Chapter 51: Aloof

4.6K 104 4
                                    

|SCARLET'S POV|

Kanina ko pa naririnig ang pagkatok ni kuya sa pinto pero hindi ko yun pinapansin at nanatiling nakahiga dito sa kama ko. Wala akong balak kausapin sila dahil hanggang ngayon sariwa parin sa akin ang ginawa nilang pagsisinunaling sa akin. Pinagkaisahan nila ako ginawa nila akong tanga at pinaikot nila ako. Ako naman itong si uto-uto naniwala na busy ang boyfriend ko sa kompanya nila yun pala busy sya sa ibang babae.

Tumayo ako at pumunta sa CR para gawin ang dapat kong gawin, wala akong mapapala kung mananatili lang akong dito sa bahay. My life must go on, ipapakita ko sa kanila na kaya ko kahit wala sila. Damn this tears! Kagabi pa ako umiiyak pero heto ulit ang luha ko hindi parin nauubos. Pinunasan ko ang luha ko at nag apply ng konting concealer sa baba ng mata ko. Sigurado akong mahahalata nila na umiyak ko.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako at sumakay ng taxi para pumasok, nag half day na lang ako since late na din akong nagising kanina.

Naglalakad na ako papuntang room ng mahagilap ko sila Raya sa tambayan namin tuwing naghihintay kami ng susunod na subject. Ayoko pa silang makita ni makausap, nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko ang mga ginawa nila. Good thing at hindi nila ako nakita at hindi ko sila kaklase ngayon since dalawa lang ang subject ko ngayon. Lumiko ako at tinahak ang mas malayong daanan papunta sa room ko. Mas mabuti siguro kong hindi ko muna sila papansin para makita nila kung gaano ako ka disappointed sa ginawala nila.

"Scarlet!" napahinto ako sa paglalakad ng marining ko ang pagtawag sa akin ni Jack-- kaklase ko kasi sya ngayon sa IT 111.

"oh Jack!" ngumiti ako ng pilit at linapitan sya.

"papunta kana sa klase? sabay na tayo"

"sige tara"

"ayos ka lang ba? namumula kasi yang mata mo" ito na nga ba ang sinasabi ko dapat mas kinapalan ko yung linagay kong concealer.

"ayos lang ako Jack ano ka ba" tumawa ako ng pilit at kinaladkad na sya papuntang room. Mukhang nagkamali ata ako ng desisyon dapat sa ibang lugar na lang ako pumunta at hindi pumasok.

Huminga ako ng malalim at binitawan ang kamay nya ng nasa tapat na kami ng room. Goodthing at wala pa ang professor namin. Mabilis naman akong naghanap ng mapaguupuan, napansin ko ring nakasunod lang sa akin si Jack.

"alam mo ba Scarlet nakita ko kanina si Saturn, he looks like wasted" napahinto ako sa pag aayos ng gamit ko sa sinabi nya. Tinatawagan nya ako kahapon pero hindi ko yun sinasagot at pinatay lang ang cellphone ko. Para saan pa, hindi ko kailangan ang explanation nya dahil kitang kita ko ang panlolokong ginawa nya. Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko ng magsalita ulit sya.

"may kasama pa nga syang babae eh diba ikaw ang girlfriend nya?" damn! bakit kailangan ko pang marinig sa kanya na magkasama sila nung babae nya. At talagang pinandigan nila ang relasyon nila at talagang isinama pa nya ang babaeng yun dito.

"hindi ko alam" yun lang tanging naisagot ko dahil hindi ko alam ang exact words na sasabihin. May dapat pa sana syang sasabihin pero dumating na ang professor namin. Good timing!

Pagkapos ng dalawang oras ay natapos din ang klase, nagpapasalamat ako at hindi na muling nagtanong si Jack tungkol sa amin ni Saturn. Gumawa lang kami ng simpleng program at nagdiscuss si Sir tungkol sa bago naming lesson.

Hanggang ngayon ay kasama ko parin si Jack at papunta kami sa cafeteria para magmeryenda muna since may 30 minutes kaming vacant. Malapit na kami sa pupuntahan namin ng makita ko sila Tiffany palapit sa amin. Hinawakan ko ang kamay ni Jack na syang kinabigla nya.

"oh bakit Scarlet?"

"sa labas na lang tayo bumili"

"huh bakit? andito na tayo ah"

"basta" Kinaladkad ko na sya at nakakatatlong hakbang pa lang kami ng sumigaw si Tiffany.

" Scarlet sandali!" napamura ako sa isipan ko at mas binilisan ang paglalakad pero mas mabilis sila dahil nasa harapan nanamin sila na ngayon ay hinaharangan ang dadaanan namin.

Nagtataka naman ang mukha ni Jack sa amin dahil nakita kong nakakunot ang noo nya. Napabuntong hininga ako binitawan ang kamay nya. Pakshet! Ayoko pa silang makausap, not now!

"Scarlet"

"What! ano bang kailangan nyo" sabi ko at tumingin sa ibang direksyon. Napasinghap naman si Raya sa ginawa ko ng pagtataray. That's right! Nang maramdaman nyo kung gaano ako nagalit sa ginawa ninyo.

"gusto ka lang namin makausap"

"wala akong sasabihin sa inyo"

"Scarlet" humakbang ako paatras ng lumapit sa akin si Raya at tinaas ang aking kamay para patigilin sya sa paglapit sana sa akin. Nagulat naman sya sa ginawa ko at untiunting napayuko.

"uy ayos lang ba kayo" naguguluhang tanong ni Jack na ngayon ay napalipat lipat ng tingin sa amin.

"tara na Jack" hinila ko na sya at iniwan silang tulala sa inasta ko.

"diba kaibigan mo sila? mukhang may sasabhin ata sila sayo" lumilingon pa sya sa direksyon nila Raya habang sinasabi iyon.

"CR lang ako" hindi kona hinintay ang sagot nya at mabilis na pumunta ng CR. Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan pagkapasok ko sa isang cubicle. Impit akong humihikbi at hinawakan ang bibig ko para hindi nila marinig ang pag iyak ko.

Kanina ko pa gustong umiyak pinipigilan ko lang dahil ayokong nakikita nila akong nasasaktan, gusto ko silang sigawan at bombahin ng tanong pero mas nangunguna ang galit ko sa kanila. How dare them na lokohin ako and worst sarili ko silang kaibigan.

Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng cubicle ng wala ng tao sa loob at magisa ko na lang. Ang hina ko talaga, tumawa ako ng mapakla at naglagay ng concealer. This time mas makapal na kaysa kanina. Ayos na siguro yung ganito, ang iwasan sila hanggang sa maghilom ang sugat sa puso ko. Sana maintindihan nila ako na sobra akong nasaktan sa nalaman ko.

Lumabas na ako at babalikan na sana si Jack ng may biglang may humila sa akin pabalik sa CR at mabilis na sinara ang pintuan at inoff ang ilaw. Sinandal nya ako sa pader at naramdaman ko ang pagipit nya sa akin sa pamamagitan ng pagdiin ng katawan nya sa akin.

Hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim pero ramdam ko ang mabibigat nyang paghinga at mabilis na tibok ng puso nya. Naamoy ko rin ang matapang nyang pabango.Shit! I know this man!

"baby"

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon