66

44 5 3
                                    

“Boss! May hindi ka ata sinasabi sa amin?” rinig kong tukso ni Harold nang matapos kong maka-chat si Caia.  Pinatay ko na ang cellphone ko at ibinulsa ito.

I looked at Harold and Henry, and immediately creased my forehead when I saw their teasing smile.

Napailing lang ako.

“Girlfriend mo na ba, pre?” tanong ni Henry.

Agad akong napangisi.

“Ayun oh!” halos sabay nilang sabi dahil nang paglingon ng ibang mga customers sa amin.

I raised my one eyebrow. “May sinabi ba ako?”

“Sus, kilala ka namin, boss.”

I chuckled at Harold’s statement.

“Sa atin lang muna. Huwag niyo munang babanggitin kila mama lalong-lalo na kay ate.”

Ayoko munang ipaalam kila mama lalong-lalo na kay ate dahil mukhang hindi pa handa si Caia. Sinabi kasi niya sa akin noon na ilihim daw muna namin ang relasyon namin. Saka na lang kapag handa na siya.

Ayokong sabihin kay ate dahil mas malala pa siya kaysa kila Harold na mang-asar.

Sabay silang sumaludo. “Yes naman!”

Natawa ako.

“Yiii! Binata na si boss,” tukso ni Harold.

“Shut up.”

“Sabi na e, bibigay ka rin,” ani Henry.

Tinatawanan ko lang sila at iniwan na roon dahil may dumating na customer.

Could Be Something Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon