Chapter 17

10 3 0
                                    

NIGHT POV


Kailangan niya mapatingin sa Psychiatrist. makakatulong yun para sa kanya na mapabilis ang Recovery niya. (Boses yun ni kuya Cyrus. nagising ako dahil sa ingay pero pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata dahil nakaramdam ako ng hilo)

Tsk! Psychiatrist? naririnig mo ba ang sinasabi mo kuya? Are you out of your mind. bakit mo ipapatingin si Min sa Psychiatrist? hindi baliw ang kapatid natin (inis na sambit ni kuya Don, psychiatrist bakit? bakit nila ako dadalhin doon)

Hindi ko sinasabing baliw si Min, Don. Listen to me it's for her own good, isang araw pa lang ng makauwi tayo pero tingnan mo ang nangyayari sa kanya She's too paranoid, hindi niya na kokontrol ang sarili sa takot na nararamdaman niya. malaki ang maitutulong ng Psychiatrist sa kanya Don. makakatulong ito para bumalik siya sa dati Ang mga Psychiatrist ay hindi lang doctor ng mga baliw kundi Doctor din sila ng mga kagaya ni Min na natratrauma dahil sa hindi magandang nangyayari sa buhay nila (nauunawaan ko ang sinasabi ni Kuya Cyrus ng magmulat ako ng mata nakita ko sila kuya kasama si Mommy at Daddy even si Ford ay nasa Sofa na meron sa Kwarto ko)

Tama na yan. huwag na kayo magtalo. kailangan ni Min ang tulong at hindi ang pagtatalo niyo (natahimik naman sila kuya, napatingin ako kay Mommy ng marinig ko ang paghikbi nito, agad siyang niyakap ni Daddy)

Bakit kay Min nangyayari ang lahat ng ito bakit sa baby ko. kasalanan ko ito eh pinabayaan ko siya anong klase akong ina hindi ko man lang maprotektahan ang anak ko. kahit nung una nung umalis siya wala man lang akong nagawa para sa kanya (umiiyak niyang sambit na nagpaluha sa akin)

Hon please stop crying. walang may kasalanan sa nangyari. please huwag mong sisihin ang sarili mo. (napaiwas ng tingin sila kuya dahil katulad ko ayaw naming umiiyak si mommy. nagtama ang tingin namin ni kuya Cyrus)

Min (agad siyang lumapit sa akin nagsisunuran naman sila mommy na agad akong niyakap at umiiyak na naman)

How are you baby? We're so worried (kumalas ito ng yakap sa akin at hinaplos ang mukha ko)

I'm ok, please huwag mong sisihin ang sarili mo hindi mo kasalanan. sadyang minalas lang ako dahil mag-isa ako sa Shop at nasaktuhan na may mga magnanakaw hindi mo kasalanan ang lahat. (umiiyak kong sabi,saka ko siya hinalikan sa pisngi. nagtama ang tingin namin ni Daddy agad siyang ngumiti at niyakap ako)

May baby girl (mahinahon niyang sabi habang nakayakap sa akin kumalas ito tiningnan ko sila kuya at mommy at daddy)

Narinig ko ang pinag-uusapan niyo (nakita ko ang gulat sa mga mata nila)

Makakatulong ba sa akin kung magpapatingin ako sa Psychiatrist? (nag-siiwas sila ng tingin)

Yeah, but it's fine if you don't want too (napatingin ako kay Daddy ng sabihin niya iyon)

Mapapabilis naman ang paggaling ko diba? lahat ng nararamdaman ko yung takot at kung ano man ang nangyayari sa akin ng diko alam mawawala naman yun diba? (halos mag crack ang boses ko sa kaba,hinawakan ni Daddy ang kamay ko)

Y-yes but it's not easy baby. like what i said if you don't want to come its ok we understand (sagot ni Daddy napaiwas ako ng tingin at saktong si Ford ang nakita ko napaka aliwalas ng mukha niya daretso siyang nakatingin sa akin)

My Brightest NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon