Chapter 3: Embarrassed

12.9K 338 14
                                    

|SCARLET’S POV|

Napahawak ako sa bibig ko at lumaki ang mata ko. What the hell! Bakit nila kami pinag uusapan sa school site namin? Supposed to be mga ganap sa school ang nakikita dito, but look! Ako at ang walang hiyang pulang buhok na ‘yon ang tumambad sa akin sa website ng school namin.

“Urgh!” binalibag ko ang mouse sa sobrang bagal ng internet at kulang na lang ay masira na ang monitor ng laptop ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa screen.

“Kainis! Bakit nandito ang nakakasurang litraro na ‘to!” iniscroll down ko ang mouse, mas lalong napaawang ang bibig ko. Shit! Pakiramdam ko skandalosa akong tao sa mga nabasa kong comment nila! Kulang nalang patayin nila ako sa pamamagitan ng mga mura nila!

Ang kapal naman ng mukha nyang banggahin ang may ari ng school nila. Nabasa kong comment nung isa, na sa pagkakaalam ko ay taga ibang school sya, base narin sa comment nya

Hindi nya siguro kilala si Saturn?

Nasa gitna na ng buhay at patay ang katawan nya.

Napapikit ako at padabog na sinara ang laptop ko. Nakakapangiinit ng ulo! Ang sarap magmura! Shit tangina sila! Wala silang alam sa nangyari kahapon kaya bakit nila ako pinagsasabihan ng mga ganung salita! Minumura nila ako, bakit ko daw sya tinapunan ng pagkain. Bakit hindi ko daw sya iniwasan! Dapat lumuhod ako sa harapan nya! God! Sya ba ang diyos para gawin ko ‘yon? Mukha nya! Nag sorry ako pero hindi nya tinggap! Bahala sya sa buhay nya. Pero damn it! I’m so dead sigurado akong makikilala at makikilala nila ako mamaya pag pasok ko sa  school.

***

Nakasimangot akong pumasok at kulang na lang ay mapunit na ang bibig ko sa haba ng nguso ko. Gustong kong sampalin ang lalaking ’yon at ipatanggal sa kanya ang litratong kumakalat. Nang dahil sa aksidenteng pakakatapon ng letcheng pagkain na’yon sa damit nya naging instang sikat ako.

“Apple ayos ka lang ba?” Nabalik ako mula sa malalim na pag iisip ng magsalita si Tiffany sa tabi ko.

“Ayos lang ako sis” pilit naman ang ngiti na sagot ni Apple. Ang laki ngayon ng eye bugs nya at halatang puyat, namumula pa ang pisngi at mata nya.

“Nag away nanaman ba parents mo?” tanong naman ni Raya na nakapagpasimangot pa lalo kay Apple. Ang parents nya kasi ang kadalasan nyang problema, palagi silang nag aaway dahil naghihinala yung mama ni Apple na may ibang babae daw si tito.

“Hindi no’, naiinis lang kasi ako sa binabasa kong libro. Pinagpuyatan ko tapos tragedy pala. Medyo nalungkot lang ako sa ending”

“Naku medyo sad nga yung mga ganyang libro, ako nga binabasa ko ‘yong-“ Hindi na naituloy ni Tiffany ang sasabihin nya dahil bigla nanamang nagsigawan ang mga studyante. Sheez! Gusto kong tumakbo at magtago na lang! Sigurado ako na anjan nanaman yung lalaking may pulang buhok kasama ang barkada nya! God! Iniisip ko pa lang na makikita ko sya kinikilabutan na ako!

Umirap ako at sa kawalan at akmang iiwan na sana sila doon ng marinig ko ang baritinong boses nya,

“Where do you think you are going?”

Napahinto ang sigawan nila kasabay non ang paghawak nya sa braso ko. Kinabahan ako at tinignan ang kamay nya sa braso ko. Inalis ko ang kamay nya doon at hinarap sya.

“To my room” tipid kong sagot.

Nagbulungan nanaman sila, and some of the rumors ay dinig na dinig ko. Yeah right! Hala sige! Magbulungan pa kayo! Kainis na kayo a’ wala naman akong ginagawang masama sa kanila pero pilit nila akong hinusgahan!

“You are not going anywhere Miss”

“Ano bang problema mo-“

“Be with me instead”

Hindi na nya hinintay ang sagot ko at kinaladkad na nya ako palayo sa mataong hallway. God! This man is so damn frustrating! Bigla na lang manghihila samantalang alam ko naman kung paano lumakad!

Hindi na ako nakapagpaalam kila Tiffany at nagpatianod nalang sa kanya. I’ll confront him right away! Ayokong ganito, yung minamanipula ako! This is my life at gagawin ko kung ano ang gusto ko!

Pwersahan akong pumiglas sa pagkakahawak nya sa akin, tagumpay naman ako sa ginawa ko at tinignan sya ng masama. Kinunutan nya lang ako ng noo at tinitigan. Sheez! Nakakapalambot ng tuhod ang titig nya.

“Ano bang kailangan mo?”

“I want you?” Napatingin ulit ko sa kanya at kinagat ang ibabang labi ko. Fudge! I don’t get him! Bakit patanong ang sagot nya!

“Look Mr. Choi kung may sasabihin ka man sabihin muna ngayon, may klase ako at ayokong nag aabsent kaya-“

“Hindi ka aabsent, sa klase ko ikaw papasok” Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Totoo ba ang narinig ko? Papasok ako sa klase nya? Bakit ako doon papasok e’ sa pagkakaalam ko magkaiba kami ng course. Pinikit ko ang mata ko para mapigil ang galit ko at nginitian sya ng pilit.

“Excuse me lang ho a’ hindi mo ako pag mamay ari-“

“Exactly, you are mine now Miss. Nakalimutan mo na yata ang sinabi ko kahapon?” Inismiran nya ako at lumapit sa akin.

“You don’t really get it huh? You are mine now Miss. Akin ka. Akin lang”

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon