JARNEIA’S POV
“Great, e’di magiging maayos ang financial mo niyan?”
“Maayos naman ako financially pero mentally, hindi,” sabi ko at saka siya nangunot ng noo.
“What do you mean?” tanong niya at saka ako tumingin sa labas at tinignan kung mayro’ng nakamasid sa ‘min.
“Malakas akong mag-over think at isa pa ay nitong mga nakaraan ay inaatake ako ng insomia ko dahil sa lalaking kinaiinisan ko at tingin ko ay nakasunod siya sa ‘kin ngayon,” bulong ko habang nakatingin sa paligid.
Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan sa kung anong maaring mangyari dahil alam ko rin na baka sa susunod ay bigla na lang din sumulpot si Zach at mayayari ako. Alam kong may nakamat’yag sa ‘kin at alam kong may nakatingin sa ‘kin mula sa malayo. Tinign ko sila Velerick at Sedrick ‘yo kung hindi ako nagkakamali.
Nang matapos kaming kumain ay lumabas na rin kami ng mall. Pero napatingin ako sa pamilyar na pigura sa ‘kin at alam kong siya rin ang babaeng kanina ay nagpapirma sa ‘kin. Sinenyasan ko si Zix at saka ako tumawid sa kabilang kalsada at sinundan pa ako nito.
“Hoy, hindi mo ba alam ang halaga ng bagay na ‘to? Ha?” ani ng babaeng nakasuot ng magandang damit.
“P-Pasensya na… hindi ko naman sinasad’ya… p-p’wede ko naman palitan kung gusto mo,” sabi naman ng babaeng naka-bangs.
Pero bigla na lang s’yang sinampal ng babaeng naka-dress at saka naman ako agad na lumapit sa kaniya. Agad kong inawat ang kamay ng babaeng sasampal na naman ulit sa kaniya at saka ko siya tinignan sa mga mata niya at nakita ko kung paano s’yang ngumisi sa ‘kin.
“Sino ka? Hindi ka kasali sa gulo na ‘to kaya umalis ka sa harapan ko,” sabi nito sa ‘kin at saka ako napatawa ng pagak.
“Ganiyan ba kayo pinalaki ng mga magulang niyo? Ganiyan ba ang klase ng pagpapalaki ang ginawa nila sa iniyo? Hindi ko alam kung kanino ako mas maaawa. Sa iniyo o sa mga magulang niyo. Ano bang kasalanan niya? Nasagi niya ba ang mamahalin mong bag?”
“Nata—”
“Putangina natapunan lang pala, e. P’wedeng linisan ‘yan at p’wede pang magamit sa susunod. Hindi mo kailangan manakit at sabihin ang halaga ng bagay na ‘yan. Bakit magkano ba ‘yan?” tanong ko at saka niya hinawi ang buhok niya at tinaas ang bag niya.
“Nasa isang milyon lang naman,” sabi niya at nakangisi pa.
“Isang milyon?” ani ko at napatakip ako ng bibig ko at saka ako napaisip ng kung anong susunod kong sasabihin.
Pusang gala mas mahal pa ‘to sa bahay namin, e.
Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa o maiiyak dahil sa presyo. Tumingin ako sa kaniya at saka ako napahawak sa ulo ko at saka ako napakagat sa daliri ko. “Alam mo kasi madadaan naman sa magandang usapan ‘yan,” sabi ko at ngumiti pa.
“Tsk. Isa ka rin pa lang walang pambayad, e, anong akala mo isang daang libo lang ang isang ‘to?”
“Ito naman hindi mabiro—” Nanlaki ang mata ko ng biglang may humablot ng bag niya at saka ako napatingin sa dalawa na no’n ay kararating lang.
Si Zix naman ay nakatingin at ako naman ay nakakunot ang noo. Tumingin ako sa taong paparating at doon ko nakita ang hindi magandang aura ni Zach at saka ako napatakip ng bibig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at sa kung saan ako magtatago at hindi ko alam kung paanong gagawin dahil hindi maganda kapag si Zach na ang nagsalita.
Inakbayan niya ang babaeng may-ari ng bag at saka siya tumingin sa ‘kin. “Are you alright?” tanong nito sa babae at saka ako napakunot ng noo.
Tinignan ko ang babae at tingin ko nauuto siya ni Zach. “O-Oo,” sagot naman niya na nauutal pa.
“Then, you are fucking diot.” Napanganga ang babae sa sinabi ni Zach at saka ako napatakip ng bibig ko. “This bag is just a freaking million? I feel bad for you, young little girl.” Lumapit siya sa ‘kin at saka ako binuhat. “Hindi mo ba alam ang halaga ng babaeng ‘to? Kulang pa ang buhay mo pambayad sa buhay niya at sa oras na madapuan siya ng pangit mong mga kamay—isasampal ko sa ‘yo ‘yang pangit mong bag,” dugtong pa niya.
Tinignan ko ang babaeng may bangs at saka siya tumingin sa ‘kin na tila nagmamakaawa at saka ako sumenyas na umalis na siya. Nagsabi pa siya ng ‘salamat’ at saka ako tumingin kay Zach. Ang preskong pag-entrada niya ay hindi ko inaasahan at ang sinabi niya kanina ay tingin ko wala naman talagang kinalaman sa bag. Hindi pa nga nakakadapo ang kamay no’ng batang ‘yon sa ‘kin, e. Tumingin ako sa babaeng umaway sa ‘kin at saka ako nagpakita ng evil smile at saka ko siya dinilaan. Nakita ko naman ang inis niya at saka ako natawa.
Nang makarating sa parking area ay saka niya ako binaba at saka ko naman inayos ang sarili ko. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka ako sinenyasan na sumakay roon at hindi na rin naman ako sumuway kaya sumakay na rin ako.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko at sumulyap siya sa ‘kin.
“Because I saw you,” sagot niya lang at saka ako napatawa ng pagak.
“’Because I saw you’. Utot mo Zach. Hindi ako naniniwalang dahil sa nakita mo lang ako. Dahil nakita ko si Sedrick kanina at hindi siya masyadong magaling magtago,” sabi ko at saka siya tumingin ng seryoso sa ‘kin.
Hindi ko alam kung saan siya galit. Kung sa akin o kay Sedrick na hindi masyadong magaling mag-disguise. Napa-cross ako ng braso ko at saka niya hinawakan ang kamay ko at napatingin naman ako doon. “Pinasundan kita dahil alam kong magiging busy ako ngayong araw. Isa pa ay alam kong hindi ka naman papasok.”
Nagulat ako sa lamlam ng boses niya at mahinahon ngayon. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o talagang nangyayari na ‘to dahil alam kong sa pagkakataon na ‘to ay legal kami pero hindi naman niya ako niligawan ‘ni minsan. Babawiin ko sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak sa ‘kin at saka ako napapikit ng mariin kasi pinipilit ko pa ang bagay na alam kong hindi naman niya papakawalan.
Buong b’yahe ay naging tahimik kaming dalawa at napapansin kong tila inaantok si Zach. Tingin ko ay napagod siya ngayong araw kaya naman hinawakan ko ang mukha niya at saka ko sinandal ang ulo niya sa may balikat ko at hinawakan ko na lang din ang kamay niya. Alam kong marami s’yang ginagawa sa opisina at alam kong masyadong s’yang workaholic na tao at kahit na minsan ang atensyon niya ay nasa ‘kin alam niya sa sarili niya kung anong mas mahalaga.
Napansin kong huminto na ang sasak’yan at saka ko tinignan si Zach at tingin ko ay tulog pa siya. Kaya naman ginising ko siya at saka napatingin sa paligid at napahawak sa ulo niya. “Ayos ka lang ba? Masakit ba ulo mo?” tanong ko at saka naman siya tumingin sa ‘kin.
Tinignan niya ako at saka niya ako biglang hinalikan at hindi ko alam kung ilang sigundo ‘yon. “I’m better now,” sagot niya at ako naman ay napatulala.
Agad naman na bumalik ako sa katinuan ko at saka ako masamang tumingin sa kaniya. “Alam mo kahit kailan napakamanyak mo na nga nagnanakaw ka pa ng halik pun’yeta ka,” inis na sabi ko.
Binuksan niya ang pinto at saka kami lumabas at doon ay napansin kong nasa bahay na pala nila kami. Agad kong napaatras pero agad niya rin akong hinila kaya naman napaumpog ako sa dibdib niya. Nakita ko agad si Tita. Nang makita niya ako ay agad na ngumiti ito na tila natuwa dahil nandito ako.
“Ija!” Nang makalapit siya sa ‘kin ay saka niya ako niyakap at agad na inaya sa loob ng malaking bahay nila na para bang kastilyo.
“N-Nakakahiya naman po ti—”
“Nako, ija h’wag kang mahiya dahil ikaw naman ang mapapangasawa ng bunso namin kaya, no need to worry about your future, cause he will make your future better than you expect for it!” sabi nito at saka ako napanganga.
Ang dami naming naging usapan ni Tita at halos hindi na nga rin nakasingit si Zach at sa totoo lang ay kanina ko pa siya napapansin na naiinis dahil hindi niya man lang makuha ang atensyon na gusto niya. Kanina pa kasi niya ako ine-excuse kay Tita pero ayaw naman ako pakawalan ni Tita kaya naman natatawa ako sa nagiging reaksyon niya.
“Mom!”
This time Tita and I looked at him. Napatakip ako ng bibig ko at saka ako nagpigil ng tawa dahil na rin sa kakaibang aura niya. “What is it, ijo?” tanong ni Tita habang nakangiti sa kaniya.
“P’wede ko bang mahiram muna si Jarneia?” tanong niya sa mahinahon na boses at sa tingin ko ay hindi niya magawang sagutin ang Mommy niya nang pagalit.
Tumingin sa ‘kin si Tita at saka niya ako nginitian at nginitian ko rin siya. “Okay, maghahanda lang ako ng makakain,” sabi nito at saka ako iniwan kay Zach.
Hindi ko talaga maiwasan ang hindi matawa pero baka mamaya ay ako ang pagbuntunan niya mahirap na.
Hinila niya ako papunta sa isang k’warto at ng makapasok kami doon ay nakita ko ang ganda nito at sa totoo lang hindi ko rin maiwasan ang hindi mamangha. Sa itim ng buhok at aura niya pagkakamalan kong mahal niya ang kulay na itim pero kabaliktaran no’n ang tema ng buong k’warto niya.
Napangiti ako dahil sa nasilayan ko at hindi ko maiwasan ang hindi mapanganga. Ang gamit niya ay high-tech at konting galaw mo lang ay kusa na itong gumagalaw at binibigay ang kung ano ang kailangan mo. Napatingin ako sa kabilang corner at nakita ko ang laruan para sa mga pusa. Iyong bagay na inaak’yatan. Tinignan ko kung nasaan ang pusa at mula sa may kama ay nakahiga ito at ang kyut niya.
“Woah! Ang laki mo!” manghang sabi ko at saka ito nagising sa boses ko at saka ito tumingin sa ‘kin.
Tumayo siya at saka nag-unat ng katawan at saka siya lumapit sa ‘kin na siya namang ikinakinang ng mga mata ko lalo na nang nag-pur siya mismo sa tabi ko na para bang naglalambing. Hinawakan ko siya at saka ako napangiti dahil gustong-gusto n’yang hinahawakan ang belly niya.
“Omg ang kyuti yawa,” saad ko.
“Masyado kang maingay,” sita naman ni Zach at saka ako lumingon sa kaniya.
“Kontrabida,” sabi ko naman at saka ko hinawakan ang pusa. “Anong pangalan niya?” tanong ko.
“She’s Akina,” sagot naman nito sa ‘kin at saka nya hinubat ang white polo niya na siya namang ikinanganga ko lalo na ng masulyapan ko ang dibdib niya.
Napalunok ako ng laway ko at saka ako agad na umiwas kasi baka makita niya ako. Binaba ko naman si Akina at saka ko pinaypayan ang mukha ko kasi pakiramdam ko ang init sa lugar na ‘to kahit na may aircon. Hindi ko alam kung dahil sa hot siya o dahil sa nakita ko lang ang katawan niya kaya pakiramdam ko ang init na.
BINABASA MO ANG
Ms. Author [COMPLETED]
RomanceIsang pagkakamali ang babago sa buong pagkatao ng isang author/writer na si Jarneia Marin Mendoza na kilala rin bilang si Ms. Author dahil sa kaniyang mga likha. Sa kanilang pangalawang pagkikita ay hindi na siya titigilan ng isang Zach Knox Smith D...