Chapter4

1.3K 41 1
                                    


NAKAUWI kami na baon ang matinding pagod. Nailigpit na rin namin ang pinagkainan namin. Ang sarap ng hapunan. Inihaw na isda na sinamahan namin ng kamatis. Pagkatapos kumain ay nagpahinga na kami.

Kinuha ko ang papel at panulat ko para magsulat ng isang kwento. Sa tulong ng liwanang na nagmumula sa lampara ay malaya akong nakakapagsulat. Ano kayang kwento ang isusulat ko? Napangiti ako nang makita ko si Drake na nakadapa sa sahig. Tulog na yata ang mokong!

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At hindi ko akalain na buhay ko ang isinusulat ko. Ang buhay ko kapiling ang matalik na kaibigan. Magalit kaya siya kung ang pamagat ng kwento ko ay Love ko si Drake?

Lihim akong natawa sa aking sarili. At hindi ko namamalayan na unti-unti ko nang nabubuo ang bawat talata. Ano nga ba itong nararamdaman ko? bakla ba ako? Tinigil ko ang pagsusulat. Alam kong sabik lang ako sa kapatid na lalaki o sa ama kaya ako malapit kay Drake. Wala na akong nagawa pa kundi ang ipagpatuloy ang kwento. Ang kwentong tumutukoy sa lihim kong pagtingin kay Drake. Lihim akong natatawa. Alam ko naman na hindi ako sigurado sa tunay kong nararamdaman. Sabagay, kwento lamang ito.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya naisipan kong lumabas ng bahay. Nasa labas kasi ang banyo ng bahay-kubo. Medyo nanginig ako sa sobrang lamig dulot ng hangin kaya pagkatapos kong magbawas ay pumanhik na agad ako sa loob ng bahay-kubo.

Kumabog ang dibdib ko nang mapansin kong wala si Drake sa hinihigaan nito. At para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang maabutan kong binabasa niya ang kwentong isinulat ko. Kwentong tungkol sa aming dalawa.

"Dra-drake?"

Napatingin siya sa akin. At hindi ko nagawang tumingin sa kanya. Lumapit siya sa akin hanggang sa isang dipa na lang ang agwat namin.

"A-anong ibig sabihin nito?" kaswal niyang tanong sa akin.

Napahiya ako sa aking sarili. Akma akong tatalikod nang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kanang braso ko. Humarap ako sa kanya at hinuli ko ang paningin niya. Hindi ako nabigo dahil nabihag ko ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang layo namin sa bawat isa. Pareho lang kaya ang nararamdaman namin?

Niyakap ko siya hanggang sa naglapat na ang aming mga dibdib. Hinubad ko ang t-shirt ko. At hindi ko napigilan ang yakapin siya nang mahigpit. Gumanti siya sa bawat yakap na binibigay ko. Hinubad na rin niya ang manipis na sandong bumabalot sa matipuno niyang katawan. At sabay kaming napapikit habang nilalasap ang bawat tamis.

Napamulat ako nang maramdaman ko ang bigat ng kanyang katawan. At doon ko natuklasan na pareho naming ginusto ang lahat. Walang namilit, walang pinilit hanggang sa kaming dalawa ay naging isa.

Kahit ako para sa 'yo
Ay 'sang hiram At hindi dapat magdamdam
Di mo lang alam na kahit pa mali
Naging langit ang bawa't sandali
Magmula nang halik mo'y dumampi
Pag-ibig mo pag-ibig ko kapwa hiram

Tama ba ang ginagawa namin? Ano ba ang ibig sabihin ng bawat yakap at halik? Ano ang nangyayari sa aming dalawa?

Di ba ako'y tao lang na
Nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin

Hinimas ko ang kanyang dibdib. Narinig ko ang bawat ungol niya. At lalong dumaloy ang kuryente sa aking katawan. Mahal ko na yata si Drake? Hindi ko napigilan ang maiyak sa aking nararamdaman. Paano ko tatanggapin na umiibig ako sa isang lalaki?

Pakiramdam ko maalab ang gabi. At punong-puno ng maiinit na yakap at halik hanggang sa sumuko na ang aming mga hubad na katawan. At doon ko namalayan na nababalutan kami ng isang puting kumot para ikubli ang hubad naming pagkatao.

Hiram Lamang (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon