4

51 7 0
                                    


{Tara,pasyal tayo} chat sa gc namin ni Tino,nag-aaya maglomi

{Tara!} reply naman ni Andi

Mukhang hindi sila busy ngayon ah,nasa farm lang ako.Day off ng ibang mga nag-aalalaga dito sa farm kaya tumutulong ako sa pagdidilig ng mga halaman.

{Leoooo,tara na!}aya ulit ni Tino sa'kin

{Pass,may trabaho dito sa farm}reply ko

Nagdidilig lang kami at nakikipagkwentuhan ako kay aling Lina ng biglang may dumating na sasakyan.

"Leooo!"malayo pa pero rinig ko na ang pagtawag sa'kin ni Tino.Nakatawa lamang si Andi dahil sa pagiging maingay ng kasama

"Tara na kasi.."mamimilit pa nito

Habang si Andi tumulong sa pagdidilig

"Oh ito"inabot ni Andi ang isang timba at tabo kay Tino "Tumulong na tayo,para mabilis matapos at wala ng rason para hindi siya makasama."kumindat pa ito kaya naman natawa ako

Nakita kami ni aling Lina na tinutulungan akong nagdidilig kaya't sinuway niya kami.Kaya ito ako't nahbibihis na

"Bro,kaunting bilis naman oh"pagmamaktol ni Tino

"Kanina pa ito hindi makahintay,parang may hinahabol"natatawang sagot ni Andi

"Halata naman.."sagot ko at natawa rin

"BABAE YAN!"sabay naming sambit ni Andi kaya sumimangot si Tino

"Grabe ah?Ano kala niyo sa'kin Babaero?"humawak ito sa dibdib niya na parang nasasaktan sa sinabi namin

"Bakit hindi ba?"pabirong sagot ko at umirap ito

Tawang tawa kami ni Andi dahil reklamo ng reklamo si Tino sa tagal ko.

Syempre inuna namin ang pagpunta sa aming sadya,sa isang sikat na lomihan sa bayan namin.

Kumain na kami dahil tanghalian na rin,at pagkatapos namaysal na kami.

Sa parke,umupo lang kami at nagkwentuhan bago napagpasyahang maglakadlakad.

Nagpunta rin kami sa mall upang bumili ng damit,at kung anong magustuhan namin.

Bumili lang ako ng mga kailangan ko sa school sa book store at ilang libro namababasa.

At hindi ko akalain kung sino ang makikita namin sa book store na bumibili rin ng libro katulad ko.

"Janeee!"tawag ni Tino sa pangalan ng babae

Lumingon lang ito at nang mapagtanto kung sino kami ay tumango lang ito at tinuloy ang pagtitingin ng libro.

Ang pangit ng ugali!Ano naman kung mag hi o hello diba?

Sungit,amp.

Ayaw ko sa babaeng maattitude, psh.

"Crush mo na naman no?"panunukso ni Andi kay Tino at natawa lang ang isa

Ewan ko ba pero naiinis ako sa isiping iyon.

Hinayaan ko na lang silang mag-aasaran at naghanap ng mababasang libro,then I saw a wattpad books by KIB or also known as Knight In Black.

A famous male author.One of the great Filipino Author.

Hell University book.

Kukunin ko na sana ito ng may kaagaw ako kaya nahulog sa sahig.Dahil medyo bad mood ako ay naiinis kong tinignan ang babae.

Nagulat ako ng makita ang irita at lukot na mukha ni Jane.

"Heyy..."bati ko, hindi ko alam kung saan ako nanggagaling at binati ko siya!

Tumaas ang kilay nito,psh halatang magsusungit na naman.Bahala siya!Pinulot ko yung libro ng HU.

"I'm the one who saw it first!"halata sa boses nito ang inis

Nag-iisa itong libro dahil siguro sa low stock ng mall.

"Excuse me?"tanong ko dito dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya,tumitingin tuloy ang ibang tao samin

"I said ---"

"Can you please excuse me?"pagputol ko sa sinasabi nito

Kita ko ang pag-awang ng labi nito at hindi makapaniwala sa sinabi ko

"Ako ang nauna sa librong iyan.."kalmadong sagot nito

"Ako ang may hawak dahil ako ang nauna"sagot ko

Not one of my favorite book!

"Bro.."bulong ni Tino sabay tapik sa balikat ko

Tinangnan ko siya ng may inis,ako naman ang nauna sa librong ito ah?!

Babae iyan,buka ng bibig ni Andi,tch ito pang isa

"First come,first serve."madiing sambit pa ng babae

"The first who pick it up,the first who'll buy"sagot ko

"Why can't you just give it to me?"inis itong tumingin sa paligid dahil marami ng tumitingin samin

"Why can't you just leave it to me?"sagot ko pabalik

Akala ba niya kahit babae siya,papaubaya ako basta basta? Hindi no!

Kung attitude siya mas attitude ako!

"Uhm,hello ma'am and sir, what's going on?How can we help you po?"inapproach na kami ng isang sales lady

"The book he's holding is mine"
"This book is mine"sabay naming sagot,sinamaan niya ako ng tingin

Problema ba ng babaeng 'to?Pinag-iinitan ata ako eh.

"Ahm.."napakamot ito sa batok, hindi alam ang gagawin

"Is there any books here like this?"tanong ko sa babae

"Low stock po kasi iyan sir,so wala na po"magalang na sagot nito

Sana lahat ng babae magalang,maayos kausap,mabait hindi tulad ng iba dyan!

"Ibang books po?"singit ni Tino sa usapan

"Uhm,if Wattpad books po,marami pa po kami niyan..At isa sa best seller namin dito ang librong hawak ni sir"turo niya sa'kin "pero ang top 1 po na best seller is tung Heartless by Jonaxx po, English version na siya.May C.C books rin po kami yung ibang oaid stories sa Wattpad ang available here sa store.May My Husband is a mafia boss by yannalovesyou rin po kami one of the top best seller rin ito.May Chasing the Hell rin po kami by KIB ang part 2 ng HU"maraming best books seller of the month pa na sinabi yung babae

Pero ayaw pa rin maggive way ni Jane,kaya ako na nag adjust.Heartless is one of my favorite book as a Jsl kaya iyon na lang ang binili ko.

"Alam kong mahilig ka magbasa ng stories at libro pero bakit Wattpad book?"tanong ni Andi

Hobby ko na ang magkolekta ng libro.Siguro dahil may pinaglalaanan ako?pfft gusto ko kasi sa babaeng mahilig magbasa so if ever magkagirlfriend ako,sa kanya ko ibibigay ang libro ko.

"Malamang wattpader boy iyan"natatawang sagot ni Tino

"Sabagay...parang si ano lang--"hindi na nito naituloy ang sasabihin ng takpan ni Tino ang bibig

"G*go,pasmado bibig mo!"pagwawarning nito

Natawa na lang ako.

Sa minimart kami sunod na nagpunta,bumili kami ng ice cream pampatanggal ng init at sakit ng ulo bago umupo sa tambayan namin.

"Grabe ang init"pinaypayan ni Tino ang sarili

"Edi sorry!...kung hot ako"pagbibirong sagot ko naman at kinindatan sila

Tumili yung nasa gilid naming kababaihan kaya natawa kami.Bago umuwi tumambay muna kami at dito na nagpalipas ng oras.

My boyish girlfriend (✔)Where stories live. Discover now