JARNEIA’S POV
“Kamusta naman daw?”
“Ayon, magkakaroon tayo ng reunion kasama ang ibang batch mates natin. Sasama ka ba?” tanong ni Alisha at napaisip naman ako kung sasama ba ako.
Hindi ko alam kung anong nangyari noong huli naming reunion pero hindi ‘yon naging maganda dahil na rin kay Arjay. Malamang ay kasama na naman siya sa reunion at hindi na naman niya ako titigilan sa pagkant’yaw niya sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at saka ko binaba ang cellphone ko at wala akong ano mang sinagot kay Alisha. Bukod do’n ay patuloy lang ako sa pagkain ko hanggang sa lumabas na si Zach. Napatayo ako at saka ako napatingin sa mga kasama niya at saka naman tumawa ang mga ito at tinapik ang balikat niya. Hawak ko sa kamay ko ang chicken at sa kabila naman ay ang fries. Agad ko naman ‘tong binaba at saka ako nag-ayos at tumingin sa kaniya.
“Messy,” sabi nito at saka naman ako napakunot ng noo.
Napatingin ako sa sarili ko at saka nagpaalam na magbabanyo lang at saka ako napatingin sa sarili ko sa salamin. Napangiwi ako dahil sa nakita ko sa sarili ko at pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kahihiyan na s’yang sumira sa buong pagkatao ko. Naghilamos na lang ako at saka naghugas ng kamay at pagkatapos no’n ay saka ako napahinto ng makita kong nasa labas na pala si Zach at agad n’yang hinawakan ang kamay ko. Iba ang aura ni Zach at hindi ko alam kung bakit parang mananapak siya ngayon. Napatingin ako sa dalawang guard niya at saka ako napahinto at binawi ang kamay ko kay Zach.
“May sinabi ba ‘tong mga alagad mo sa ‘yo?” tanong ko at saka siya tumingin sa ‘kin ng seryoso.
“Hindi ako natutuwa sa sinabi ng lalaking ‘yon sa ‘yo,” sabi naman nito at saka ko hinawakan ang kamay niya.
“Hindi na importante ang bagay na ‘yon dahil nakakaya ko naman s’yang labanan. Isa pa ay hindi mo kailangan pag-aksayahan ng oras ang isang bakla, Zach,” sabi ko at saka naman siya napakunot ng noo sa ‘kin.
Hindi ko na lang inabala pa ang sarili kong ipaliwanag ang nangyarei at saka kami sumakay sa elevator. Habang tahimik kaming pareho ay napapansin kong parang guma-g’wapo si Zach ngayon.
Ano ba naman Jarneia g’wapo naman talaga ang isang ‘yan.
Napapikit ako ng mariin at saka ako napakuyom ng kamay ko at pinipigilan ang kilig na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Nang bumukas ang pinto ay saka naman nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking nakilala namin sa resto at sa totoo lang matapos ang nangyari na ‘yon hindi ko na siya nakita pa dahil sa ayaw ni Zach. Ngumiti ako at akmang lalapit sa kaniya nang bigla na lang hawakan ni Zach ang kamay ko.
“Uyy kamusta!” Masayang bati ko pa rin sa kaniya at napainda pa ako sa biglang paghigpit ng hawak ni Zach sa kamay ko.
“I’m fine,” sagot naman niya at saka ko tinignan ang kamay niya na mayro’n pang bandage at saka ako bumitaw kay Zach.
“Hindi pa maayos ang kamay mo—”
“Can’t you fucking see? He’s fine, Jarneia,” inis na sabi ni Zach at saka ako napatingin sa kaniya.
“Alam mo ikaw lagi ka na lang high blood. Nagtatanong lang naman ako at isa pa siya ang kausap ko kaya h’wag kang nakikisabat!” inis na sabi ko naman sa kan’ya at saka ako bumaling ulit sa lalaki. “Oo nga pala. Pasensya na sa nangyari no’n at med’yo tanga ‘yong sahig at pasensya na rin sa kasama kong laging galit. T’saka salamat na rin, bye!”
Matapos kong sabihin ‘yon ay saka ako naunang maglakad palabas at saka ako mabilis na tumakbo para takasan sana si Zach pero ang bilis n’yang tumakbo kaya naabutan niya ako at saka niya ako binuhat na para bang sako. Mabilis nkya akong sinakay sa kotse at saka ako napabusangot. Hindi ko alam kung bakit kailangan n’yang maging ganito sa ‘kin at naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang masamang tingin niya.
Hindi ko siya pinansin buong b’yahe hanggang sa makarating kami sa office at mabilis akong bumaba at saka ako pumasok. Nang makarating sa table ko ay wala na doon ang pangalan ko at mas lalong wala na rin ang pc ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari at hindi ko maintindihan kung bakit nawala ang mga gamit ko.
Sakto naman na dumaan si Ms, Ramirez at saka siya tumingin sa ‘kin. “Hindi ba nila nasabi na iba na ang work place mo?” ani nito at saka ako napakunot ng noo.
“Work place? Bakit saang department na po ba ako?” takang tanong ko naman.
“Wala ka ng department na kinabibilangan Ms. Mendoza,” sagot naman niya na mas ikinalito ko.
“Ha?”
Napatingin siya sa likuran ko at saka naman ito yumuko at saka ako tumingin kung sino. “Dahil ako na ang tatrabahuin mo, Ms. Mendoza,” sabi nito at naka-cross pa ang braso.
Napatampal ako sa mukha ko at saka ako umiyak at tumawa na para bang tanga dahil sa nangyayari. Hindi ko alam kung bakit at sa kung paanong paraan naging ganito ang lahat ng dahil sa isang halik lang. Napahawi ako ng buhok ko at saka ako napahawak sa bewang ko at nag-iisip ng kung anong dapat kong sabihin pero walang ano man ang pumapasok sa isip ko. Umalis ako sa office at saka ako lumabas at mabilis na nagpara ng sasak’yan at buti na lang at hindi niya ako sinundan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil maaga pa para umuwi.
Naiisipan kong makipagkita kay Alisha at ng makarating ako sa bahay nila ay mabilis niya akong pinapasok at saka kami dumeretso sa k’warto niya. Sinabi ko ang lahat ng nangyari pati na rin ng makita ko si Arjay kanina. Halos mabaliw naman itong isa kakatawa kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
“Dati ka bang baliw?” inis na tanong ko at saka ako uminom tubig.
“Alam mo ba na nakakatawa ang mga k’wento mo at nakaka-excite din. Hindi ko alam kung saang part pero mas nakakaenganyo ‘yong si sir Zach ang tatrabahuin mo. Gurl, anong klasing trabaho ba need niya? Ako na gagawa!” natatawang sabi niya at saka ko siya masamang tinginan pero ang gaga mas humagalpak sa kakatawa.
“Alam mo imbis na kampihan mo ‘ko ay binu-bully mo ako!”
“Hindi naman sa gano’n. Alam mo kasi nitong mga nakaraan marami ang ganap sa buhay mo. Sa totoo lang p’wede ka namang maging freelancer kung gugustuhin mo. Marami namang bumibili ng book mo at isa pa ang pagpasok sa company ay parang wala naman sa bukabularyo mo. Mayro’n ding kontrata ang ibang istorya mo at isa pa magtatayo ka ng business ‘di ba?” sabi nito at saka naman ako napaisip sa sinabi niya.
Marami naman akong source of income pero hindi ko naman p’wedeng pabayaan ang pamilya ko. Nang matapos ang k’wentuhan namin ay saka ako umalis at umuwi na rin. Nang makarating sa bahay ay naabutan kong tulog na si Mama at dumeretso na lang din ako sa k’warto ko. Pero sa pagpasok ko sa k’warto ay nagulat ako sa tumambad sa ‘kin at agad kong sinara ang pinto at saka ako tumingin sa bintana at sinara din ito.
“Anong ginagawa mo dito?” inis na tanong ko at saka siya tumayo at lumapit sa ‘kin.
“I’m begging for your forgiveness,” sabi nito at saka ako nalito.
“Anong forgiveness sinasabi mo. Umalis ka na at baka magising si Mama ay mapapagalitan ako no’n!” inis na sabi ko at saka siya tumawa sa ‘kin.
