Chapter 12

1 0 0
                                    


Napa awang ang aking bibig nang isinara ni Vince ang pinto at tuluyang umalis. Wala akong sinabi ni kahit isang salita bago siya umalis, sadyang naka pako lamang ang aking mga paa sa sahig at parang nawalan ng pakiramdam ang aking bibig. Habang ang puso ko'y patuloy parin sa pagtibok.

Kahit nakahiga na ako sa kama ay wala pa rin akong iniisip kundi ang kung ano ang nangyari kanina sa amin ni Vince.

Kinuha ko ang phone ko at nag-open ng Twitter. Nag scroll muna ako nang maisip na mag rant ako rito.

"He kissed me"

Iyon ang tinype ko at tsaka pinindot ang post sa itaas nito. Maya-maya ay nag chat sa akin si Steve.

Steve Alfonso:

Klay?

Agad ko itong na-seen.

Me:

Yes?

Reply ko rito.

Steve Alfonso:

I'm so sorry, baka hindi tayo matuloy bukas.

Ilang segundo pa akong napatitig sa cellphone ko. Hindi mawari kung ano ang nararamdaman. Hindi ko ma-intindihan kung nasasaktan ba ako or I was disappointed.

Steve Alfonso:

May sudden appointment kasi ako, hindi ko nga rin inakala na magkakaroon pala ako ng invitation.

Napatango ako nang mabasa ang sunod na message niya sa akin. Naiintidihan ko ang punto niya, ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano nga ba ang nararamdaman ko. The world always make me confused.

Me:

Let's do it next time, don't worry.

I replied.

Steve Alfonso:

Thankyou! I promise, matutulog talaga tayo next time.

Hindi na ako nakapag reply at nag react nalang ng heart sa message niya. Pinatay ko na ang maliit na ilaw sa tabi ng kama ko at tuluyang ipinikit ang mga mata para matulog na.

Kahit sa pagtulog ay marami parin Akon iniisip. Sa ginawa ni Vince at ang pag kansela ng date namin ni Steve. I was overwhelmed by everything.

-

7:25 na akong gumising. Natandaan ko na may laro pala si Vince ngayong Sunday. He told me last time if I could spare some time para manokd sa laro niya. Wala naman akong gagawin ngayong araw. I wasn't in my mood today.

I'll try to ask Klay para may kasama akong manood sa laro ni Vince. Pero bago kami dumiretso sa Field ay dadaan muna ako ng simbahan para magsindi sa Nuestra Señora sa Jaro Cathedral. Whenever I feel sad or hurt, pumupunta ako rito para humingi ng gabay sa kung ano man ang nararamdaman ko. After that ay nagiging magaan na rin ang pakiramdam ko.

In-open ko ang messenger ko at nag chat may Klay kung busy siya. Mag papasama kasi ako.

Me:

Busy ka Klay?

Matagal pa bago siya nakapag reply. Tumayo muna ako para kumuha ng tubig na malamig sa ref nang tumunog na ang cellphone ko.

Kriselda Elaine Perez:

Hindi naman, bakit?

She replied.

Me:

Samahan mo 'ko, nood tayo ng laro ni Vince mamaya. But before that dadaan
muna ako ng Cathedral.

"The Cherubim of Love"Where stories live. Discover now