caimeralda
Liked by not_jean and 549 others.
caimeralda Kung babalik ako sa panahong una kitang nakita, sigurado akong gagawin ko pa rin ang walang sawang pangungulit sa ’yo hanggang sa mauwi ulit tayo sa ganito. Sa sitwasyong mahal na mahal natin ang isa’t isa.
Habang tina-type ko ‘to hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. Lahat lahat bumabalik sa isipan ko at mas lalo lang akong nahuhulog sa ’yo. Para kang paborito kong libro na binabasa ko tuwing gusto ko ng pahinga. Paborito kong kanta na pinapatugtog ko tuwing malungkot ako para gumaan ang pakiramdam ko. Paborito kong palabas na hindi ako nagsasawang panoorin. Paborito kong damit na lagi kong suot saan man ako magpunta, ang laging saksi sa mga ganap ko sa buhay.
Sobrang suwerte kong minahal mo ako, Shadrach. Salamat sa pag-alalay sa akin. Salamat sa paniniwala sa akin kahit na minsan ako mismo ay hindi naniniwala sa sarili ko. Salamat dahil hindi mo ako iniwan sa dilim. Salamat kasi minahal at mahal mo ako ng wagas. Salamat kasi hindi ka sumuko.
Marami pa tayong bigas na kakainin. Mahihirap na daan na lalakarin. Mga bagyong dadanasin. Pero pangako ko sa ’yo hinding-hindi ako bibitaw. Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay.
Marami pa akong gustong sabihin pero saka nalang hahaha. Anue ba? First day ko lang ng MedSchool nagiging emosyonal na ako. Thank you sa scholarship, bae! Pagbubutihin ko pangako!🫰🏻
View all comments:
shadrach
I love you so much, bae! Nandito lang ako lagi at palaging proud sa ’yo🤍not_jean
apaka sweet naman ni doctoraaaaamarj
🤍🤍🤍