CHAPTER FOUR
"Balita ko, lalaki pala gusto mo, Leik. Hala! Baka sinisilipan mo pala kami kapag nasa men's room tayo simula nung mga bata pa tayo ah." Pagkasabi ni Santiago, isa sa mga kaklase ko simula elementary hanggang ngayong college, nagsitawanan ang lahat ng mga kaklase ko sa classroom.Pakiramdam ko nanunuyot ang lalamunan ko.
Kilala si Santiago sa pangbu-bully niya sa mga classmates namin mula noong grade one pa lang kami, at simula kahapon, ako na ang bagong target niya.
No wonder Vika and him are friends.
"Tol, check niyo cellphone nito baka puro pictures na ng mga etits niyo gallery niya." Dagdag niya habang naka-upo ito sa desk ko, taking all of my space.
Para bang walang katapusan ang pag-echo ng mga tawa nila. Pakiramdam ko pumupulupot ito sa leeg ko and I can't breathe.
Nagsi-sang ayon naman ang iba kong kaklase. At ang iba, tahimik at takot makisali. Matapos kong bugbugin ang nangbu-bully sa classmate ko noong elementary pa ako, I was once like that, the silent one, so I'm not blaming them kung tatahimik lang sila. I understand.
Mabilis kong iniwas ang mga mata ko kay Santiago at itinuon na lang sa mga kamay ko na nakapatong sa hita ko.
Hindi lang naman siya ang gumagawa sa akin nito kaya tulad ng ginagawa ko sa iba hahayaan ko lang itong matapos hanggang sa makauwi ako. Lulunukin ko muna ang mga sinasabi niya. Pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan ko ito makakayanan.
Maybe I should just kill myself right now. That's the best and possible way to end all of this. At para matapos na rin ang kahihiyan na binigay ko sa pamilya ko.
"Ibibigay mo sa akin ang cellphone mo o ako kukuha sa bag mo?" May pagbabanta sa boses ni Santiago. Hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil alam kong hindi namimisikal si Santiago. He only uses words. But still, its not an excuse. Pareho pa rin iyon.
Tatayo na sana ako para lumabas na lang ng classroom nang may biglang magsalita sa bandang kaliwang bahagi ng classroom namin.
"Gago ka ba, Santiago? Ay sandali, hindi ko na pala kailangan itanong kasi obvious naman." Ito ang sinabi ng boses ng isang lalaki. At alam ko kung sino ito.
Shit.
It's Rune Martinez.
He is what we call "The Jack", dahil bukod sa honor student ito simula noong elementary kami, presidente siya ng student council, dancer, singer, lahat lahat ay kaya niyang gawin. Hindi siya ang nagsisimula ng gulo, siya pa nga ang pumipigil nito. Isa rin siya sa mga matalik na kaibigan ng kambal kong si Fjord. Kaya naging magkaibigan na rin kaming dalawa.
Why? Why is he doing this? Is it because of Fjord?
Kalmado lang ang boses niya kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaba hindi dahil kay Santiago kung hindi para kay Santiago.
"'Wag kang makisali, Martinez." Banta ni Santiago kay Rune. I hear gasps from our classmates.
Biglang tumahimik ang buong classroom. Nakuha ni Rune ang atensyon ng lahat at sandali nila akong nakalimutan. Sandali nilang nakalimutan na ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon.
"Or... dahil wala na si Fjord, gusto mong maging knight in shining armor ni Leik." Napayukom ako ng kamao pero pinigilan ko ang sarili ko na hindi tumingin kay Rune. "Si Mr. Pres, crush si Leik." Pang-aasar pa nito pero wala nang nakisali sa kanya. Tahimik pa rin ang lahat. Ramdam na ramdam ng lahat ang tensyon sa loob ng classroom.
My heart beats faster and louder. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, na para bang nakukulangan ako ng hangin. Nanlalamig rin ang mga kamay ko. Nanlalabo rin ang paningin ko at unti-unting nakukulob ang mga boses nila na para bang palayo sila nang palayo kung nasaan ako.

BINABASA MO ANG
Inmarcesible
General FictionInmarcesible: Unfathomable, everlasting. Leik and Noam's Story. My first M/M Romance (BxB) Book 1 of Estia Series