Ilang oras ang nakalipas at tinamaan nako ng alak. Nawala na din sa table si Ezekiel at si birthday girl ay pinasundo na ng kanyang nanay, at si Nicole? ewan ko baka lumalandi and si Wynne wag nyo na tanongin alam na natin yon HAHAHAHAHAHA si Nathan naman ay baka kasama ni Ezekiel kaya ako nalang naiwan sa table.
Masakit na din ang ulo ko at inaantok na kaya tinawagan ko si Ezekiel para makauwi na. Kaso ang loko ayaw sumagot at ring lang ng ring "nasan kaya to?" tanong ko sa sarili. Sinubukan ko nalang na tumayo at hanapin sya
Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang kirot ng aking ulo. Natatamaan na din ako ng mga taong sumasayaw kaya nawalan ako ng balanse at natumba pero may brasong sumalo sakin kaya hindi ako lumagapak sa sahig.
"Miss?" ani nya. Di ko na ito nasagot dahil tuluyan na ko nakatulog sa mga braso nito.
—————————————————————-
Nagising ako dahil sa kirot at sakit ng ulo ko. Nilibot ng paningin ko ang paligid ko
Tangina
Napatayo ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako pero dahil sa pag tayo ko mas lalong sumakit ang ulo ko. Gayon nalang din ng bumukas ang pinto at sino to bat ampogi
"Hangover?" ani nya. Napatango nalang din ako habang nakatitig padin sakanya at mukhang napansin nya yon kaya agad itong tumawa
"Tinutunaw moko miss" ani nya
"Sorry po" sabi ko at tiningnan nalang ang paligid
"Nga pala nasa condo kita ako din yung nakasalo sayo kagabi sa Xylo di ko din kase alam san kita dadalhin kaya dinala kita dito."
"Ah okay po. Thank you po pala sa pag tutuloy nyo sakin dito" nahihiya kong sabi
"Small things" sagot nya
Napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko, nakita ko na may mantsya pala iyon at mukhang napansin nya yung tinitingnan ko
"May extra T- shirt ako mag palit ka muna tapos labas ka para makakain kana din." ani nya at tumango naman ako.
Nang nakalabas na sya ay dali dali akong nag palit dahil kumakalam na din ang tyan ko. Walang hiya hiya na to beh gutom ako eh. Nang matapos ay lumabas na din ako agad. Ang ganda ng condo nya ambango pati parang siya, ay hala wait ano yon
Nang maka lapit ako sakanya ay pinag hila nyako ng upuan. Shala gentleman si pogi, teka ano ba tong pinag sasabi ko gutom na ata ako andami ko ng sinasabi na labag sa batas.
Habang kumakain kami ay nakakabingi ang katahimikan gusto ko man syang kausapin kaso di ko alam ang sasabihin. Hays wag na nga.
"You look pretty miss" bigla nyang sabi. Nabilaukan naman ako dahil don.
"Hala sorry nabigla ba kita?" ani nya
"Medyo" sagot ko habang umuubo padin bat naman kase ganon bigla bigla nag sasabi ng ganon nanghihina tuloy ako
Nawala na ang bara sa lalamunan ko at hindi na din sya nag salita kaya tinapos ko na agad ang pagkain.
Nang matapos na ay agad kong niligpit ang pinagkainan ko kase alangan namang sya pa sya na nga nag luto sya pa mag huhugas ambait mo talaga self.
"Ako na nyan" ani nya
"Mabait ako kaya maupo kana jan at ako na bahala dito" ani ko
"Ikaw yung bisita, di dapat ikaw nag gumagawa nyan"
"Eh? I exist kaya maupo kana lang dyan" wala na syang nagawa dahil siguro di nya kaya labanan ang kakulitan ko kaya hinayaan nya nalang ako.
Nang matapos ay agad ko ng inayos ang gamit ko para makauwi na. Sakto naman at nakita ko si kuyang pogi na kakalabas lang ng kwarto.
"Uhmm maraming salamat pog- ay kuya sa pag alaga and pag tuloy nyo po sakin dito, alis na po ako" ani ko
"Yeah, welcome. And btw hahatid kita"
"Ha?!? Hala wag na po"
"Natalo moko sa hugasin kanina ngayon hindi na kaya halika na" ani nya. Napangiti nalang ako dahil hala enebe
Nilalandi ko sya sa isipan ko pero di ko alam pangalan nya, hay nako Louzie
YOU ARE READING
Pursuing the Sunset
RomanceThe party girl Louzie, meets Mr. Mix signals, Ezekiel. Ano nga bang plano ni Ezekiel kay Louzie? What will happen next? Is there a happy ending for both of them? at tama bang nakilala ni Louzie si Ezekiel??