Chapter 36

150 4 0
                                    

Chapter 36-

Nathan

   “Ang sama mo din eh no??” sabi ko

Tapos hinampas ko siya tumawa kami.. We are currently at the food court in the mall

   “Si Sean oh!”

Lumingon naman ako. Tumawa siya, hinampas ko uli siya

Umakbay siya sakin

   “Ass.. Yang si Coach talaga, laging kinakawawa yung mga players niya.. Pasalamat siya mahaba ang mga pasensya nila no! Kung ako yung matagal na akong nag quit sa basketball!!” I said

Then I pouted

   “Ayaw mo yun? Dagdag pogi points?” he grinned

   “Eh ikaw? Bakit hindi ka sumali sa varsity kung dagdag pogi points?” tanung ko

   “Kasi tennis player na ako.. pati kasama ako sa workshops wala na akong time para sa varsity. Si Sean nga eh varsity at honor student palang hirap na. Paano pa kaya ako? Student council, tennis player, honor student, photographer, tapos yung workshop ko pa” sabi ni Jeric

   “Hmm.. ano bang klaseng workshop yun?” I asked

   “Photography and Piano playing” sabi niya

Nagulat ako

   “Dalawa pa? Talagang mahirap yun. Eh paano mo na mamanage yung time mo?”

Nag-isip siya

   “Sa school lang ako nag-aaral at gumagawa ng home works pati na din yung projects. Workshops naman, I take night shifts kapag weekdays.. Tennis madali lang once in a while lang naman ako nag-practice nakaka-tamad na din no. Photography.. I take most offers pag vacation lang so madali na”

Napa-‘ahhh’ lang ako. Grabe ang hirap naman ng buhay nila..

   “Pinilit ka ba ng parents mo?” tanung ko

Umiling siya tapos ngumiti

   “Boring sa bahay.. busy kaya lagi sila mommy, lagi nilang inuuwi yung works nila eh. Ayoko ng ganun! Pahinga lang ang ginagawa ko sa bahay” sabi niya

Tumawa kami

   “Ikaw? Sabi mo gusto mo maging writer at photographer ahh.. bakit hindi ka sumali sa workshop din?” he asked

Ngumiti naman ako

   “Ayos na ako ng ganito.. kelangan ko pang mag-isip ng course na kukunin ko sa college”

Tumango naman siya

   “Saan ka mag-take ng entrance exam?” tanung niya

   “Joseph’s Academy.. ikaw ba?”

Ngumiti siya

   “Victorians International School”

   “Talaga?? Hahanapin mo siya no?!” I smug

   “Hindi ahh.. may magandang school facilities for photography dun eh. Pati ni-recommend ako ni daddy dun”

Tumawa kami

   “Eh ikaw bakit dun ka sa Joseph’s?”

   “Hmm.. malapit kasi siya dito. Pero parang kelangan pa atang mag-dorm eh, ass ayoko pa naman” sabi ko

Ginulo niya buhok ko

   “Si Sean ba?” he asked

   “I-try niya din daw sa Joseph’s.. Hindi na nag-sawa sakin”

Maling Akala-(DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon