JARNEIA’S POV
“Spill it,” sabi nito.
“Gusto ko lang na… humingi ng pasensya sa ‘yo sa nangyari no’ng nakaraan. Sa totoo lang hindi ka naman masamang tao manyakis ka lang. Hindi ka rin naman humihingi ng kapalit sa kahit na ano pero manyakis ka pa rin,” sabi ko at saka siya napangisi.
“You were sorry but you insulted me?”
“E, sa totoo naman. Pero at least pinuri kita hindi ba?”
“You didn’t tell me about your trip.”
“Wala naman talaga akong balak na sabihin.”
“Tsk. That’s why Zix called me,” sabi nito at saka nangunot ang noo ko sa kaniya.
“Sinabi ni Zix?” hindi makapaniwalang saad ko.
“Yeap,” sagot niya lang.
Napabuntong hininga ako at ang akala ko ay makakapagpahinga ako sa presensya nya ay hindi. Tumingin ako sa labas at napangiti. Nag-announce na ang piloto na handa na lumipad ang eroplano at agad kong hinanap ang seatbelt sa umupuan. Napasinghap ako ng biglang lumapit si Zach at saka nya kinabit ang seatbelt ko at sa pagkakataon na ‘yon muli kong naramdaman ang kaba sa puso ko. Ang paggalaw niya ay tila mabagal at kahit ang oras ay parang bumagal din. Pero ngumiti lang siya sa ‘kin at saka ako hinalikan sa noo. Ito lang ang bagay na hindi ko kaiinisan sa kaniya. Ang pagbibigay nito ng assurance sa ‘kin na hindi niya gustong mapunta ako sa iba at gusto n’yang makuha ang puso ko sa paraan niya. Napaahos ako at saka napabaling ang tingin sa labas at na-excite.
“Woah! Lilipad na!” sabi ko na parang bata.
“Is this your first time?” tanong niya at napatingin ako sa kanya.
“Hindi pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasakay ako sa ganitong eroplano at makapunta sa Korea,” sagot ko naman.
Naramdaman ko kung paanong lumipad ang eroplano at napasinghap pa ako dahil sa gulat at kaba. Gano’n pa man hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makita ang labas habang lumilipad ito. Nang nasa ere na kami ay tinanggal ko na ang seatbelt at saka ako tumayo at humiga sa may kama. Nagulat naman ako sa paghiga ni Zach sa tabi ko at saka ako nito niyakap.
“Ah… Zach?”
“I want to rest for a while… please let me,” sabi nito at saka ako natahimik.
Hindi ko alam kung gaanong kahirap ang trabaho niya pero nakakayanan n’yang pagsabayin ang lahat at pati na rin ang makita ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko at saka ko naramdaman ang bigat ng talukap ko dahilan para makatulog ako. Nang magising ako ay wala na si Zach sa tabi ko pero mayro’n ng kumot sa katawan ko. Tinignan ko ang labas at napabalikwas ako ng bangon ng nasa hotel na ako.
“Ha! Ilang oras akong nakatulog?” takang tanong ko.
“Almost 5 hours.” Napalingon ako sa nagsalita.
“Oh? Haba.”
“Tumayo ka d’yan at kumain ka dito,” sabi nito at saka ako tumango.
Tinignan ko ang mga niluto niya at ng maamoy ko ang lahat ng iyon ay napangiti ako ng husto. Hindi ko alam na marunong s’yang magluto kahit na manyakis siya. Isa pa ay hindi ko pa natitikman ang luto niya. Umupo na ako at saka ko tinikman ito isa-isa at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha dahil ang sarap ng mga ito. Umupo siya at saka kumuha ng wine at tinignan ako.
“Hindi ka naman siguro nangalay na bitbitin ako hindi ba?” ani ko at tumawa siya.
“There is something strange about you now,” sabi nito at saka ako napaiwas ng tingin.
“Hindi na ba ako p’wedeng maging mabait sa ‘yo kahit ngayon lang?” sabi ko at saka siya tumawa.
“I didn’t say that… but it makes me comfortable.”
“Alam ko naman na hindi naging maayos ang mga nagdaang araw natin. Isa pa ay hindi na rin naman kita maipagtatabuyan dahil alam kong hindi mo rin naman ako tatantanan. There’s so many things that I realized lately, also what you said on that night.” Napatitig sya sa ‘kin na para bang naninibago. “Gusto kong bigyan ka ng pagkakataon na pumasok sa buhay ko. Gusto kong kilalanin ka at ‘yong totoong ikaw hindi ‘yong manyak na ikaw. Tipong kung sino kang talaga lalo na kung kaharap ang pamilya mo at pati na rin kung nakatalikod sila,” mahabang litanya ko at saka siya ngumiti na naman.
Ang ngiti na ‘yon ay nagbigay kinang sa ‘kin na s’yang ikinabighani ko. Ang bawat ngiti niya mula kanina at tila ginhawa sa ‘kin dahil nakikita kong maayos pa rin sya kahit na marami s’yang naging problema at trabaho sa mga nagdadaang linggo. Tumayo siya at saka lumapit sa ‘kin at napatitig lang ako sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha ko at saka tinitigan ang buong mukha ko at dinampian ang labi ko ng hinlalaki niya.
“Honestly, what you said makes me feel better now. In the past few days, I’ve been stressed, tired from my work, and thinking about how to have you. It makes me feel like there’s something heavy in my body. But now that you said that, I promise I won’t fail your expectation to me,” sabi nito.
Napatingin ako sa kamay n’yang unti-unting bumababa at nangunot ang noo ko lalo na nang maaabot nito ang dibdib ko at saka niya iyon pinisil. “Putangina, Zach!” inis na hanas ko.
“Hehehehe… I can’t take it,” sabi nito at masama ko s’yang tinignan.
“Napakamanyak mo talaga, e,” sabi ko at saka ko siya tinulak. “Bumalik ka na nga sa kinauupuan mo baka masipa kita kainis.”
Bumalik siya sa kinauupuan niya at saka siya tumingin sa ‘kin habang umiinom ng wine. Kumain na lang ako at bumuntong hininga sa ginawa niya at napakuyom ako ng kamay ko kasi hindi ko man lang naisip na pigilan siya. Matapos kumain ay lumabas ako ng hotel at saka ko hinanap si Alisha. Nang makita ko siya ay kumaway siya sa ‘kin at saka niya ako nilapitan at napatingin naman ako kay Zix na nakatingin lang sa buong paligid.
May iilang babae ang nakatingin sa kaniya at tingin ko ay crush nila si Zix. Hindi naman maipagkakaila mukha s’yang aktor sa Korean novela. “Girl ano’ng nangyari sa inyo ni Zach?” tanong ni Alisha at saka kumapit sa braso ko.
“We’re good now,” sabi ko at napahinto siya saka ako tinignan.
“We? Hindi ka nagbibiro? Totoo?”
“Hindi ako kasing sinungaling mo Alisha kaya, oo,” asik ko at saka siya napanguso.
“E’di goods na pala. Handa ka ng magpapasok sa nakasarado mong puso,” nakangiting sabi niya at napangiwi na lang ako.
Napalingon ako kay Zach na no’n ay papalapit kay Zix at saka sila nag-usap na para bang hindi sila magpinsan. Napabuntong hininga na lang ako at pinuntahan na lang namin ni Alisha Kila Edilyn. Nagkatuwaan kami at nag-take ng picture hanggang sa magsawa kami.
BINABASA MO ANG
Ms. Author [COMPLETED]
RomanceIsang pagkakamali ang babago sa buong pagkatao ng isang author/writer na si Jarneia Marin Mendoza na kilala rin bilang si Ms. Author dahil sa kaniyang mga likha. Sa kanilang pangalawang pagkikita ay hindi na siya titigilan ng isang Zach Knox Smith D...