CHAPTER 24

338 10 0
                                    

ZACH KNOX’S POV
 
As I entered the building, I couldn’t help but think about what Jarneia said earlier. I feel that she is jealous because another woman is talking to me. Hindi ko naman alam na magiging gano’n ang reaksyon niya sa pagkausap sa ‘kin ng ibang babae. I saw Velerick and Sedrick running towards me and I know that there’s something bad happened.
 
“What?” agad na tanong ko sa kanilang dalawa.
 
“Boss, nakidnap po si Ma’am Jarneia,” sabi Sedrick at saka ako nangunot ng noo sa kaniya.
 
I immediately signaled them to make a plan and found out the reason why Jarneia was kidnapped. They can’t implicate her because she has no idea with how we work. As I was returning to the office, my phone rang, and I stared at the number on it. It is not registered on my phone, and the number is from another country and not a Philippine number.
 
“Hello?”
“Oh? Buti naman at sinagot mo ang tawag ko?” sabi nito na may pang-aasar pa.
 
“Tell me what you want now, Andy,” mariing sabi ko.
 
I heard his grin and I could feel his anger towards me. “I know you know what the fuck I needed, Zach. Don’t make me fool you, fucking bitch.”
 
After hanging up, I went looking for Ms. Ramirez. She identified me right away and gave the USB to me, so I went into my office to see what was inside. When I looked at the CCTV footage, I found that Jarneia had seen it and had transferred it to a USB drive. Thankfully, Ms. Ramirez took it, and I left to go see him. I am aware that Andy knows nothing else to do in life other than steal and claim things that are not his.
 
Nang makuha ko na ang sasakyan ko ay saka ako tumingin sa side mirror ko at tingin ko ay mayroong nakamasid sa ‘kin. I started the engine and drove away. I noticed the red car following me on the road and needed to devise a strategy to get away from them.
 
“Boss, kami na ang bahala dito.” Napatingin ako sa kay Velerick at saka ako tumango sa kaniya.
 
Nang makausad ako ng kaunti ay saka ko binago ang kulay ng kotse ko at pati na rin ang plate number. Matapos kong gawin ‘yon ay saka ko hinanap kung saan ang location ang kinalalagyan nila. Hinanap ko rin ang baril ko at kakailanganin ko ito dahil wala naman akong ibang choice bukod sa violence. As I made my way down the path to where Jarneia was, I braced myself for whatever might happen. While holding my gun, I was thinking about Jarneia’s condition, and if something really bad happened to her, I could really kill someone.
 
Nang makarating ako sa lokasyon ay nakita ko na agad ang mga tauhan nitong nakasalubong sa ‘kin. Sa totoo lang ay hindi ko naman talagang ugaling pumasok sa kahit na ano mang gulo pero gulo ang lumalapit sa akin. One immediately attacked me, and then I quickly got away, kicked him, and after that, I shot the other one. Iniwan ko sa kanila ang iba pang mga kalaban at saka ako tumakbo papunta sa kung nasaan si Jarneia.
 
When I saw Andy, I stopped, then I looked at his men, who were also surrounding him, and I was carrying nothing else except my gun because my men were still busy. I grinned at him and did not show any fear, and then I looked at Jarneia, who was frowning at me and kicking Andy, but she did not hit him because she couldn’t reach him.
 
“Bakit ba pati ako ay nadadamay sa away n’yong dalawa? Hindi ako parte ng kung ano man ang alitan n’yo sa ias’t-isa ah. Hindi ko pa gustong mamatay marami pa akong tatapusing istorya!” inis na sabi nito at saka ko siya tinignan at napapailing ako dahil sa inaasal niya.
 
“Hindi ka madadawit kung hindi ka lang niya girlfriend, Jarneia,” sabi naman ni Andy.
 
“Ano? We’re not yet in a relationshit,” sagot naman nito.
 
“What?” inis na sabi ni Andy.
 
“Kung wala kang magawa sa buhay mo ay h’wag mo naman akong dinadamay p’wede ba?”
 
“Can you just shut the fuck up?” sabi ni Andy at saka siya nanlaki ng mata at tila nainis sa pagsigaw ni Andy sa kaniya.
 
“Bakit kailangan mo akong sigawan?! Crush pa naman kita tapos ganito pala kasama ugali mo,” nakangusong sabi nito at napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
 
“What did you say?” I ask on her and she looked at me.
 
“Hindi ka naman kasali sa usapan nakikisabat ka,” inis na sigaw nito sa ‘kin.
 
I don’t know if I will be shocked by what she says or if I just need to understand her. I looked at Andy again. I took the USB from my pocket, then I showed it to him and saw how the reaction on Jarneia’s face changed.
 
“Sa iyo ‘yong bidyo pati na rin ‘yong document doon sa computer ko?” takang tanong ni Jarneia kay Andy.
 
“So you already saw it?” takang tanong ni Andy sa kaniya at saka naman tumingin sa ‘kin si Jarneia.
 
“Ikaw kumuha?”
 
“Hindi.”
 
“Eh, sino?”
 
“Iki-kiss mo ba ako kapag sinabi ko sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya at saka umasim ang mukha nito.
 
“Ikaw kahit saang panig din ng lugar malandi ka rin,” inis na sabi nito sa ‘kin.
 
“Give me that, and I’ll give Jarneia to you. Magkaliwaan tayo,” sabi nito.
 
 
JARNEIA’S POV
 
Tinignan ko si Zach at sinubukan kong basahin ang kung ano ang nasa isip niya at sa kung ano ang gagawin niya. Kaso lang ay wala akong maisip at isa pa ay nakatingin lang ito kay Andy. Sa totoo lang ay hindi ko alam na ganito pala ang ugali ni Andy. Noon namang una kong kita sa kaniya ay hindi naman siya ganito. Pero ngayon ay alam ko na kung bakit ako pinpalayo ni Zach sa kaniya kasi isa pala siyang magnanakaw.
 
“Hindi mo ibibigay ang bagay na ‘yan sa kaniya, Zach,” sabi ko at saka naman tumingin sa ‘kin si Andy at masama ako nitong tinignan.
 
“Do you want to die now?” inis na sabi sa ‘kin ni Zach at saka ako ngumiwi.
 
“ Dami mo rin masyadong alam ang tagal mo kasing sumagot,” sabi ko at saka naman siya napatampal sa noo niya.
 
Sira ulo ang tanga. Gusto ko talaga siyang masapak kasi masyado s’yang matapang.
 
Habang hawak ako ng dalawang lalaki ay naghahanap naman ako ng paraan para makawala. Habang nakatingin sa kanilang baril ay nag-isip ako sa kung paano ko ito kukunin sa kanila at sa kung paano ako makakabawi dahil sa ginawa ni Andy sa ‘kin kagabi. Halos muntik na akong atakihin sa puso at sa totoo lang ay kinabahan akong baka kung ano ang mangyari sa akin.
 
Flashback
 
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Ms. Ramirez pero nakakatiyak akong siya lang ang nasa table ko nang araw na iyon. Napasinghap ako nang biglang inilapit ni Andy ang mukha niya sa ‘kin at saka niya sinenyasan ang mga tauhan niya na lumabas at isinara ng mga ito ang pinto. Namutawi ang kaba sa dibdib ko at pakiramdam ko ay naulit ang nangyari noon nang muntik na akong ma-rape ni Clarck.
 
Habang nakatingin sa kaniya ay dama ko ang kamay nitong gumagapang sa may binti ko at kahit na gusto kong kumawala ay may tali ang parehong binti at kamay ko.
 
“S-Stop!” babala ko sa kaniya.
 
“Did you think Zach was the only one capable of doing this to you? You don’t have any relationship with him, don’t you?”
 
“Kahit na mayroon o wala ay wala rin karapatan dahil hindi kita pinahihintulutan!” galit na sigaw ko sa kaniya at bigla ay simapal ako nito sa mukha.
 
Ramdam ko ang manhid sa mukha ko at pakiramdam ko ay bumakas ang kamay niya. Iniwan niya ako ng mag-isa at pagkatapos ay doon na ako umiyak.
 
End of flashback
 
Binawi ko ang baril nang lalaking nasa kaliwa ko dahilan para magulat ito sa ginagawa ko. Agad kong tinapat sa kaniya ang baril at tinutok ko rin ito sa isa pang lalaki at pagkatapos ay tumingin ako kay Andy at ngumisi lang ito sa ‘kin at akmang susugurin ako pero dahil sa kaba at takot ay naiputok ko ang baril at nang makita ko kung sino ang tinamaan ay doon ko nakita na nagkasugat ang binti ni Andy at saka mabilis na lumapit sa ‘kin si Zach.
 
Nabitawan ko ang baril at mabilis naman akong hinawakan ni Zach at saka nito inalis ang tali sa kamay ko. Nang maialis niya ay saka niya ako binuhat at ako naman ay yumakap sa kaniya. Nang aalis na sana kami ni Zach ay nakarinig ako ng putok ng baril at naramdaman kong uminda si Zach kaya napatingin ako sa kaniya. Ang kaninang takot ko ay mas dumoble pa at sa pagkakataon na ‘yon ay may kasunod pang baril ang umalingawngaw sa buong paligid.
 
“ZACH!” sigaw ko.
 
Hinawakan ko ang mukha niya at saka ako napatingin sa kinalalagyan ni Andy at masama ko itong tinignan. Agad naman na dumating ang mga tauhan ni Zach at saka dinala ng mga ito si Zach. Ako naman ay inalalayan nina Velerick at Sedrick at pakiradam ko ay mauubusan ako ng lakas kahit na hindi naman ako ang natamaan ng bala.
 
“Zach… Zach gumising ka h’wag mong ipipikit ang mga mata mo, please,” pakiusap ko.
 
Tumingin siya sa ‘kin at hinawakan ang mukha ko at sa pagkakataon na ‘yon ay unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang mga mata dahilan para mas lalo akong umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa at pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat.
 
“Please… I’m begging you don’t leave me,” bulong kong sabi at pagkatapos no’n ay hindi ko na maalala ang lahat dahil nawalan na rin ako ng malay.
 
Nagising ako at una kong nakita ang puting kisame. Nang tignan ko ang kung sino ang nasa gilid ko ay doon ko nakita si Mama na no’n ay nakayuko at halatang nagbantay sa ‘kin buong magdamag.
 
“Jarneia!” Agad napabangon si Mama at saka niya ako tinignan.
 
“Kamusta pakiramdam mo? Ayos ka na ba?” tanong ni Mama.
 
Tumango ako sa kaniya at saka ako umupo. “Kamusta si Zach?” tanong ko at saka tumingin si Mama kay Alisha.
 
“Ahhh… maayos na si Zach… mayroon lang konting problema,” sagot naman ni Alisha at saka nangunot ang noo ko.
 
“Ano’ng problema?” takang tanong ko.
 
“Sabi ng doctor ay possible na matagal pa bago magising si Zach,” sabi naman ni Mama at nangilid ang luha ko.
 
Tumayo ako at saka pinuntahan kung nasaan si Zach at sinamahan naman ako ni Alisha. Nang makarating doon ay nakita ko si Zix at saka siya lumapit at inalalayan akong makalapit kay Zach na no’n ay nakapikit at mayroon pang oxigen sa kaniyang ilong.

Ms. Author [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon