Chapter 23. (Lovers in Baguio)

1.4K 60 3
                                    

"I'm a lucky fella and I've just got to tell her
That I love her endlessly
Because Love grows where my Rosemary goes
And nobody knows like"




Danger


Malamig sa Baguio siguro dahil February at kasagsagan ng festival nila. According sa receptionist kanina ganitong buwan daw ang kasagsagan ng kalamigan sa lugar nila. Hindi ko nga alam kung paano ako nahila ng asawa ko dito. May kasama pa siyang kaibigan daw niya galing din States. Kababata niya raw.

Hindi ko na masyadong pinakinggan ang kwento ni Karina. I don't have time plus nakakawalang gana ang taong binibida niya. My ears are ringing and tingling about her so-called friend.

I mean I don't have any idea na dito pala kami pupunta. She used to lie to me. Gusto ko na sanang magalit kaya lang napaisip ako para ano pa. I'm expecting her cousin to be with us but to my dismay ibang tao pala ang minemean ng asawa ko.

"Ready ka na ba?" Tanong ng asawa ko.

"Kanina pa." Sagot ko naman.

I scanned her, simpleng pull over hoodie and pantalon lang naman ang suot niya pero bakit ang ganda niya ngayon.

"Bakit?" Amused niyang tanong sa akin.

"Wala naman. You look extra beautiful today." May katotohanan ko na sabi. Nakita ko pa kung paano siya namula.

"Bolera. Sakto lang ako sa tulog." Sagot niya.

"Let's go. Mag lalakad lang tayo papuntang Burnham park." Paalala ko sa kanya.

"Talaga? Mag taxi na lang tayo.Baka malayo eh." Ungot niya pa.

"Nasa baba lang ang session road at burnham park. Sayang ang view at lamig ng panahon."

"Okay. Sige."

Hindi na kami pumunta sa pina book na hotel ni Nikolai masyadong malayo yun dito. May kalahating oras sa mga tourist spot dito sa Baguio. Well, kung sasadyain mo talaga ang La Trinidad where strawberry farm is. Malayo talaga. Pero later na siguro yun or bukas na. Sa ngayon, sa mga malalapit muna kami.

Mabuti na lang kilala ko ang may ari ng condominium kaya natawagan ko agad. I badly needed a bed when we arrived here. That's why kinuha ko na ang malapit. Hindi ko na rin binigay ang steering wheel kay Nikolai kasi hindi niya medyo kabisado ang daan.

"Mag sho-short ka lang?" Sita ng asawa ko sa akin. I'm wearing black shorts above the knee plus a long sleeve.

"Yup. May long sleeve naman ako eh."

"Malamig baby. Change it." Utos niya sa akin.

"I'm fine with it. I can handle the weather." While winking at her.

Hindi na siya sumagot pa but makikita mo ang dis approval sa mukha niya. I think tama nga siya. Malamig. Kalalabas pa lang namin ng pinto ng bumungad sa amin ang temperature ng Baguio. Pero 'di na ako pwedeng bumalik. Paninindigan ko nalang 'to.

I saw Nikolai in the lobby chatting with some strangers.Nakuha agad namin ang atensyon niya ng lumapit si Karina sa kanya.

"What took you so long?" Nikolai asked my wife. Plus his frustration aura. Don't care.

Maka take too long siya eh wala pa naman kaming ten minutes na late. Nagkibit balikat lang si Karina sa tanong niya. Umirap pa.

He scanned me, perhaps sa suot ko.

"Dude, I think the cold didn't bother you. Don't you?"

Nag uumpisa na naman siya. Maiksi lubid ko ngayon dahil bad trip pa ako kahapon sa asawa ko.

Marrying Ms.Bratinella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon