“Bae, justice has been served. Nakulong na ang mga hayop na nagpahirap sa ’yo. Gumising ka na, please. Miss na miss na kita. . .”
I held her left hand as I cried silently.
Apat na buwan na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Caia.
But there are some progress, though. Nalipat na siya sa private room at hindi na siya sa ICU. Mas malaki na ngayon ang chance na ano mang oras o araw ay magkakamalay na siya.
Damn, I missed her so much. I missed her smiles, laughter, and her silly jokes. Gustong-gusto ko na siyang yakapin, hagkan, at kakuwentuhan sa mga bagay-bagay. Nakaka-miss siyang pagsilbihan at lutuan ng mga paborito niyang pagkain.
I cried harder as I plant a kiss on back of her hand.
“Please, wake up, bae. . .” I pleaded.
Dulot nang matinding pagod ay nakatulog na ako habang hawak pa rin ang kamay niya at naka-upo sa monoblock chair.
Nagising ako nang may maramdaman akong naglalaro sa ilong at panga ko. Minulat ko ang mga mata ko at agad akong napaayos ng upo at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Caia.
Ilang beses akong kumurap para masigurong tama ang nakikita ko. Nakamulat ang mga mata ni Caia at nakatingin siya sa akin.
“Caia, please, blink twice if you can hear me.” Then she did.
Napatalon ako sa tuwa.
“Thank, God, you’re finally awake!” masayang sigaw ko at mabilis na tinawag ang mga doctor.
Agad siyang inasikaso ng mga doctor lumabas naman ako para matawagan ang magulang ni Caia at ang mga kaibigan niya para sabihin ang magandang balita.
My baby is finally back! Thank, God!