19- What's your secret

1K 48 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍

~𝑾𝒉𝒂𝒕'𝒔 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕~

Nanatili na lamang ang isa kong braso sa bewang ni Varene habang ang muka ko ay  naka siksik lamang sa leeg niya upang marahan itong bigyan ng halik kasabay ng unti-unti kong pag hila sa kanya papalayo. “Kalma na, Attorney ko. kilala ko siya” saad ko sa kanya habang unti-unti niyang ibinababa ang braso niya na may hawak na baril dahil sa pag control ko dito.

“You know this d*mb4ss?” mariin niyang tanong habang yakap-yakap ko parin ang bewang niya.

I nodded. “he’s a friend of mine” saad ko habang pilit ko na lamang siyang niyayakap upang mabigyan ng pagkakataon si Alvin na bumangon mula sa pagkaka lagapak nito sa sahig.
Bumangon na ito ngunit bakas sa reaksyon sa muka nito ang sakit na iniinda dahil sa ginawa sa kanya ni Varene.

“His future husband—”

Napa yakap na lamang ako sa harap ni Varene ng bigla siya nitong tutukan nanaman ng baril ngunit this time ay isang kamay na lamang dahil ramdam ko ang isang braso ni Varene na nayakap na din pabalik sa likod ko.

“Oh! Oh! Awat na!” hinila ko siya sa likuran ko at saka ito tinakpan.

“T4ng1na mo Alvin isa pang gamit mo ng bunganga mo ako na pagpapakain sa ‘yo ng bala. Kumalma na kayong dalawa. Mauuna pa kayong magpatayan!”

Alvin sarcastically laugh making Varene glared at him even more. “So you’re Atty. Monteverde? I don’t know that despite of your angelic face is a mother f-cking k1lling machine. You’re impressive!”

“Unlike your parents who’s feeding you with their money from illegal things. Despite of your blossoming career is your family’s dirty secrets. You’re also impressive!”

Napasama ng tingin si Alvin sa kanya ngunit nginisian lamang siya ni Varene kasabay ng pag rolyo nito ng mata niya.
“I’m not going to give this gun back to you, I will surrender this to the authorities. How dare you for bringing this in this kind of place”

“Naka rehistro yan!”

“Then it’s better, sisiguraduhin ko na mag mumulta ka dahil sa kat4ngahan mo” saad nito sabay kuha ng isang plastic na may zip lock mula sa bag niya at saka ito inilagay doon bilang ebidensiya.

Pinanlakihan ako ng mata ni Alvin sabay tingin ng makahulugang panlalaki ng mata. ‘Hindi mo pipigilan??!’ he mouthed.

Umiling ako sa sabay sabi ng ‘hayaan mo na’ ng hindi pinapagamit ang boses ko.

“You touched that gun you will have your finger print there---” natigil na lamang si Alvin sa pagsasalita ng biglang itinaas ni Varene ang palad niyang naka taas lamang ang gitnang daliri dito. Pinapakita na may suot siyang itim na gloves at namam4kyu na din habang hindi ito nakatingin sa kanya at abala sa ginagawa nito.

Napatingin sa ‘kin si Alvin na tila ba nagsusumbong pero ano sa tingin niya ang magagawa ko? hindi nga ako makapalag sa babaeng ‘to, siya pa kaya?

Hinayaan ko na lamang si Varene sa ginagawa niya. Dali-dali ko na lamang na hinila si Alvin papalabas ng kwarto ko habang abala parin si Varene.
Pag labas namin ay wala naman na tao sa hallway dahil nasa pribado akong kwarto.

Inis kong kinurot si Alvin sa tagiliran dahilan upang mapa ‘aray’ nanaman lamang siya.

“Diba sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag ka basta-basta magpapakita sa ‘kin hangga’t hindi ako pumapayag? Alam mo naman na all day kong kasama si Varene!”

He sighed, “How can you stop me from doing that? pinapunta ako dito ni Mommy dahil nag aalala siya nang mabalitaan yung nangyari sa ‘yo. They are expecting a job well done to your mission, not this!”

Kissing my bad newsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon