5

53 5 0
                                    

Tumambay muna ako sa court dahil maaga pa para sa next subject namin.

Si Tino at Andi may tinatapos pang school works kaya mag-isa ako.

Research iyon at hindi ko alam kung may topic na sila kaya hindi ko rin sila matulungan ngayon.Baka sa paggawa ng parts nila pwede pa,binigyan ko na lang sila ng notes tungkol sa parts ng research.

Ang iba naming kaklaseng kababaihan ay naglalaro ng volleyball sa kabilang side.

Dahil bored na bored na'ko kumuha na ako ng bola at nagshooting na lang.

"Psst,Leo!"shinoot ko ang bola bago tingnan ang nagsalita

"Why?"tanong ko kay Kyla

"Uhm..."nahihiya itong tumingin sa akin

"Pfft,Anong kailangan mo Kyla?tell me"nginitian ko ito para hindi na mahiya

I'm sure she'll ask about Andi her suitor or maybe about Tino,her cousin.

"Just tell him,Ky I'm hungry.."bulong ni Jane

Ohh... Kyla's with her.Ngayon ko lang napansin.

Napansin nito na nakatingin ako sa kanya at tinaasan ako ng kilay.Galit ba siya dahil dalawang beses ko siyang nabangga noon?

Oh wait,tatlong beses na pala.

But I already sorry to her,tch nevermind.

"Pakisabi sana kay Andi,uhm hindi kami matutuloy mamaya may lakad kasi kami ng family ko.."napaiwas ito ng tingin "at Sabihin mo sorry talaga, importante kasi iyon,babawi ako promise!"ngumiti ito ng alanganin habang nakataas ang kanang kamay,tanda ng pangako niya

"Yeah,sure.Don't worry,I know he'll understand your reason.Just don't forget to text him to not worry him."ngumiti ako sa kanya at bakas naman sa mukha na gumaan ang loob sa sinabi ko

"Sige,Thank you!"sagot ni Kyla bago sila umalis.

Ilang minuto lang ang lumipas nakita ko nang papalapit sa'kin ang mga kaibigan ko.Kinawayan ko sila para makita nila kung saan ako nakapwesto.

"Kamusta?tapos niyo na?"bungad kong tanong pagkalapit nila

"Grabe,bro? hindi mo ba muna kami pauupoin bago ka magtanong?sakit na ng ulo namin dahil sa research!"reklamo ni Tino kaya naman natawa ako

"By the way.."panimula ko at nilingon nila ako pareho "May pinapasabi si Kyla,Andi."paano ko ba sasabihin 'to?baka malungkot siya!Tiningnan naman nila ako at naghihintay ng sasabihin ko.

"Sorry daw kasi hindi raw kayo tuloy mamaya kasi may lakad daw sila ng pamilya niya at importante daw iyon.Babawi na lang daw siya sayo.."tuloy ko sa pinapasabi ni Kyla.

Pagkasabi ko noon biglang tumunog ang cellphone nito,at napabuntong hininga sa nabasa.

"Oo nga daw...nagchat siya "mahinang sagot ni Andi at pinakita ang cellphone niya,bakas ang lungkot sa boses nito.

"Pasenya ka na,bro ah?busy talaga yang pamilya nila ngayon eh"sagot naman ni Tino

"Basketball na lang tayo!"sambit ko,para naman kahit papaano ay maibsan ang lungkot ni Andi

Naglaro kami ng one on one kanina pero pagkatapos ay nag shooting naman kami ng mapagod.

Ngayon nag-aagawan kami ng bola at nakita kong dumaan si Jane sa gilid namin.

Walang pinagbago ang tingin ni Jane sa'kin kaninang umaga,nanlilisik pa rin.Naaalala ko tuloy yung pangyayari sa book store ng isang sikat na mall kahapon.

Nagkasagutan rin kami kaninang umaga dahil mayroong hindi pinagkasunduan

Flashback

Nag-uusap usap kami sa bawat group ng kung ano ang topic namin para sa research

"What if about bullying na lang?tutal laganap naman iyan sa kahit saang lupalop ng mundo"suggest ko

Umagree yung iba pero of course hindi mawawala ang kontrabida

"No,I suggest about the effects of vices to health of students here in Palaian National High School.I think it's better because students will learn the consequences of vices for it's effects"sabat ni Jane

Umagree yung iba pero hindi papahuli ang bida

"Mas maganda kung Bullying,maraming makakarelate at upang maiwasan rin ang paglaganap nito."sagot ko

"Masyadong malawak ang sakop ng Bullying,we need specific topic.Title is important to."

Hindi talaga marunong magpatalo ang isang ito, ipaglalaban ang katwiran kala mo naman may karapatan.

Eh wala naman!

"Title ba hanap mo?The of effects of Bullying on Youth of barangay Palaian..or if you want more specific..The of effects of Bullying on students of PNHS.Bullying ang laganap ngayon,even in social media laganap ito kaya bakit hindi ito?"

"How will you defend it then?"tumaas ang isang kilay nito

"After the survey,and each other's part was explained of course-"

"I asked you HOW not When!"umirap pa ito

Kainis naman ito.Ang tulad niya'y hindi ko gusto,Attitude masyado!

At never kong magugustuhan.

"Patapusin mo muna kasi ako!"sagot ko

Naiinis na rin ako dahil puro siya kontra, iniisip ko na ngang may dalaw siya kaya ganyan umasta.

"What ever."umirap na naman,Kung nakakamatay lang ang tingin marami na siyang  napatay at isa na siguro ako dun.

Umupo ito na animo'y pagod at walang pakialam sa nakakakita.

Parang hindi babae kung makaupo ah?.

But nevermind,pakialam ko ba sa kaniya.It's her life..

"How will I defend it?well it simple I'll discuss to ma'am and our classmates the topic and I'll prepare some questions about our topic.I need to tell everyone about why I believe this research is needed, what gaps in existing research it will address, and how it will help others to have knowledge about the topic."nginitian ko siya pagkasagot ko

"Tss."

Seryoso ba siya?tss lang isasagot niya sa sinabiko?ang haba haba nun,tapos yun lang sasabihin niya?!

Dinaragdagan niya inis ko!

"Stop it guys,we need to focus okay?if there's any gap between the two of you,Please set aside that issue.Please participate."sabat ni Gemma,muntik ko na makalimutan kasama namin si Pres

Ang ending wala sa suggestions namin ni Jane ang pinakinggan.

Ang naging topic na lang namin ay

How does pre-marital sex affect the studies of students?

End of flashback

Hindi talaga kami magkasundo,sa ugali niyang iyon.

Nakita ko siyang nakikipagkwentuhan sa isang kaklase namin,at tumawa siya.

First time kong makita ang ngiting iyon.It's seems like familiar...so strange.

Tumambay na lang kami sa library para magbasa basa habang hinahantay ang uwian dahil kahit may meeting ang teachers hindi pa rin kami pauuwiin.Sinusunod ng school ang tamang oras ng uwian.

My boyish girlfriend (✔)Where stories live. Discover now