Chapter 28

38 2 0
                                    

Chapter 28

"Why are you staring at me like that huh?" I asked him, bigla akong nahiya sa makakakita sa amin.

Nasa isang coffee shop kami na malapit sa school.  Prelim na at pareho kaming busy magreview.

"Bakit? Bawal ba? Ayaw mo pa nun? Sayo lang ako nakatingin at hindi sa iba." bigla akong natawa sa kaniya pero sa loob-loob ko ay kinakilig na ako. Tumawa din siya sa pagtawa ko.

"Oo na, ang akin lang naman magreview ka. Baka mamaya ako pa maisagot mo sa exam mo." natatawa kong sabi sa kaniya, agad na sumilay ang ngiti sa kaniya.

"Ayaw mo nun? Para malaman ng lahat na iyo ako." lalo kong naramdaman ang pamumula ng aking mukha sa narinig.

Alam na nila iyon, dati pa. Kahit hindi mo pa ako gusto. Alam na alam na nila kung gaano kita ka gusto. Gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko ginawa.

"What's in your mind?" napadaing ako nang bigla niyang pitikin ang aking noo, mahina lang naman pero nakakagulat.

Umiling ako sa kaniya at pinagpatuloy nalang ang pagsusulat.

"Ano nga 'yon? I want to know." bumuntong hininga ako tsaka ko siya muling sinaharap.

"Naisip ko lang dahil sa sinabi mong para malaman nila na sakin ka, kasi dati pa naman alam na nila. Kahit hindi mo pa ako gusto, alam na nilang gustong gusto na kita, na akin ka lang kahit alam nilang may iba ka namang gusto." I slightly smiled at him, I looked away because of my thoughts.

"I wonder if you'll choose her over me if she comes back." bahagya akong tumawa para itago ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay alam ko na ang sagot doon pero ayokong maniwalang posible nga na ganoon ang mangyari lalo na at nung nagpunta ako ng National Book Store kahapon ay nakita ko si Yuki, nakapila sa counter para magbayad.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, kasunod noon ay ang kamay niya sa kamay ko. I look at him.

"I told you, I'll choose everyday, and over anyone, so stop thinking about that. Okay?" he assured me.

Bumuntong hininga ako bago muling tinuloy ang sinusulat, ganoon din ang ginawa niya. He continues reading his notes while his other hand is busy playing with my back. Naiiling nalang ako sa ginagawa niya, hindi nakakakiliti dahil naging hobby niya na iyon pagmagkasama kaming dalawa habang nag-aaral.

"Babe, can you smell me?" agad akong napatingin sa kaniya, inaamoy niya ang jacket na suot niya. Dahil yung jacket ang nakita kong inaamoy niya ay inamoy ko din iyon, natigilan ako nang lumapit ako sa kaniya para amuyin siya ay naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko dahil sa ginawa niya. I looked at his eyes, hindi makapaniwala sa ginawa niya but he just give me a smile.

"Sana sa lips na." I joke. Halos manlaki ang mata ko nang bigla niya nga akong bigyan ng isang mabilis na halik. Halos mapasigaw ako sa ginawa niya pero dinaan ko nalang sa tawa at ganoon din siya.

"Sabi mo kasi ehh. Malakas ka pa naman sakin."

"Hoy, ang landi nyong dalawa ahh." agad na naagaw yung pansin namin ni JD sa bigla nalang nagsalita sa harap namin. Si Harlen.

"May pakiss kiss pa kayo, napaka PDA ah? Mapa-Mall Show, school at labas puro landi?" natatawa nalang kami ni JD kay Harlen.

"Sus, bitter ka lang ehh. Laging busy ang bebe mo!" balik ko sa kaniya. Umirap lang siya sa akin.

Ang boyfriend ni Harlen ay nasa fourth year, busy at hindi siya nabibigyan nang gaanong oras unlike sa amin ni JD na halos pareho kami ng vacant kahit na magkaiba ng course ay nabibigyan pa rin ng oras ang isa't-isa.

"Anyways, magbi-birthday ang kapatid ko baka gusto nyong sumamang dalawa? Overnight swimming 'yon." nagkatinginan kami ni JD, bago ako umiling.

"Pass, busy pa kami ehh. Nagre-ready din sila JD sa nalalapit nilang recording." sinang-ayunan naman ako ni JD kaya hindi na namilit si Harlen at iniwan na muli kaming dalawa.

"If you want to swim, welcome ka sa bahay. Doon nalang, tapos sa bahay ka na din mag overnight." nakangiti niyang sabi na parang may kahulugan, hinampas ko siya dahil doon.

"Aray naman, joke lang naman na medyo seryoso, kung gusto mo lang naman." naiiling nalang ako sa kaniya.

Hindi ako pinapayagang matulog sa kanila pero siya allowed sa amin, bukod sa dahil boyfriend ko siya ay kabanda niya si Kuya at may nakalaan na kwarto para sa kanila sa bahay. Iyon na siguro ang ikinaganda na kabanda niya sila Kuya dahil nakakasama ko siya hanggang sa bahay at nakakapanuod ako ng practice nila compare sa ibang fans nila.

"Alam mo, swerte din natin no? Kabanda mo sila Kuya, siguro kung hindi ikaw yung napiling maging vocalist baka hindi mo pa rin ako pinapansin ngayon. Baka hanggang crush pa rin ako sayo." natatawa kong sabi.

"Akala mo lang 'yon, but I find you attractive even before, hindi lang kita kayang i-approach kasi kapatid ka ng kaibigan ko, ayaw kitang masaktan, ayokong masira yung pagkakaibigan namin dahil lang sa niligawan kita."

"Ehh bakit ngayon? So okay lang? So pag nagbreak tayo aalis ka na rin sa banda?" nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa sakin.

"I don't know, basta ang alam ko, ayaw kitang makitang nasa iba, gusto ko ako lang yung gusto mo. Gusto ko ako pa rin, ako lang." parang may kung ano sa puso ko nang sabihin niya iyon.

Parang ang selfish naman, pero wala ehh. Kung mahal mo talaga, wala kang magagawa. Parang ako, kahit ilang beses na akong nasaktan sa kaniya, heto pa rin ako. Siya pa rin ang gusto.

"And now, I'm happy that finally we're together." he said, I smiled.

"Me too. I hope you'll stay until the end."

"Of course! Hindi kita iiwan no!"

"Oo na." natatawa ko nalang na sabi.

Sana nga. Kasi baka pagnakita mo siya, iwan mo nalang ako bigla.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon