Chapter 34: Cold Treatment

6.1K 138 3
                                    

|SCARLET’S POV|

Saturn tried to call me so many times pero hindi ko sinasagot. Para saan pa? Isa syang malaking sinungaling! Pinaniwala nya ako na Mahal nya ako pero yun pala may ginagawa na syang iba sa tuwing hindi nya ako kasama! Kaya pala busy sya nitong nakaraang araw yun pala nakikipaglandian na sya kay Venice!

Siniksik ko ang sarili ko sa comforter at yinakap ng mahigpit ang unan, hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan ko ang nakita ko kanina. Magkasama parin ba sila hanggang ngayon? Sana hindi, hindi ko kaya! Hindi matanggap ng isipan at puso ko na hanggang ngayon magkasama parin sila!

Pinunasan ko ang luha ko at ipinikit ang aking mga mata. Mahal ko si Saturn pero sapat nga ba ang sinabi nyang mahal nya ako? Dapat ko ba syang pagkatiwalaan?

|SATURN’S POV|

Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at triny ko ulit na tawagan si Scarlet pero fuck! Bakit hindi nya sinsagot! Galit kaya sya dahil hindi ko sya naihatid kanina? Nagsisimula na akong mainis sa hindi pagsagot ni Scarlet sa tawag ko! God hindi nya alam kung gaano ko sya gustong ihatid kanina pero kapag minamalas ka nga naman oh! Tanginang Venice yun! Ngayon pa sya nagloko!

Hindi ko naman sinabi na pumunta sya ng School at magpahatid sa akin paauwi! Paalis na ako nun sa tambayan namin at susunduin ko na sana si Scarlet ng biglang sumulpot si Venice! Blinack mail nanaman nya ako na kapag hindi ko daw sya ihahatid ipapakita nya kay Scarlet ang picture! Fuck! Gustong gusto ko ng sapakin ang babaeng yun nagtitimpi lang ako! Ang alam ko magpapahatid lang sya pero kinaladkad nya ako hanggang sa Unit nya hindi naman ako makapalag  dahil may mga guard sa labas ng building at baka sabihin nila na nag aaway kami.

Humiga ako sa kama ko at huminga ng malalim. Ayokong magsinungaling kay Scarlet pero inuunahan ako ng takot. Sigurado akong magagalit yun kapag nalaman nya na kasama ko minsan si Venice! Tangina naman oh! Bakit kailangan pang sumulpot ang babaeng yun!

***

Maaga akong pumasok ngayon para sunduin sana si Scarlet pero pagkarating ko sa bahay nila wala na daw sya at pumasok, no choice tuloy ako kundi ang pumasok mag isa.

Pupuntahan ko sana sya sa classroom nila dahil kabisado ko naman schedule nya pero baka mainit pa ulo nun kaya napagdesisyunan ko na lang na ngayong lunch ko na lang sya hahanapin

“yowh Saturn, san ka pupunta?” tanong ni Cloud

“kay Scarlet why?”

“pasabay kami” singit naman ni Henry

“sino namang pupuntahan nyo dun?” nagtataka kung tanong at nagpatuloy sa paglalakad

“sasamahan ka lang namin” sagot naman ni Alvin

Hindi ko na lang sila pinansin at mas mabilis akong naglakad, Ewan ko ba sa tatlong yan kung bakit sila sumasama! Tss pinabayaan ko na lang tutal wala naman akong magagawa upang pigilan sila.

Malapit na kami sa building nila ng makita ko sila sa silong ng puno nakaupo habang nagtatawanan pero napansin kong parang hindi sumasali sa kanila si Scarlet at nakaubub lang ang mukha nya sa mesa.

Linapitan ko sila at magsasalita pa lang sana ng biglang nyang iangat ang mukha nya, Shit! Namumula yung mata nya! Umiyak nanaman ba sya?

“Scarlet” Lalapitan ko na sana sya ng pigilan ako ng kaibigan nya

“oy oy! San ka pupunta?” Tinignan ko sya at damn! Ito yung babaeng pinagmumura ako nung isang araw!

Hindi ko na lang sya pinansin at lumapit kay Scarlet pero shit lang! Pinigilan ako nung isa nyang kaibigan! Tangina naman oh! Problema ba nila!

“hindi mo sya pwedeng lapitan!”

“at bakit hindi?”

“dahil ayaw ka nyang makita!”

Tinignan ko si Scarlet, Shit! Nakatingin lang sya sa akin na blangko ang mukha nya at hindi man lang lumapit sa akin. May nagawa nanaman ba akong kasalanan? Kung tungkol ito sa hindi ko paghatid sa kanya! Fuck I can explain!

“pinagsasabi mo?”

“ayaw ka nga nyang makausap! Galit sya sayo!”

“paano—“

Magsasalita pa lang sana ako ng biglang tumayo si Scarlet at umalis. What the?! Bakit nya ako iniiwasan! Ni hindi man lang nya ako kinausap! I can see sadness in her eyes! Big Deal na ba yung hindi ko paghatid sa kanya!

Susundan ko na sana sya ng pigilan ulit nila ako.

“tangina naman oh! Ano bang problema nyo!” Singhal ko sa kanila! Imbes na pakawalan nila ako para makausap si Scarlet heto sila at hinaharangan ang dadaanan ko! Bwiset!

“Easy bro, huwag mo naman silang sigawan” sabi ni Alvin, sinamaan ko lang sya ng tingin at iwinaksi ang kamay ko.

“may problema ba kayo?” tanong naman ni Henry

“i-i dont know! Hindi ko lang naman sya sinundo kahapon tapos ewan! Hindi na nya ako pinapansin!”

“Ehh kasi gago ka!” Sigaw ni Raya

“teka! Ang gulo nyo, ano bang pinagsasabi nyo? May alam ba kayo?” naguguluhang tanong ni Cloud

“totoo naman Saturn diba? Linoloko mo lang si Scarlet! Nakita ka namin kahapon kasama mo si Venice, busy pala haa? Mas mabuti siguro kong layuan mo na ang kaibigan namin! Tara na!”

Umalis na sila sa harapan namin at iniwan akong tulala.

Fuck! So alam na nya! Tangina naman oh! Kaya pala hindi nya ako kinakausap! Nanginig ang buo kong katawan at dahan dahan na napaupo! Hindi sana ito mangyayari kung sinabi ko kaagad sa kanya! Gago ako! Isang halik lang naman yun sa isang babae!  Sa katunayan kaya kong sabihin sa kanya ang nangyaring yun, pero ewan ko naunahan ako ng takot!

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at huminga ng malalim, Shit! Anong gagawin ko? Ni ayaw nya akong makita or makausap man lang! Paano ako makakapagpaliwanag sa kanya! Hindi naman siguro sya makikipaghiwalay sa akin diba? Hindi pwede toh!

***

“Bro? ano una na kami a” paalam ni Alvin, hindi ako sumagot at tumango lang ako

“Saturn, huwag masyado kanina kapa tulala jan, tara labas tayo” inakbayan ako ni Cloud at ngumiti pa ng sobrang lapad

Tinanggal ko lang ang kamay nyang nakahawak sa balikta ko at tumayo

“oh san ka pupunta?” tanong naman ni Henry

“k-kay Scarlet”

Shit kanina pa ako hindi mapakali! Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung pupuntahan ko ba si Scarlet o palalamigin ko muna ang ulo nya! Kanina pa ako paikot ikot dito sa tambayan at hindi alam ang gagawin! Putang ina naman oh!

“ano ba talaga ang ngyari ? At bakit nasali si Venice?”

Hindi nila alam ang tungkol sa amin ni Venice pati narin ang pang bablackmail nya sa akin, ayokong sabihin dahil sigurado akong mumurahin ako ng tatlong yan! Lalo na si Alvin! Sensitive yan pagdating sa mga babae.

“wala, sasabihin ko na lang pag ayos na kami ni Scarlet, una na ako”

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at iniwan ko na sila doon sa loob, I need to find Scarlet! Ayoko ng palipasin pa ang problemang ito gusto kong maayos na ito. Ayokong nag aaway kami dahil hindi ko kaya!

Malapit na ako sa Locker Room ng makita ko si Scarlet, naglalakad mag isa at parang wala sya sa rili nya. Kasalanan ko ito ehh dapat magkasama na kami ngayon sa oras na ito. Ayoko syang nakikitang umiiyak at nasasaktan mahal na mahal ko sya at hindi ko sya matitiis. Huminga ako ng malalim bago sya linapitan.

“Scarlet” napahinto naman sya sa paglalakad at tinignan ako

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon