SPECIAL CHAPTER

23 4 7
                                    

Hello Day_dreamers,nagustuhan ko yung feedback ng mga kaibigan ko HAHAHAHAHA.Dahil diyan may special chapter tayo for Jane's POV in their childhood.

I hope you like this,Enjoy reading!

A/N: I'll unpublish this soon...kaya basahin niyo naaaa🫶

Jane Jornacion's POV

Leo and Jane's childhood.

"Jaja?"basa ng lalaking tumulong sa'kin sa mga bullies Doon sa notebook ko

"nickname sa'kin yan ng papa ko"sagot ko at ngumiti,si papa lang ang tumatawag sa'kin ng ganoon.

At simula mamatäy si papa hindi ko na hinayaang may ibang tumawag sa'kin ng Jaja, kahit mismo si kuya at mama.
Leo pala ang pangalan niya.

Naging magkaibigan kami ni Leo at salamat sa kaniya hindi na ako binubully ng iba.

"Kain tayo ice cream tapos punta tayo sa dagat nood ng sunset!"aya nito sa'kin

"Alam mo naman na marami akong ginagawa,Leo"pagsusungit ko rito,alam na nga niyang busy ako sa pagtulong kay mama sa gawaing bahay aayain niya pa akong mamasyal.

"Minsan lang naman,tsaka hindi tayo papagabi mga hanggang 5pm lang.Ako bahala kay tita!"kumindat pa ito

Kaasar naman ang lalaking 'to hirap hindian!

Cookies and cream ang flavor ng kinakain naming ice cream,our favorite!

Pareho naming paborito ang flavor na'to kaya talagang nagkakasundo kami.

Tapos mahilig pa kami pareho magbasa ng libro.

"Buti hindi ka nahihiyang kasama ako?"tanong ko kay Leo isang tanghali,sabay kasi kaming kakain.Pinagtitinginan kami ng mga dumaraan kaya ko siya tinanong.

"Hindi ka naman kahihiya ah?"sagot nito habang puno ang bibig ng pagkain

"Eh kasi ganito ang hitsura ko,hindi ka ba nahihiya na pinagtitinginan ka ng mga tao kasi kasama mo ako?"

"Anong mali sa hitsura mo?"takang tanong niya

"Mataba at pangit ako.."ngumuso ako

"Hindi ka naman pangit ah?..ang Ganda mo kaya!Isa pa hindi ka naman gaano kataba ah?sakto lang yan, healthy body ang tawag dyan.Tsaka bakit mo iniisip ang sinasabi at naiisip ng iba?pakialam nila sa buhay ko o buhay mo.Buhay natin 'to,labas sila ron."sagot naman niya at ngitian ako

Ang sarap pala sa feeling no,pagsinabihan kang maganda..bukod kasi kina kuya at mama maging si papa noon ay sila lang nagsasabing maganda ako,syempre sasabihin nila iyon pamilya kami eh.Ngayon ko lang iyon narinig sa hindi ko kadugo at sa isang kaibigan pa talaga.

"Jane!"tawag sa'kin ni Leo

Ang aga naman nito,eh walang pasok ngayon.

"Bakit?"takang tanong ko

"Laro tayo,dali"

"Hindi pwede tutulungan ko si mama maglaba.."pagtanggi ko

Sumenyas ito sa likuran niya at sumulpot yung isa sa mga maid nila.

"Manang tulungan niyo mama niya sa gawaing bahay ah?pagbalik namin tsaka ka lang uuwi."

"Sige,Leo.Enjoy niyo ang paglalaro"sagot naman ng hindi katandaang katulong nila

"Huh?"naguguluhan pa rin ako!

"Tara na!Ipinagpaalam na kita kay tita at may tutulong sa kaniya huwag ka mag-alala"hinatak na ako nito

Nagpunta kami sa farm nila,ang Ganda grabe!Sa garden nila kami nagtungo.

"Ganda naman dito.."bulong ko

My boyish girlfriend (✔)Where stories live. Discover now