Chapter 8: He's back

10.8K 248 12
                                    

|BRYAN JAME'S POV|

It’s a been a years since the last time I came here, halos limang taon din ako sa Canada. Doon ako nag-aral ng high school. Limang taon akong nagtiis, limang taon na wala sya sa tabi ko, limang taon na wala ang presence nya! Miss na miss ko na sya! Nag-hiwalay kami nung elementary kami. She's my bestfriend since gradeschool. Isa akong lampa noong bata pa ako. Laging naka jumper ng bitin tapos teternohan ng sneaker shoes mag hihighsock tapos salamin na malaki ang sapin sa aking mata. 

Naglalakad ako noon papuntang room ng bigla akong matapilok.

"Aww kawawa natapilok si boy jumper" ani ng lalaking tumapilok sa akin. Tinignan ko sya ng masama ngunit tinawanan nya lang ako kasama ang kaibigan nya pati narin ang ilang stdyante.

Sya si Bruno ang dakilang siga sa school lahat na lang binubully nya. Kung anung gusto nya ginagawa nya. Kung anung inuutos nya sa mga bata nya sinusunod nila. Once na hindi mo sya sinunod , sa clinic ang bagsak mo! Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kanya. Umiyak ako dahil sobra na sya lagi nya na lang akong binubully.

“ano bang problema mo!”

“aba at Tarantado ka a'! Lumalaban ka na!” Tinulak nya ako dahilan para mapa-upo ako sa sahig. Umiyak ulit ako dahil tumama ang pwet ko sa bato. 

“lampa ka naman pala e'. Ano lalaban ka pa!”

Lapma si boy jumper!” tawa at pang-aasar ng mga kaibigan nya.

“ANO NANAMAN BA 'YAN BRUNO!” Napatingin ako sa likod ko para tignan kung sino ang nagsalita. Napanganga ako sa nakita ko at napapunas ako ng mga luha ko.

“i-ikaw p-pala p-princess.”

“tinatanong kita kung ano ang ginawa mo sa kanya!”

"Prin—“

“don’t call me princess! Si kuya lang ang tumatawag sa akin ng princess!” Lumapit sa akin yung batang babae at tinulangan akong tumayo

“halika na tayo kana” Tumayo ako at humarap sa kanya

“maraming salamat”

“hoy! Bruno! Malaman ko pa na binubully mu siya makikita mo!! Ipapabugbug kita sa kuya ko naiintindihan mo ba!” Hindi sumagot si Bruno instead lumapit sya sa akin at bumulong.

“hindi pa tayo tapos” mariin nyang sabi at tumakbo ng mabilis kasama ang mga kaibigan nya

“Nakakainis talaga yang brunong yan! Anyway ano pala pangalan mo?” Tanong nya sa akin at kinunutan nya ako ng noo. Hindi ako sumagot ngunit nginitian nya lang ako at inayos ang nagulo nyang buhok

“huwag ka ngang matakot hindi ako nangangagat ng tao" natatawang sabi nya. Napakamot na lang ako sa ulo ko at yumuko. 

“ano kasi”

“Ako nga pala si Scarlet ikaw?”

“ako nga pala si bBryan James, Bj for short"

“pagpasensyahan muna si Bruno, kulang lang yun ng pagmamahal galing sa parents nya”

"Huh bakit naman” kaano ano ba nya si Bruno at magkakilala sila? Takot na takot pa sya ng makira si Scarlet.

“basta huwag na muna natin syang isipin, friends?”

“friends” nakangiting sagot ko at kinamayan sya. Mukha naman syang mabait at matulungin well, tinulungan nya ako at kita mo sa mukha nya ang sincerity

Yan ang unang pagkikita namin. Simula noon palagi na kaming magkasama. Nakilala ko pa ang iba nyang kaibigan at tulad ng una ko syang nakita napanganga ako. Ang gaganda nilang lahat.

Mabilis na lumipas ang panahon at sa araw-araw na pagsasama namin na realize ko na mahal ko na sya. Aaminin ko sya ang aking first love. Hanggang sa dumating ang araw at kailangan nanaming magpaalam sa isat-isa.

“Bj naman e', sabi mo hindi mo ako iiwan sabi mo pagka-graduate natin ng gradeschool sabay tayong mag-eenroll tapos ngayon iiwan mo ako” Halos mangiyak-iyak na sabi nya.

“pero Scarlet alam mo naman na may sakit ang lola ko kaya kailangan ko syang puntahan”

“Alam ko naman 'yon Bj kaso-" Hindi na nya tinuloy ang sasabihin nya at sinimangutan ako

Scarlet naman! ganito na lang promise ko sayo babalik ako, promise ko hindi ako mangbababae, promise ko ikaw lang ang magiging baby ko promise ko ikaw lang ang bestfriend ko" sa sinabi ko'ng 'yon ay napawi ang lungkot sa mukha nya at nginitian ako.

“promise mo yan Bj babalik ka"

“Promise”

Yan ang huli naming pagkikita at ngayon heto ako sa airport nagbabalik para tuparin ang pangako ko sa kanya.

"Bj” Napatingin ako sa tumawag sa akin at kumaripas ng takbo palapit sa kanya

“Kuya Black!”

“Woah! Ikaw na ba talaga yan? Laki ng pinagbago mo a'" nakamot ako sa ulo ko at ngumuso. Tama hindi na ako 'yong dating Bj na nakajumper at lampa.

“Kuya naman e”

“Ito naman hindi na mabiro” tumatawang sabi nya at tinapik ang balikat ko. 

“Si Scarlet kuya?” 

“nasa bahay kung gusto mo puntahan mo siya”

“Bukas na lang pahinga muna ako”

“okay” Nagkibit balikat lang sya at tinulungan akong hinalin ang dalawa kong maleta. Finally Scarlet magkikita na ulit tayo.

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon