Chapter 14: Nagseselos ako

9.5K 273 26
                                    

|SATURN'S POV|

Ang himbing ng tulog ko ng biglang tumunog ang phone ko, tinatamad man ay kinuha ko na lang yon habang nakapikit parin ang aking mata.  Halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil umaga na ako nakatulog kakaisip kay Scarlet, I kinda like her. Really.

“Dad”

“Son, are you ready? Malapit na syang dumating” Napabanon ako at hinimas ang sintido ko. Tumawag ba sya para sabihin lang ang bagay na yon?

“Dad, i don't care really. Kung tumawag kayo para sabihin lang yan pwes ibababa ko na”

“But you have to face her-” 

Hindi ko na tinapos ang sasabihin nya ay binabaan na sya, ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na ayaw ko. Nawalan na ako ng ganang matulog tss. Bumangon ako sa kama ko at sinuot ang T shirt ko.  Tinignan ko ang orasan and its already 6:30, maaga pa pero gusto ko na syang makita. Tss tinamaan ako. 

***

Sumakay na ako sa motor ko at kaagad na pinatakbo ito ng mabilis. Pagkarating ko sa campus, ipinarada ko ang motor ko at akmang papasok na ako ng makita ko si Scarlet.

She's with that guy again! Ano nya ba talaga ang lalaking yon at bakit ang lalapad ng mga ngiti nila! Aalis na sana si Scarlet ng biglang tawagin ng mokong na yon si Scarlet at nagulat ako sa ginawa nya. He gave her a peck on her cheek. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. Shit! Ang tigas talaga ng ulo nya!

Hindi ako umalis sa kinatatyuan ko at tinignan lang si Scarlet.  Napatingin ako sa labi nya, shit ang pula parang ang sarap paggigilan.

Papasok na sana sya ng bigla nya akong makita. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya instead lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso.

“Saturn” Hinila ko siya papasok  pero hinarang kami ng guard

“ID nyo po kail—“

“Get out of my way” Tuloy tuloy akong naglakad habang hawak hawak ko ang braso niya

 “Shit! Saturn!”

“Shut up” Nakakainis tangina! Sinabi na ngang huwag syang didikit sa ibang lalaki. Dinala ko sya sa tambayan namin, binitawan ko siya at itinulak dahilan para mapaupo siya sa sofa.

“Ouch! Ano nanaman ba ang problema mo!" Ikaw! Ikaw ang problema ko!  Sinuntok ko ang salamin dahilan para mabasag ito. Tumayo naman sya at lumapit sa akin.

“ikaw ang problema ko! Diba sinabi ko na sa iyo ka akin ka lang! Bakit ka nagpapahalik sa ibang lalaki!”

|SCARLETS’ POV|

Napapikit ako at napaupo sa sofa. Yon naman ang problema nya, si Bj! Shit! Nakakainis na talaga sya, it's just a friendly kiss ano naman ang problema doon!

"Wala ka ng pakialam doon okay?"

"May pakialam ako dahil ako ang nakauna sayo" Napaawang ang labi ko at tinitigan sya. Paano nya nalaman na sya ang first kiss ko?

“Scarlet. Shit! Selos na selos ako"

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon