Chapter7

1.5K 54 11
                                    

TEN YEARS AFTER

Marami ang nangyari sa aking buhay. Nakalipat ako sa isang magandang bahay. Tagumpay ako sa larangan na aking napili. Maliban sa pagiging Civil Engineer ay naging magaling na manunulat ako. Isang nobela ang nailimbag ko. At ito ang buhay ko kapiling si Drake.

Aaminin ko sa aking sarili na nagpakatotoo ako. At hinayaan ko na tuluyang mahulog ang pagkatao ko sa tinatawag nilang ladlad. Bakit ako mahihiya? Bakla, bi, silahis o ano man ang itawag sa akin ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga wala akong tinatapakang tao. Ganito ako! Eh, ano naman?

Ibinuhos ko ang aking oras sa aking trabaho. At sa pag-aalaga sa aking pamangkin na lalaki.

"Tito, punta ka sa kismas party namin," sabi ng batang pamangkin ko. Grade one na siya. At dahil nasa ibang bansa ang kapatid at asawa nito ay ako na umako sa pag-aalaga kasama ang aking Mama.

"Oo nama," tugon ko sa pamangkin ko.

Bumilog ang mga mata nito. "Papakilala kita sa bespren ko."

MARAMI na ang tao sa loob ng paaralan. Makikita sa mga mukha ng mga bata ang labis na galak. Bawat isa ay may dalang regalo.

"Tito, ayun Ren-ren," wika ng pamangkin ko sabay turo sa isang batang lalaking palapit sa aming kinatatayuan.

"Katama ko Tito ko," sabi ni Bry-bry sa kanyang matalik na kaibigan.

"Katama ko daddy ko." Nginitian ako ng bata. At ilang saglit nagtatalon ito nang makita ang paparating sa aming kinatatayuan. "Ayon, daddy ko."

"Ren-ren halika na sa daddy."

Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang boses ng isang lalaki. Lumingon ako para makita ang pinanggalingan ng boses. Mula sa aking kinatatayuan ay matamang pinagmamasdan ko ang lalaking papalapit sa amin. At para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking nakikita. Si Drake, ang lalaking naging bahagi ng aking buhay. Ang kanyang mga ngiti ay kumiliti sa aking puso. Mamang-mama na ang dating niya. Lalong lumaki ang kanyang pangangatawan. At taglay pa rin niya ang maaamong mukha.

"Bro," hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Drake. Nagkatinginan kami na may mga ngiti sa labi.

"Daddy," lumapit sa kanya ang kaibigan ni Bryan. Niyakap niya ang kanyang anak. Lumuhod ito para mabigyan ng halik ang bata. Tumayo si Drake na may kurba sa kanyang mga labi.

Bro, kumusta? Anak ko. Si Renato. Renato pangalan niya," wika nito sa akin. Hindi ko alam kung anong kaligayahan ang nararamdaman ko. Nag-init ang aking mga mata. At ilang saglit nilapitan ko siya para mabigyan ng isang yakap. Sa muling pagkakataon ay naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.

"Hindi ko akalain na muli tayong magkikita. Drake, pinasaya mo ako," tugon ko sa kanya. Nakita ko na umalis ang dalawang bata at masayang naglaro sa di-kalayuan. Inakbayan ako ni Drake.

"Alam mo hindi kita pwedeng kalimutan. Sana maniwala ka na minsan minahal kita."

Tuluyan nang pumatak ang aking mga luha. "Alam mo nabili ko sa bookstore ang libro mo. Ang tungkol sa ating dalawa." Ginulo niya ang pagkakaayos ng buhok ko. "Sige, hinihintay na kami ni Ana."

Nakita ko si Drake na nilapitan ang kanyang anak. Lumapit sila sa akin. At ilang saglit nagpaalam na ang mag-ama. Kinalong niya ang kanyang anak. At masaya namang kumakaway sa akin ang kanyang anak. Ang batang pinangalan niya sa akin. O, kay sarap sa pakiramdam. Hindi ko inaakala na ganoon ako kahalaga kay Drake.

Habang papalayo sila sa amin. Ay hindi ko mapigilan ang magpasalamat sa itaas. Alam kong ginusto niya ang nangyari sa amin ni Drake.

Kung dumating man ang araw na mag-isa akong tatanda. Alam kong nasa puso ko ang pagmamahal. Si Drake, ang una at huling lalaking mamahalin ko.

Ang buhay ay hindi fairy tale na laging happy ending. Pero sa kwento ko alam kong isa itong happy ending. Happy ending dahil nakilala ko ang pagkatao ko. At naituwid ni Drake ang kanyang pagkatao.

Salamat Drake, bulong ng aking isipan. Umaasa ako na darating ang araw na muli kaming magkikita. At pinapangako ko sa aking sarili na hindi ko guguluhin ang maganda nilang pagsasama ni Ana.... magkita man kaming muli.

Di ba ako'y tao lang na
Nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin

WAKAS

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Sana po nagustuhan nyo:)) try nyo din po iba ko pang story:)

vote and comment..


cjay~

Hiram Lamang (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon