Chapter 15

9 0 0
                                    

Nasa gitna na kami ng biyahe habang tahimik lang kaming dalawa ni Steve sa loob ng kanyang sasakyan. May bagay sana ako na nais kong sabihin kay Steve ngunit nagdadalawang isip ako kung paano ko ito sisimulan.


"Okay ka na ba?" Pagputol niya sa katahimikan.


I looked at him tsaka tumango, "Yes, I am."


I saw how his eyes in a relief.


"Sorry Steve for what happened," Sambit ko habang nakayuko at tiningnan ang mga kamay.



"No, ako dapat ang mag sorry sa'yo Yielle. Kung may nagawa ba akong mali," sagot niya.



Huminga ako ng malalim tsaka muling nagsalita. "Hindi ko alam ba't nasaktan ako noong narinig ko mula sa'yo na aalis ka ng Pinas after mong mag graduate."


Narinig ko ang mahinang pagtawag niya.


"Bakit ka tumatawa?" Kunit noo ko itong hinarap.


"No I'm not," he said kahit na halatang natatawa siya.


"Nasaktan ka ba dahil aalis ako ng Pinas? At 'yon ang rason kung bakit hindi mo ako pinapansin for the past few days?" Nangingiti niyang sabi.


I rolled my eyes and crossed my arms, "Oo at bakit? Alam kong hindi big deal 'yon, pero..."


"Pero?" He laughed.


"Ewan ko sa'yo! Basta ang importante okay na tayo," Pgbawi ko rito.



Nakita ko kung paano lumiit ang kanyang mga mata sa pagtawa. I saw how his cheeks turned red.



"Okay sure, so we're okay?" He asked me.


Tumango ako, "U-hmm, Yes?"




Tahimik lang si Steve sa pag drive habang ako naman ay patingin tingin lang sa paligid.
Hindi ko rin namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.
Agad na ipinark ni Steve ang sasakyan niya sa tabi para makababa ako.



I was about to open the door nang biglang tumunog ang tiyan ko. Hinawak ko ito ng parang wala lang pero sigurado akong narinig 'yon ni Steve.


"Gutom ka ba?" Pagtatanong niya.


Sabi ko na nga ba't narinig niya 'yon. Hindi ako nagdalawang isip na tumango sa tanong niya.



Nakita ko ang pagbago ng kanyang reaksyon, napangiti siya tingingnan ako sa mga mata. "Kain tayo sa labas, I'll pay," utas niya.


"Sure ba?" Pagtatanong ko habang nakataas ang isang kilay.



Itinaas baba niya ang kanyang kilay, nais na ipabatid sa akin na sure na siya ang magbabayad.



Hindi na ako nag-dalawang isip pa at isinarado na ang pinto ng kanyang sasakyan. "Go na!" Sabi ko sa kanya.


Tingingnan niya pa ako sa mata na para bang pinipigilan niya ang kanyang sarili para tumawa.


"Paandarin mo na yung sasakyan, nagugutom na ako oh!" Angil ko rito.


Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na natatawa, "Okay okay! Paaandarin na po!"



I fastened my seatbelt and crossed my arms at tumingin lamang ng diretso sa high-way.



Dire-diretso lang ang takbo ng sasakyan at habang tahimik lang akong pinipigilan ang sarili sa pag tunog ng tyan, halata na kase na nagugutom na ako. It's already 7:30 in the evening and hindi pa ako nakakain mula kaninang tanghali.


"The Cherubim of Love"Where stories live. Discover now