Guys! Sorry at ngayon lang naka-update. Stress ako buong linggo dahil sa systemone namin! Laging down ang server kaya ayun, hirap makakuha ng subjects.
Book trailer - Just click the video. Wag masyadong mag-expect. First time kong gumawa kaya siguro medyo fail pa. I'm so sorry. :( If my time, gagawa ako ng mas maayos at mas maganda. AND, hindi ko pala masyadong na-proofread ito. Hahahaha. Kaya kung may errors or questions kayo, just ask me. I'll reply, promise.
Hindi pala ako NBI, sa mga nagtatanong. College student palang po ako. Ang course ko, may nagtanong rin. BS Chemistry po. :) Anyways...Nandito na ang Meeting Five. :) Enjoy.
Thanks in advance for reading.
Inspiration: "Castle" and Kathniel.
***
When He Met Her
***
Meeting Five:
Nakataas ang baril nina Kathryn, Julia at Neil. Nakatutok ang mga iyon sa mga ninja na unti-unting lumalapit sa kanila.
Biglang nagsalita si Daniel na ilang segundo ring nanahimik. Wow, record-breaking. “Ah...Kath?”
“Huwag mo kong inisin ngayon, Padilla. Huwag ngayon. Wala ako sa mood at baka sa’yo ko makalabit itong baril ko,” sambit ni Kathryn.
Napalunok si Daniel. “Gusto ko lang naman sabihin na...hindi kasya ang mga bala niyo sa kanila. Ang dami kaya nila...Ah...Kung gusto mo lang naman malaman kaya sinabi ko sa’yo. Tsaka, huwag mo na kong barilin kasi hindi na nga kasya ang baril...ay yung bala pala...sasayangin mo pa sa akin. Tapos...Tapos...Pwede rin naman akong tumulong, iyon eh kung gusto mo rin...May alam akong mga ninja moves –”
Tinutok ni Kathryn ang hawak niyang baril kay Daniel.
“Sabi ko nga mananahimik ako eh,” sabi ni Daniel. Linagay niya ang mga daliri sa bibig at umarteng parang nagsara ng zipper. “I’ll behave. I know how.”
“You know how but the problem is...you don’t do it,” wika ni Bernardo. Tinutok niya ulit ang baril sa mga ninja.
Wala pang limang segundo ng magsalita ulit si Daniel. “Alam niyo, baka hindi lang naintindihan ng mga ninja ang mga sinasabi niyo kaya hindi sila humihinto. May alam akong paraan. Sure akong hihinto ang mga iyan.”
Binaba ni Kathryn ang baril niya at tumingin kay Daniel. Nasa likuran kasi nilang tatlo ang sikat na aktor kaya kailangan pang lumingon ni Kathryn para makausap siya. “Alam mo ba Padilla, ako rin kasi may alam. Gusto mo sabihin ko pa sa’yo eh.”
“Hah?” nakakunot-noong sabi ni Daniel. “Ano yun?”
“Alam mo...mukha kang serial killer?” sabi ni Kathryn na nakangiti.
“Hmmm...Aba...Bumabanat ka na sa akin ngayon ah,” wika ni Daniel. Nagbuntong hininga siya. “Alam ko namang patay na patay ka sa akin eh. Bumibisita ka pa nga sa website ko. So...Bakit ako mukhang serial killer na hindi naman talaga dahil walang gwapo na katulad ko ang pumapatay?”
“Kasi...” nagsmirk si Kathryn kay Daniel sabay tingin ng masama sa kanya, “Paulit-ulit mong pinapatay ang pasensya ko.”
“Boooom!” sigaw ni Neil at humarap sa kanilang dalawa. Binaba niya ang baril na hawak at tinuro niya si Daniel. “Basag ka pare! Basag na basag ka. Alam mo iyon. Whooosh...plak...booooom...”
May hand gestures pa si Neil na parang lumilipad na plato tapos biglang nahulog at nabasag. Napailing si Neil.
Nagkibit-balikat lang si Daniel at parang walang narinig. “Sa mukhang ito? Serial killer? Come on, Kath. Kung ganitong mukha lang naman ang pumapatay, the girls would surely love it and sila pa mismo ang hahanap sa akin. Isa pa, hindi ako pwedeng makulong. Baka magkaroon ng stampede sa presinto dahil sa pagdagsa ng maraming kababaihan.”
BINABASA MO ANG
When He Met Her (Kathniel FF)
RomansaThe beautiful, sassy NBI agent Kathryn Bernardo meets the arrogant, playboy actor Daniel Padilla. When one of his whims forced the two of them into a case, will something good happen between the two of them?