Chapter 6

1 0 0
                                    

Teka nga, nakaka ilang kwento na ko sainyo sa kaganapan ko nung isang linggo pero di pa pala ako nakakapag pakilala.

Ako nga pala si Natasha Louzie Chua, grade 12 na nga pala ako. Iisa lang akong anak ng mga magulang ko. Minsan naiisip ko masaya may kapatid pero kahit wala akong kapatid parang meron na rin dahil kay Ezekiel James Luxwell.

Sya nga pala yung bestfriend ko na hindi ko alam pano ako nagkaron ng kaibigang siraulo. Pero kahit ganon mapag tya- tyagaan naman.

Isang linggo na nakalipas simula  birthday ni Sasha. And yes opo napagalitan ako pag karating ng tatay ko pero syempre tinganggap ko dahil alam ko mali naman talaga ako. Hayst, better luck next time nga, Louzie.

At ayon na nga papasok na ko Hulaan nyo saan?, syempre san pa ba edi sa xyl- edi sa school

Nahahawaan lang talaga ako sa kagaguhan ni Ezekiel kaya ako nagkaka ganto pero hehe sana matanggap nyoko.

Andami kong dinadada. Late na ko!!! At oo nga pala may recitation pa kami, aaaaaaa!!!, andaming nangyayari sa buhay koooooo.

Habang iniisip yung mangyayari sakin mamaya sa recitation. Biglang sumigaw si mudra "Natasha!!!" Lagot...
__________________________

Pagka baba na pagka baba ko, nakita ko agad si mama na nag lilinis ng bahay. Inikot ko pa ang paningin ko at...

nakita ko agad ang pag mumukha ng lalaking ayaw ko makita dahil nasisira ang umaga ko.

"Grabe daig mo pa artista sa sobrang bagal. Tita, pinag lihi nyo po ba to sa pagong?" ani ni Ezekiel

bago pa mag salita si mudra, inunahan ko na sya. "At anong ginagawa mo dito aber??" Tanong ko, aba naman kase araw araw na siyang kada papasok dito muna sya dumadaretsyo, di ko alam kung anong trip ng lalaking to.

"Naawa kase ako sayo, ayokong ma late ka mag isa kaya sinasamahan kita so your welcome" sagot nya.

Sasagutin ko din sana sya kaso sumingit si mudra "oh anong ginagawa nyo jan? agang aga mag babangayan kayo. Umalis na kayo at baka ma traffic pa" sabi ng magaling kong nanay.

"At ikaw Natasha, pag katapos ng school umuwi agad at wag na pupunta kung saan." pahabol nya. Tumango nalang ako at nag mano para maka alis na.

Yun nga pala nangyayari kada umaga mga beh, makikita ko si Ezekiel na nasa sala tapos lalaitin ako kesyo matagal daw ako. Then papaalalahanan ako ng aking ina na maraming bagay na hindi ko dapat gawin:)

_____________________

Andito na nga pala kami sa school mga beh and as usual late nanaman kami, hay nako

"Tingnan mo Natasha! Kung araw araw kang mabagal kumilos lagi tayong malalate!" ani ni Ezekiel, yung dapat bumaba na kami para makapunta na sa classroom pero ang ginawa nya is pumutak like my mother:). Pero syempre anong akala nya sya lang yung marunong nun?. Talent ko kaya yon.

Pursuing the SunsetWhere stories live. Discover now