabubulok lang ako sa bilangguan."

Tumingin si Danna kay Daniel. "DJ...lumakad ka na papuntang parking lot."

"Danna!" tawag ni Kathryn. "Inuulit ko. Ibaba mo ang baril mo at sumuko ka na."

"Ayoko nga. Ba't ba ang kulit mo?" sambit ni Danna. "Hindi ako susuko. Dahil pag ginawa ko yun...malalayo lang ako kay DJ."

Nagsimula ng umiyak si Danna. Tapos tumingin siya kay Daniel. "DJ! Maglakad ka na."

Tumango si Daniel at dahan-dahang naglakad.

Sinundan naman ni Kathryn ang dalawa. Hindi niya binababa ang baril. Nakatutok lang iyon kay Danna.

"DJ...bilisan mo nga," reklamo ni Danna. "Hindi ito prosisyon. Hinohostage kita dito."

“Napakademanding mo naman, ikaw na nga itong nanghohostage eh,” sagot ni Daniel. “Sobrang hassle nito Danna. May bonding pa kami ng P5 oh. Sila ang nagbabantay ng condo ko ngayon. Nakakahiya naman. Pwede bang pakawalan mo na ako? Promise ko sa’yo araw-araw kitang dadalawin sa presinto.”

“Anong sabi mo?” wika ni Danna at tinutok ang baril sa ulo ni Daniel. “Eh kung barilin kaya kita ngayon para kaluluwa mo nalang ang makipagbonding sa P5 mo. Tapos promise nila sa’yo araw-araw nilang dadalawin puntod mo.”

“Sabi ko nga hindi na ko magsasalita. Sige na ako na hostage. Hindi na ko manggugulo. Kahit hanggang bukas pa ‘to!” Napalunok naman si Daniel sabay bulong,  “Bipolar naman nito mga dre. Kanina may paiyak-iyak ngayon naman...UGH."

“May sinasabi ka ba?” tanong ni Danna. Tinanggal na niya ang safety sa baril niya.

“Padilla...Isang salita mo pa ako na titira sa’yo,” sabi ni Kathryn. Medyo kinakabahan na siya. Mukhang wala na sa katinuan si Danna.

At ayan, talagang hindi na kumibo si Daniel. Takot lang niyang mamatay ng mas maaga sa inaasahan.

Sinundan ni Kathryn ang dalawa hanggang makarating sila sa parking lot.

Maya-maya, dumating sina Julia at Neil. Galing sila sa entrance ng condo at lumapit sila na nakataas na rin ang baril nila.

Tumapat sina Daniel at Danna sa sasakyan ni Kathryn.

“Kaninong sasakyan ito?” tanong ni Danna.

“Sa akin,” sagot ni Kathryn.

“Give me the key!” sabi ni Danna. “Or I’ll put a bullet through his head.”

Kinuha ni Kathryn ang susi sa bulsa niya.

“DJ...Kunin mo ang susi...” utos ni Danna.

Binigay ni Kathryn ang susi kay Daniel. Hinablot naman ni Danna ang susi. Binuksan niya ang kotse tapos unang pumasok si Danna at hinatak rin niya si DJ papasok. Galing sa passenger seat, lumipat si Danna sa driver’s seat.

When He Met Her (Kathniel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon