Chapter5

1.4K 39 5
                                    

TUMAPAT sa aking mukha ang sinag ng araw. Umunat ako saka pinilit imulat ang aking mga mata hanggang sa makadilat na ako. Mataas na pala ang sikat ng araw. Agad akong bumangon nang mapansin kong wala sa tabi ko si Drake.

"Kumain ka na. nakahain na ang pagkain mo." Agad kong tinakpan ng kumot ang hubad kong katawan. At napatingin ako sa matandang lalaking nagsasalok ng tubig sa banga. Naisip ko baka ito ang Ka-Roben ni Drake.

"Na-nasaan po si Drake?" usisa ko sa matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na.

"Nasa ilog," simpleng sagot sa akin. Napansing kong lihim itong natawa habang nakatingin sa katawan kong nababalutan ng puting kumot bago ito tuluyang lumabas ng bahay-kubo.

Hindi ko na nagawang kumain pa. At hindi ko namamalayan na humahakbang na pala ako papunta sa tabing ilog. Nakarinig ako ng ingay kaya binilisan ko ang paglalakad sa batuhan hanggang sa marating ko ang ilog.

Napangiti ako nang makita ko ang hubad na baro ni Drake. Naligo yata siya ng hubot-hubad. Napuno ng saya ang puso ko sa naisip ko. At agad itong pinalitan ng lungkot nang mahanap ko siya. Natulala ako habang nakita ko siyang may kayakap na babae. Ilang saglit pa nakita ko na naghalikan na sila. Napahiya ako sa aking sarili kaya nagkubli ako sa isang malaking bato. Ang mainit na tagpo na aking nakita ay nagdulot ng kuryente sa aking katawan. Bakit ganito? Ano itong nararamdaman ko?

"Bro?" Natigilan ako sa aking ginagawa. Namula ang aking pisngi. "Uy, sinisilipan mo pala kami ni Ana kaya ka nagbabatibot diyan," pabirong sabi sa akin ni Drake.

"Ha? Hindi no? May kasama ka ba?" patay malisya kong tugon.

"Wala na! part time lang 'yon. Patay na patay kasi sa akin kaya pinatulan ko na." napatingin siya sa bukol ng shorts ko. "Mukhang nabitin ka ha?" sabi nito sabay hawak sa katawan ko. Napapikit ako habang natatanggap ko ang maiinit niyang yakap. Hindi ako pumalag. At hindi ko alintana kung may matang nakamasid sa aming dalawa. Ang alam ko gusto ko ang ginagawa namin.

LUMIPAS ang tatlong araw ay naging masaya ang samahan namin ni Drake. Alam kong pareho lang naming ginusto ang lahat.

Napatingin ako sa orasang nakapatong sa mesa. Naiinip na ako dahil hanggang ngayon ay wala pa si Drake. Ang paalam niya ay may kaibigang dadalawin. Naisip ko nga baka si Ana ang pupuntahan niya. Napangiti ako nang maalala ko ang mukha ni Ana. Maganda, sexy at morena na sa tingin ko kahit sinong lalaki ay mabibihag nito.

Naisipan kong lumabas ng bahay at magpahangin saglit. Tahimik na ang buong paligid. Wala na ang mga batang naglalaro sa palayan. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya minabuti kong pumunta sa pinakamadilim na sulok ng lugar. Sa isang damuhan na malayo sa bahay-kubo.

Nakahinga ako nang maluwag nang maka-ihi ako. At nagulat ako nang biglang may tumapik sa aking balikat at tinutukan ako ng patalim. Kahit gustong gusto kong pumalag ay hindi ko nagawa dahil sa patalim na nakadiin sa aking leeg. Kailangan ko pang maghanap ng pagkakataon para makapanlaban. May dalawa pang kasama ito at sa tingin ko kung papalag ako ay wala akong magagawa dahil sa laki ng mga katawan nila.

"Bakla ka ba?" tanong ng lalaking nasa likuran ko. "Mukhang maganda ang suot mong shorts. Hubarin mo."

Hindi ako tuminag.

Sinikmuraan ako ng lalaking kaharap ko. Sumunod dito ang isa pa nilang kasamahan. Nanlaban ako pero wala akong magawa dahil tatlo sila. Bumagsak ako ng limang beses sa damuhan. Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong tumayo pero hindi ko na kinaya.

Napaungol ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko. Naramdaman ko ang paghawak sa aking mga hita hanggang sa makarating ito sa aking baywang. Pumalag ako pero mahigpit ang pagkakahawak sa aking likuran para hindi ako makatayo. Iniangat ko ang aking ulo para makita ko ang mga kaganapan. Ang isang lalaki ay pilit na hinuhubuan ako hanggang sa magtagumpay itong hubarin ang saplot ko sa katawan.

"Putang in---," sigaw ko habang pilit akong pumapalag. Galit na galit ako sa aking sarili dahil wala akong kalaban laban sa kanila.

Hinawakan ako ng dalawang lalaki at pilit na pinatayo. Nakaramdam ako nang malakas na suntok sa aking sikmura. At muli akong napaungol sa sobrang sakit. May yumakap sa aking likuran at ilang saglit nakaramdam ako na matigas na bagay na pilit pinapasok sa aking likuran. Ahhhh! Sobrang sakit ang naramdaman ko. Napapikit ako nang malaman kong isang malaking talong ang pumasok sa aking katawan.

"Ano? Gusto mo pa?" tanong ng isang lalaki. Pumalag ako nang pumalag pero nanatili akong mahina.

"P-putang in-," daing ko sa sakit na nararamdaman ko. "T-tama n-na." Kagat ko na ang aking labi sa sobrang sakit.

Itinulak ako ng isang lalaki hanggang sa dumapa ako sa damuhan. Naramdaman ko na lumapit ito sa akin. Tumingin ako sa aking likuran. Itinaas nito ang kamay na may hawak na isang malaking talong at muli itong ipapasok sa aking likuran. Napapikit ako. Inihanda ang sarili sa sakit na mararamdam ko. Naghalo na ang pawis, luha, sipon at laway ko. At hindi ko matanggap sa aking sarili na wala akong kalaban laban sa kanilang lahat. Ahhhhh! Nakuyom ko ang aking mga kamao nang muli kong maramdaman ang matigas na bagay na ipinasok sa aking likuran. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa......

"Tama na! Ang sabi ni Pareng Drake turuan lang ng leksyon. Iwan n'yo na ang bading na 'yan," malakas na sabi ng isang kararating na lalaki.

Pinatayo ako at buong lakas na itinulak sa damuhan. Ramdam ko ang sakit nang ginawa nila sa akin. Pero doble ang sakit na naramdaman ng puso ko nang marinig ko ang pangalang Drake. Si Drake ba ang may pakana ng lahat? Bakit? Pilit ko iwinaksi sa aking isipan ang kutob ko. Pilit nilalabanan ang hinalang pumapasok sa aking isipan.

Tumakbo ang mga kalalakihang sumira ng pagkatao ko. Ramdam ko ang bawat sakit. Kinuyom ko ang aking palad. Napaluhod ako sa damuhan. Ahhhhh! Sumigaw man ako ng ubos lakas ay huli na ang lahat. Pinilit kong makatayo. Inubos ko ang natitira kong lakas. Pinulot ang shorts ko na nakakalat sa damuhan. Nakakita ako ng isang kinakalawang na bakal at pinulot ko ito. Nasa isip ko ang paghihiganti. Alam kong hindi pa nakakalayo ang mga lalaking bumaboy sa pagkatao ko.

Tinahak ko ang landas na tinahak nila. At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko pa ang isang kasamahan nila. Malayo ang kinatatayuan nito at nakatayo ito sa likod ng isang puno ng sampalok. Kahit malayo ay tanaw na tanaw ko sila. May kinakausap itong lalaki na nakatalikod. Ilang saglit pa ay lumisan na ito. Hahabulin ko sana kaso nagulat ako nang makilala ko ang taong kausap nito. At hindi ako nagkakamali si Drake ang lalaking kausap.

Lumapit ako sa kinatatayuan ni Drake. Tumalikod siya at nahagip ako ng paningin niya.

"Br-bro?" utal na wika niya.

Para akong namatay sa natuklasan ko. At tuluyan nang naubos ang natitira kong lakas. Tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya. Hinabol niya ako at akmang hahawakan sa braso.

"Huwag mo kong hawakan. Huwag mo akong hahawakan," malakas kong sigaw. Humarap ako sa kanya. "Kung nagsisisi ka sa nangyari mas lalo ako. Sana hindi na lang nangyari ang lahat. Sana hindi na lang kita naging kaibigan."

"Ma-mag-papaliwanag a-ako."

Kinuyom ko ang aking kamao at isang malakas na suntok ang pinakawalan ko. Nakita ko kung paano siya natumba sa lupa. Nilapitan ko siya at hindi ko napigilan ang muling maiyak.

"Hindi ko pinipilit ang sarili ko sayo. Ang sa akin lang sana respituhin mo naman ako. Akala ko pareho nating ginusto ang nangyari. Nakikita mo ba ang mga pasang ito?" wika ko sabay turo sa buong katawan kong puro pasa. "Masakit.... Pero kaya kong tiisin pero dito," sabi ko sabay turo sa puso ko. "Hindi ko kayang gamutin ang sugat. Para mo na akong pinatay," lintanya ko sa kanya.

Tumalikod ako at pinilit makalayo sa kanya. "Bro," tawag niya sa akin. Patuloy pa rin ang paglalakad ko at pumapalag ako sa bawat hawak niya sa aking balikat. Napahinto kaming dalawa nang marinig ko ang boses ni Ana.

"Drake, hayaan mo na siya."

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang naiwan si Drake sa piling ni Ana. Habol ang paghinga ko nang makarating ako ng Bahay-kubo. Agad kong kinuha ang susi ng owner type jeep at tinungo ang sasakyan. Agad kong binuhay ang makina nito at mabilis kong pinaharurot.

Mabilis ang pagmamaneho ko ng sasakyan. Hindi ko alintanan ang malulubak na daanan. Nang masiguro kong malayo na ako sa bahay kubo ay itinigil ko ang sasakyan. Bumaba ako at napasandig sa sasakyan. Nasa katawan ko pa rin ang mga pasa pero hindi ko na ramdam ang sakit nito. Natalo na ng sakit sa damdamin. Pakiramdam ko sinaksak ang pagkatao ko. Napaupo ako sa lupa at sa pag-iyak ibinuhos ang sakit na nararamdaman.

Hiram Lamang (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon