Nakarating na kami sa Xylo. Agad agad kong nakita si Wynne na nakikipag landian sa isa nyang chicks. Nakilala ko si Wynne nung highschool pa kame, aaminin ko na nag ka crush ako sakanya dati
At kung tatanongin nyo din bat kami nasa Xylo, di ko din alam siguro trip lang? de jwk lang. Birthday kase nung kaibigan ko na si Sasha.
Hinanap hanap ko si Ezekiel na kanina nasa likod ko lang ngayon nawala na kaya hinahanap ko nalang ang barkada.
Hindi din nagtagal at nakita ko na sila, at ang magaling na Ezekiel kanina pa ata sya nandito di manlang ako sinabihan.
Lumapit na agad ako sa table kung saan andun sila at yes lasing na si birthday girl.
"Bat ngayon kalang? kanina pa dito si Ezekiel" ani nya
"Aba itanong mo kaya sa lalaking yan, iniwan ba naman ako" sagot ko.
"Tsk" sagot nung lalake.
"Nagtatampo si bro, louzie suyuin mo nga" singit ni Wyanne, aba tapos na mambabae ang loko. Inirapan ko nalang sila
"Anyways, nasan na si Nicole at Nathan?" pagbabago ko sa usapan
"Otw palang daw" sagot ni Wyanne. Tumango nalang ako sakanya.
tiningnan ko si Sasha na ngayon ay naka pikit na "tinulugan tayo ni birthday girl" ani ko
Napakamot nalang ako ng ulo at kumuha na din ng alak at nilagok iyon. Pagkatapos ay nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Ezekiel na seryosong nakatitig sakin.
"Oh bakit?" ani ko.
"Tsk" sagot nya. Ano pa bang aasahan ko ganyan yan pag galit. Di ko alam pano kami mag babati, hays hayaan na nga muna. Uminom ulit ako ng uminom kase namiss ko din ang alak.
Napatingin ako kay Wyanne na may kung anong tinuturo, tiningnan ko nalang din kung ano man yon. Nakita ko ang mga babae na sobrang kikinis ng hita. Napa irap nalang ako sa kawalan. At syempre ang malanding Wyanne di na agad nag aksaya ng oras at agad tong pinuntahan. Napatingin nalang ako sa lalaking nasa harapan ko na seryoso pa ding naka titig sakin.
"Look, I'm sorry di ko naman kase talaga sinasadya maaksaya yung gas mo" ani ko
Inirapan nya nalang ako. Hindi malaman kung ano bang kinakagalit neto. Hindi din nag tagal at dumating na din sina Nicole and Nathan
"Hi sis!" full energy na sabi ni Nicole habang si Nathan naman ay kausap si Ezekiel na nakabunsangot padin. Napansin yon ni Nicole kaya bilang marites ay nag tanong ito agad
"Hala anong latest? anyare?" ani nya. At talagang inuna pa ang pag mamarites kesa batiin yung birthday girl pero pano sya babati kung yung may birthday ay power off na, hay nako talaga.
"Di ko alam jan, galit ata kase inaksaya ko gas nya" masungit na sagot ko.
"Gas? ano ba nangyare" ayaw paawat ni Nicole. Kaya kinwento ko nalang din.
"HWHAHAHAHAHAHAHWHSBWHWHAH" tawa nya ng matapos ko sakanya i kwento ang nangyare. Habang ako pinapanood lang sya habang lumalagok
"Dahil ba talaga sa gas yon or may iba pang dahilan? Mayaman naman sya bat nya pinoproblema yung gas? ani nya.
"Aba malay ko jan" ani ko.
"Cute nyo talaga para kayong couple, ship ko kayo #loukiel" napairap nalang ako sa kagagahan ni nicole. Ew kadirdir anong loukiel. Napatawa nalang si Nicole sa reaction ko at tinatry na gisingin si Sasha kaso syempre asang gigising yan. Inangat ko nalang ang tingin ko kay Ezekiel na nakatitig na ulit sakin
"Ampogi" bulong ko sa sarili, ay nadulas lasing na ata ako.
YOU ARE READING
Pursuing the Sunset
RomanceThe party girl Louzie, meets Mr. Mix signals, Ezekiel. Ano nga bang plano ni Ezekiel kay Louzie? What will happen next? Is there a happy ending for both of them? at tama bang nakilala ni Louzie si Ezekiel??