Chapter 4

16 1 1
                                    

Nasa sasakyan na kami ni kuya stranger pogi and as usual nabibingi nanaman ako sa katahimikan, ano ba yan ano ba magandang topic suggest nga kayo.

Alam nyo ba mga beh parang gusto ko na bumaba dito pero hindi dahil sa katahimikan. Pano ba naman kase yung sasakyan nya mas mahal pa sa buhay ko.

Naka Subaru BRZ ba naman. Sana all diba. Sa totoo lang mukha lang akong okay pero kinakabahan na ko kase for sure hinahanap na din ako nila mommy lowbat pa naman ang cellphone ko huhu patay talaga ako.

Habang hinahanda ko ang sarili sa sermon nila mommy ay bigla syang nag salita.

"Are you okay?" Siguro napansin nya na hindi ako mapakali.

Tumango ako sakanya. At dahil siguro sa tahimik na kapaligiran ay bigla tong nag patugtog. Uy music i love music.

Kaso nga lang yung kanta.....

Crush na crush na crush kita. ~

Pinipigilan ko yung tawa ko kase GAHAHAHAHAAHAHAHAHAJAHA may pag ka jejemon din pala si kuya stranger pogi

Nasamid naman si kuya stranger pogi HAHAJAJAJAHAHAHA okay lang yan tanggap kita. Nahiya siguro sya kaya pinatay nya nalang yung music. Ready na sana ako tumulala ulit nang may naalala ako na itatanong sakanya. Kapalan na ng feys to.

"Ano pala pangalan mo" tanong ko.

He chuckled. "Oh my name? What made you ask for my name?"

"Wala lang?" patanong na sagot ko dahilan ng pagkatawa nya.

"Well, my name is Caleb Salazar. My name suits to my poginess, right?" he smirked.

Tumawa nalang ako kase totoo naman may itsura talaga sya. Nagulat ako nang binalik nya sakin yung tanong.

"I told you my name already. It's your turn now, miss" ani nya

"Well, my name is Natasha Louzie Chua. My name suits to my gandaness, right?" I answered.

"Yeah, your name suits your beauty, Miss Chua."

"Bolero" tumawa ako at ganon din sya.

Tumahimik ulit kami nang matapos ang pag tatanongan namin ng pangalan. Inabot kami ng traffic kaya habang nag aantay na umandar ang mga sasakyan sa unahan ay ginala ko muna ang mga makukulit kong mga mata nang may nakita akong bata na nag bebenta ng rosas at mukhang nakita nya din yon kase syempre may mata sya.

Nagulat ako nang binuksan nya ang bintana ng mamahalin nyang sasakyan. At mas lalo akong nagulat sa sinabi nya.

"Pst, little boy with the roses. Can I buy all of that?" ani nya. Wow galante si mayor.

"Talaga po?. Tamang tama din po to sa kasama nyo kasing ganda nya ang mga rosas na to." sabi ni little boy with the roses.

Caleb chuckled at namula naman ako. Ano ba naman tong bata na to kailangan pa mang bola, enebe.

Nilabas ni Caleb ung wallet nya at nag abot ng blue bill kay little boy. Kinuha nya lahat ng rosas at ibinigay sakin.

Di ko alam bat kami napunta sa gantong sitwasyon. Ang alam ko lang ay sobrang pula na ng mukha ko.

"You really look like a tomato that's about to explode right now." Caleb chuckled.

Ngumuso ako. Dahilan nang pagkatawa nya. Nagulat ako nang kinurot nya ang pisngi ko.

"Your eyes shine even more than a field of flowers." ani nya.

Mali ba kung sabihin kong kinikilig ako?

Pursuing the SunsetWhere stories live. Discover now