Chapter 14. (Sick in Love)

1.7K 77 21
                                    

"And I just wanna hold you close
I feel your heart so close to mine
And I don't wanna miss a thing


Karina Georgitte



I heard my alarm clock ringing for about a minute. I don't know exactly how many minutes my phone is ringing. It stops, then it willI ring again. I can't even extend my hands or do any movements of my body. I felt cold, my breath was so hot. I'm too lazy to stand up.Mabigat pakiramdam ko then I covered myself with the duvet. Malamig pa rin.

Nakapatay naman ang aircon ko dito, kagabi pa lang. Kasi kagabi palang nilalamig na ako. Masakit na ulo ko.Masama na ang pakiramdam ko galing school.Dinala ko lang.Hindi pa talaga ako sanay sa klima dito. Medyo maulan kasi kahapon, may bagyo daw. Yung low pressure na 'to mga tatlong araw na. Hindi pa naman ako mahilig magdala ng payong. Nag half bath lang ako instead of ligo kagabi kasi medyo masama na ang tama ko.Dapat pala naligo na lang ako.Nakalimutan ko rin bumili ng gamot. Hindi ko na check kung may pang first-aid ba kami dito o wala. I forgot to eat dinner last night too dahil itinulog ko na lang.

Gusto ko ng soup ngayon. Malamig pa rin kasi baka hanggang ngayon masama pa rin ang panahon. I don't even ask about the forecast today kung ano na. Maaga pa pasok ko, ngayong araw pa talaga na 'di ako okay. May pending pa akong gagawin sa organization. Mas lalo sumakit ang ulo ko. Mas lalo pang sumakit dahil wala man lang nag care sa akin. Ayaw kong disturbuhin ang mga pinsan ko. Manenermon lang yun na keso ganito ganyan ba't kasi nagpakasal ka dyan.

Gusto kong tawagan si mommy para sundiin muna ako dito at alagaan ako. Kaso naiisip ko si Danger baka ano na naman isipin nila. May asawa na pala ako. I need to nurse myself kasi wala namang ibang tao na tutulong sa akin kundi ako lang.

Hindi ko na halos nakikita si Danger sa loob ng bahay. After naming nakauwi galing kila lolo at lola may apat na araw na. Hindi ko na ulit siya narinig na magsalita. Hindi na rin siya kumikibo. Hindi na rin kami na uusap gaya ng dati. Naging mailap siya lalo sa akin. Kung dati rati late na siya umuwi mas lalo ngayon. Baka nga minsan hindi na. Gusto ko ng umiyak. Hindi ko alam sa kanya kung ano ang naging problema niya sa akin.

Way niya ba 'to para sukuan ko siya. Minsan talaga ayaw ko ng super sweet siya kasi natatakot akong baka pag nawala ang tamis. Bigla rin siyang maglalaho. Hindi talaga ako nagkamali. Gusto ko na siyang komprontahin kasi pati pag aaral ko at araw-araw kong ganap sa buhay apektado. Ganun niya yanigin ang mundo ko. Kahit alam ko na dati matagal ng warak ang puso ko para sa kanya.

Bumalik na naman siya sa pagiging cold and intimidating lalo. She didn't even called me kung uuwi ba siya o hindi. Hindi na rin siya nag babaon sa mga luto ko. Napapanis pagka uwi ko. Nasasaktan ako kasi masama na nga ang pakiramdam ko pinilit ko lang kahapon para ipagluto siya. 'Tas nakita ko lang palang hindi man lang niya ginalaw. Nakakapanlumo.

Gusto ko na talagang umiyak.Hanggang pangarap at panaginip ko lang talaga si Danger. Nasasaktan na ako kasi hindi man lang talaga siya sa akin sumilip sa kwarto. Kung buhay pa ba ako o patay na dito. Kaya minsan ayaw kong nagkakasakit eh kasi nag da drama ako.

I wiped my tears and sniffed. I'm hungry pa.

Lahat ata ng pangarap at panaginip ko sa aming dalawa baka tangayin lang ng hangin.Hanggang hangin lang talaga ang pangarap ko sa kanya.Maglahong parang bula. Nananaginip lang talaga akong maging kami. Maging kami na walang halong pilit at paglilinlang pag nasa harap kami ng ibang tao.

I messaged my cousins but there's no one available at this moment. Baka tulog pa silang lahat ang aga pa kasi.Nakaka inis.

Nahihilo talaga ako. Pero pinilit ko pa rin dinampot ang cellphone ko ng biglang tumunog. Baka isa sa kanila ang tumatawag.

Marrying Ms.Bratinella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon