Runaway

2 0 0
                                    

Yan-yan's POV:

UugGhhH! Ba't bigla akong nangilabot? Di naman malamig, maybe someone is talking about me? Nevermind, ano gagawin ko dito? Kanina pa ako nakatingin sa iphone ko, it's pretty. I looked over at the time and it was past 6pm, nakakain naman na ata si dad sa labas. I'll just take a slight nap.

After three hours...

AHH! Napatayo ako bigla nang kumalabog yung pinto nang bedroom ko. It's dad, galit na naman s'ya. Natalo na naman ata! Lagot, baka ako mapagbuntunan na naman nito!

Pumasok si papa at kinuha yung dati kong school bag and in-open n'ya yung closet ko. He took my clothes and nilagay lang nang basta basta dun sa bag ko. Anyare?! Papalayasin na ba ko nito?!

"You're moving out, may lalaking kukuha sayo dito bukas." Sabi ni papa at stern yung pakakasabi n'ya, hindi s'ya nakikipagbiruan!

HAH?! SINO?!

"H-ha? Pano-... sin-" Nauutal pa ako at konti lang ang dilat nang mata ko kasi kakagising ko pa lang.

"Makikilala mo na lang s'ya! Shut up and pack your things!" Utos sakin ni papa at tinapon yung maleta at bag ko sakin.

Tang*na naman! Umiiyak na ako, masakit kasi! Di ko alam kung dahil dun sa pagbato n'ya nang maleta at bag o dun sa part na ipinamigay n'ya ako kung kanino. Tumango na lang ako at umiiyak habang nilalagay yung mga damit at gamit ko sa bag, umalis na din si papa sa kwarto ko.

Masakit talaga... ano bang ginawa ko sayo papa? Why are you doing this to me?

After packing my things tumahan na din ako sa pagiyak. Ayoko! Di ko man lang nga kilala yung kukuha sakin o kung ano yung agenda nila sakin! Takasan ko to! Wait... pwede!

"Tatakas ako," I said to myself and pretended to be asleep in my bed.

Tinignan ko yung phone ko and it was finally midnight. I slowly dropped my bags out of my window at gumamit ako nang ninja moves para makababa. After I got down, I carried my bags and dahan-dahan akong lumabas sa gate without sound. Kaonti lang yung mga dumadaan na taxi pagganitong oras kaya nagtago muna ako sa may puno. I waited around 30 minutes and finally tumigil yung taxi sa harap ko.

"Saan ka iha?" Tanong sakin ni kuya'ng driver na parang nagaalala para sakin.

"Kahit saan pong convenience store, yun po sanang bukas 24/7 saka malapit lang sa mall." Sabi ko kay kuya'ng driver at pinasakay na ako sa likod. Sumakay naman agad ako at nilagay ang mga bag ko sa tabi ko. Kinuha ko yung phone ko at wallet.

"Madilim na iha, ba't nasa labas ka pa? Delikado na sa mga oras na to." Sabi ni kuya'ng driver.

"Tumakas po ako sa bahay, total pinapaalis naman na ako ni papa." Sabi ko kay kuya'ng driver at tumahimik naman ito.

"P- pasensya na iha. Hindi ko alam." Sabi ni kuya at ngumiti naman ako.

"Ayos lang ho." Sabi ko kay kuya'ng driver at ngumiti naman ito sakin.

Malayo-layo din yung napuntahan ko, timigil na si kuya sa harap nang isang convenience store at kita naman yung SM na malapit lang dito. Inabot ko yung 1k kaso umiling si kuya.

"Wag na iha, sayo na yan. Mag-ingat ka na lang, madaming magnanakaw dito. Saka wala din naman akong pangsukli." Payo sakin ni kuya'ng driver at nagmaneho na paalis.

"K- kuya! Salamat po!" Habol ko at bumusina naman ito nang tatlong beses.

Binitbit ko yung mga bag ko at pumasok na sa convenience store, isa lang yung employee at babae ito. Ngumiti ito saakin at ngumiti naman ako pabalik at lumapit sakanya.

Vete A Casa Yan-YanWhere stories live. Discover now