“Alam ni Tita na nandito ako at sa totoo n’yan ay siya ang nagpapasok sa ‘kin sa k’warto mo,” nakangiting sabi niya na para bang nakakuha ng malaking jackpot sa lotto.
Lumapit pa siya sa ‘kin na siya namang ikinakaba ko at napasandal ako sa pader dahil sa kakalapit niya. Sa punto na ‘yon ay saka niya hinawakan ang baba ko at saka siya ngumiti sa ‘kin ng matamis at tinignan ang mga mata ko. Unti-unti n’yang nilapit ang mukha niya hanggang sa maabot niya ang labi ko at mabilis ko naman s’yang tinulak pero bahagya lang ‘yon.
Hinawakan niya ang parehong kamay ko at saka niya ako sinandal sa pader at ang parehong kamay ko ay iisang kamay lang niya. Habang nakaangat ang parehong kamay ko ay ramdam ko naman ang kamay niya na nasa t’yan ko at sa totoo lang ay nararamdaman ko ang kakaibang kuryente sa katawan ko at lalo na ang kiliti sa may bandang t’yan ko.
Nang dumapo ang kamay niya sa may puson ko ay napasinghap ako at nalulunod na rin ako sa lalim ng halik niya. Pinakawalan niya ang kamay ko at pinakawalan niya rin ako sa halik niya at saka niya ako binuhat at dinala sa kama ko at inihiga doon. Nagpumiglas ako pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa kaniya ay nanghihina ako. Bumalik sa ‘kin ang oras na muntik na akong ma-rape ni Clark at sa punto rin na ‘yon ay saka ako tumingin kay Zach. Sa mga mata mismo ni Zach at napahinto siya sa ginagawa niya at saka tumingin din sa mga mata ko.
“What’s the matter?” tanong nito at saka ako napatayo at saka ako napayakap sa sarili ko.
“Umalis ka na,” tanging nasabi ko at saka siya umupo sa tabi ko.
“I-I’m sorry…”
“Umalis ka na nakikiusap ako,” sabi ko at saka ko kinuha ang kumot at binukot sa sarili ko.
“Jarneia.”
“Hindi ako galit basta umalis ka na,” mahinang sabi ko at saka ako napayakap sa unan.
Ang mga mata na ‘yon ay napakainosente at sa totoo lang ay kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ko siya kinukumpara kay Clark at bakit kapag siya ang gagawa ng bagay na gano’n sa ‘kin ay parang gustong-gusto ng katawan ko. Iba ang presensya niya at iba rin ang halik na ginagawa niya. Ang halik na ‘yon ay dama ko ang banayad at pagkamarahan lalo na ang galaw ng kan’yang kamay sa katawan ko.
“Ok, I’ll see you tomorrow,” sabi naman nito at saka ko narinig ang pagbukas sara ng pinto at agad akong tumayo at saka napatingin sa sarili ko sa salamin.
Ang halik ng labi n’yang sobrang lambot at marahan na para bang ayaw akong saktan. Ang haplos ang kamay n’yang mainit pero masarap sa pakiramdam. Napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan at agad akong natauhan at saka ako napahiga ulit sa kama ko.
“Nababaliw ka na Jarneia,” sabi ko sa sarili ko at saka ko ipinikit ang mga mata ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at bumungad sa ‘kin ang magandang sikat ng araw. Tumingin ako sa orasan ko at saka ako bumangon at nag-asikaso. Nagsuot ako ng palda at simpleng t-shirt at saka ako nagsapatos. Tumingin ako sa salamin at sa totoo lang nakikita ko kung gaanong kaliit lang ang t’yan ko at sa kung gaanong kasakto lang ang palda at damit ko sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
Ms. Author [COMPLETED]
عاطفيةIsang pagkakamali ang babago sa buong pagkatao ng isang author/writer na si Jarneia Marin Mendoza na kilala rin bilang si Ms. Author dahil sa kaniyang mga likha. Sa kanilang pangalawang pagkikita ay hindi na siya titigilan ng isang Zach Knox Smith D...