Chapter 5

9 0 0
                                    

Malapit na kami sa bahay at grabe yung dibdib ko parang lalabas na sa katawan ko sa sobrang kaba. Sermon nanaman to pero kasalanan ko din naman. Ay hindi pala kasalanan nung cellphone ko bigla nalowbat.

Nagulat ako nang may lalaking nakatayo at mukhang hindi mapakali sa tapat ng bahay namin. Pero habang papalapit ang sasakyan ay alam ko na agad kung sino to.

Unti-unting bumagal ang pag mamaneho ni Caleb para mag park sa gitna ng kotse sa harap at likod. Lumingon s'ya paulit ulit sa harap at likod para mag parallel park. Pagkatapos nya mag park ay bumaba agad sya at pinag buksan ako ng pinto. Naks naman.

Kinuha ko yung rosas na bigay nya sakin, medyo madami iyon pero minsan lang ako maka tanggap ng rosas di pwedeng hindi ko isasama to sa bahay kahit malalanta din. Pipicturan ko pa nga para memories.

Pag ka labas ko ng sasakyan habang hawak hawak ang binili ni Caleb na rosas para sa akin. Agad ko agad nakita si Ezekiel mula sa tapat ng bahay at patakbo patungo sa'kin. Habang palapit na s'ya, hindi ko mapigilan mahangaan ang itsura n'ya. Bigla niya din ako niyakap ng mahigpit.

"Bat ngayon kalang?!. Alam mo bang mamamatay na ko kakahanap sayo???. Bat di mo sinasagot tawag ko?. San ka galing? At sino yang lalaking yan? May ginawa ba yan sayo?" napaka daming sinasabi ng lalaking to parang babae eh.

Bubuka nanaman sana bibig nya nang nag salita na ko. Nakakarindi, akala ko sa loob pa ko ng bahay masesermonan at uulanan ng tanong. Pati din pala sa lalaking ito

"Teka awat na, mahina kalaban."

Bumuntong hininga muna ako bago sagutin ang mga tanong ni Ezekiel dahil alam ko di to titigil pag hindi ko sinagot ang mga tanong nya. Niligon ko din si Caleb na seryosong tinititigan si Ezekiel.

"Okay so, ngayon lang ako kasi napaka traffc. Hindi ko din alam na mamamatay kana kakahanap sakin. Lowbat ako kaya di ko nasasagot ang tawag mo. Alam mo bat ako nalowbat? Dahil sayo, tawag ako ng tawag nung gabing yon ring lang ng ring. And for your information, Caleb is the one who helped me when I fainted, while looking for you at Xylo last night." nahawaan na siguro ako ni Caleb sa kaka english nya. Tiningnan ko ang loko na si Ezekiel sa dami kong sinabi pakiramdam ko di sya nakikinig dahil na kay Caleb lang ang tingin nya. Ano ba tong dalawang to.

Napatingin si Ezekiel sa hawak kong rosas at sinamaan ng tingin si Caleb

"Ilang oras kalang nawala nag paligaw kana agad?" ani nya saken. Aba loko to ah, tsaka ano naman sakanya kung liligawan ako?

"Sira! Anong pinagsasabi mo?"
sagot ko pabalik sakanya.

Hindi nyako sinagot dahil nakatingin lang sya kay Caleb. Hindi nagtagal at pumasok na din ako sa loob, bahala silang mag titigan dun.

Pag pasok na pag pasok ko palang nag simula na agad si mamang manermon. Buti nga at nasa trabaho pa si papa, pero sigurado ako pag uwi non. Lagot ako.

"Ikaw bata ka, hindi porket hinahayaan ka namin mag lakwatsya dun ka na matutulog at hindi kana uuwi dito. Aba, aatakihin ako sa puso sa nerbyos. Pag talaga ikaw bata ka nabuntis ng maaga, pag sisishan mo yan."  Haha, grabe naman yon ma. Madami pang sinabi si mama pero hindi ko na ichi chika sainyo, hehe.

Pag ka tapos ni mama na manermon, dali dali akong umakyat patungo sa aking kwarto dahil baka may pahabol pa syang sermon. Pero kahit naman ganon may sermon pa rin na nag aantay sakin. Pag uwi ni papa ihahanda ko nalang ang aking sarili, dahil alam ko naman na may mali ako, dahil hindi ko sila sinabihan na hindi ako uuwi.

Nag shower muna ako at biglang pumasok sa isip ko kung kamusta na ang dalawa sa labas, sigurado naman ako nakauwi na sila.

Kasi ano naman gagawin nila dun sa labas kung hindi sila uuwi?, hindi naman siguro sila nasisiraan diba?. Hayst bahala na nga yon bat ko ba sila pinoproblema.

Pursuing the SunsetWhere stories live. Discover now