87

52 5 1
                                    


No.

Shit.

Caia doesn’t deserve this.

Tila nawalan ako ng lakas at hindi ko na alam kung kailan pa ako tumigil sa paghinga habang nakatingin sa duguan at halos wala nang buhay na katawan ng babaeng minamahal ko. Nakahiga siya sa kama at napapalibutan ng mga doctor at nurses at pilit nila siyang ni-re-revive.

Tila namanhid na ako sa kinatatayuan ko habang nakatulala sa flatline na pinapakita ng defibrillator.

I was shaking badly as I was silently praying to God.

Please, let her live.

Hindi pa po tapos ang mission niya sa mundong ito. Marami pa siyang bagay na dapat niyang maranasan. She deserves to be loved by her parents. She deserves to live happily. Please, let her, Lord, please.

Sobrang sikip ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak.

“Caia!!”

Napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa nanay ni Caia na nagpupumilit makalapit sa anak ngunit hinaharang siya ng mga nurses at hinihila siya pabalik ng asawa.

Mas lalo akong naiyak nang umalingawngaw ang hagulgol ng mama niya.

I glanced at the defibrillator and I sighed disappointedly, tangina, flatline pa rin. Pero hindi pa rin sumusuko ang mga doctor sa pag-revive sa kan’ya.

Please, lumaban ka, Caia. I know you're a fighter.

“Doc! Buhayin niyo ang anak ko! Please!” sigaw ng mama niya at parang masisiraan na siya ng bait.

“Anak!” hagulgol niya.

Tuluyan nang bumigay ang tuhod ko at napaupo sa sahig.

Please, Lord, let her live.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.

Sa wakas ay dininig ng Panginoon ang dasal ko. Caia’s heart resumed beating.

Agad nila siyang dinala sa operating room. Tama nga ang sinabi ni Henry, nabaril siya.

Tumayo akong nakatiim bagang habang kuyom ang mga kamao ko.

Kung sino man ang may gawa nito kay Caia. Sinisigurado kong magbabayad sila.

Could Be Something Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon