4-Nurse

1.1K 48 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑

~𝑵𝒖𝒓𝒔𝒆~

SA UNANG BESES sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas na huminginga pa nga ako. Iniiyakan na ako.

Nagising na lamang ako hindi dahil sa kusa akong nagising. Ngunit napilitan na lamang akong imulat ang mga mata ko dahil sa hindi ko na matiis ang tila bakang kinakatay na umaatungal sa katabi ko.

Sa pag unti-unti kong pagmulat ng mata ko, un akong nasilayan ang puting kisame. At nang tuluyan ko ng namulat ang mga mata ko agad na bumungad sa ‘kin ang maliit ngunit malinis na kwarto habang naka higa ako sa isang hospital bed.

Humihinga pa ako, at alam ko sa sarili kong hindi pa ako patay sa pagkakataong ‘to. Dahil alam ko sa sarili ko na ang masamang damo, hindi basta-basta mamatay… Hindi ako damo pero masama ako, kaya counted na din yun.

“ARABELLAAA huhu, ‘wag mo muna akong iiwan. Mag ni-ninang ka pa sa anak ni Mari tsaka magiging anak ko huhu!” tama nga ang hinala ko na may baka sa tabi ko na nagkatawang tao. charot.

Sinubukan kong igalaw ang leeg ko, ngunit mariin na lamang akong napa mura ng mapagtanto kong may neck brace ako. Kapag minamalakas ka nga naman oh. Ramdam ko rin na hindi lang leeg ko ang may neck brace. Bati braso ko may simento din. K1nang1nang buhay nga naman.

Pag tingin ko sa tabi ko agad kong natagpuan si Lian na naka yuko sa kama ko, nakaupo sa isang silya na alam kong iniusog niya sa ‘kin.
Iyak ng iyak habang kung ano-anong pinagsasabi na para bang namatayan, buhay pa naman ako.

“Bakit ka kase nag ala John wick, di ka naman action star p4kyu ka talaga” iyak parin siya ng iyak na parang kinakatay eh.

Gamit ng isa kong kamay, marahan ko siyang inabot. Hinaplos ko ng marahan ang buhok niya na gusto kong sabunutan dahil sa pang iistorbo niya sa mahimbing kong tulog. Unang hawak ko sa kanya ay agad siyang napa angat ng tingin sa ‘kin. Inilapat ang mga mata niyang hindi parin natigil sa pag luha.

“Tulo sipon mo” bagamat nanghihina ay sinubukan kong sabihin ang mga katagang iyon. kaya naman dali-dali niyang pinunas ang sipon niya gamit ng panyo niya na kanina lang ginagamit niya sa pag pupunas ng mga mata niya.

Dugyot amput4. “Arabellaaa!” Halos mapa talon na lamang si Mari sa gulat dahil sa sigaw ni Lian. Tulog na tulog ba naman habang naka upo sa siang sofa sa loob ng hospital room ko. kahit saan na lang natutulog eh.

“Hoy, hinaan mo nga boses mo. baka isipin ng mga tao dito tropa mo si tarzan” inis kong saad sa kanya ngunit hindi niya man  lang itong magawang pansinin dahil mas inuna niya akong yakapin habang naka higa ako dito.
Maging si Mari ay dali-dali na lamang din na napalapit sa ‘kin na puno din ng pag aalala.

Naistorbo ko nanaman sila. Isa sa pinaka hindi ko gustong gawin sa ibang tao. Wala naman na kase akong magulang na uuwian. Sila Ninang naman ay hindi ko masyadong iniistorbo sa buhay lalo na’t hindi ko gustong gambalain sila.

“Nako! Mabuti naman at gising ka na!” Wika ni Mari na napa upo na lamang sa tabi ko. habang ito namang si Lian ay yaka-yakap parin ako, umiiyak parin.

“Masama ba kapag di ako nagising?”

“Oo, kase kapag namatay ka papatayin kita!” inis na saad ni Mari.

Ano yun? Double d3ad?

“Anyare?” tanong ko sa kanila.

“Anong anyare ka dyan. kami dapat ang mag tanong niyan sa ‘yo g4ga ka. Kailan ka pa naging action star ha? Alam mo ba, nagulantang na lang kami nitong si Mari nang sinabi sa ‘min na tinakbo ka sa hospital. Malala daw tama mo. Chill lang sana kami kase akala namin sa mental hospital ka dinala, kaso ibang tama pala ibig nilang sabihin” Naiiyak parin na saad ni Lian habang pinupunasan ang luha niya na di parin tumitigil dahil sa pag aalala sa ‘kin.

Kissing my bad newsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon