Mabilis lang ang takbo ng araw at biyernes na ngayon. Pauwi na ako ng apartment pero dadaanan ko muna si Klay dahil sasama daw siya sa 'kin. Inaaya niya nga ako punta daw kami ng Korean restobar dito sa Iloilo. Hindi nga ako familiar kase kakabukas lang daw, kaya sasama nalang ako.
Minsan lang naman to kaya I'm gonna cherish this moment. Well you know what, hindi rin kase tama na palagi lang tayo magpapaka stress sa buhay, we also need to take a break. Pwede kang uminom or gumala if you want too, that's life kase madali tayong mapagod pero hindi tayo pwedeng tumigil sa buhay.
"San ka na?" bungad ko sa kabilang linya habang tinatawagan si Klay.
"Ayan na! Papunta na!" Sagot niya na para bang may ginagawa pa.
I started to fix myself para magmukha rin akong presentable mamaya kahit nga iinom lang kami ni Klay.
Nag-umpisa na akong maghanal ng maisusuot ko. I'm gonna wear a crocheted top na kulay violet, I took my baggy pants to pair it with my white shoes. Kinuha ko na rin ang kwintas ko na may caduceus na pendant, it is actually the recognized symbol of nursing. I just let my hair down and put a little two clips on the front of my hair.
Inilagay ko na rin ang ang maliit ko na tint and perfume na nasa small bottle para maikasya doon sa maliit ko na bag. Alam mo namang naka Gen Z tayo.Tiningnan ko na ang sarili ko kung okay na ang porma ko para sa alis namin mamaya ni Klay. "Okay PERFE- AY!!!"
Isang malakas na sigaw ang umalingaw ngaw sa loob ng kwarto. Gulat ako nang pumasok si Klay sa pinto habang naka harap ako ng salamin. Magkatabi kasi ang maliit kong salamin na nakadikit sa ding-ding at ang pinto ko.
"Jusko! Kinabahan ako don ah! Kumatok ka naman kung papasok ka Klay, mamatay yung tao sa'yo eh!" Sabi ko habang naka hawak sa dibdib ko na hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.
"Ay ganon ba? Ems! Sorry!" Ngumiti pa siya at nag peace sign sa akin. Parang wala lang sa kanya na halos mahimatay na ang kaibigan niya.
"Nako Nako, ganda ng porma natin ngayon ah?" Utas pa niya habang tinitingnan ako mula paa hanggang ulo.
"Syempre minsan lang kaya 'to," sagot ko habang tinitingnan parin ang sarili sa salamin.
Inirapan lang ako ni Klay habang tinitingnan ko parin ang sarili sa salamin.
Umalis na kami papuntang papuntang resto. Sumakay lang kami ng taxi papunta doon. Habang naka sakay kami ay biglang napatawag si Vince sa akin.
"Grabe uma-update na si langga mo ah?" Utas ni Klay sa tabi ko nang makitang si Vince ang tumatawag sa akin.
"Shh ka muna!" Sabi ko at inilagay Ang daliri sa bibig para tumahimik muna at para masagot na ang tawag.
"Yielle, hello?" Bungad ni Vince sa kabilang linya.
"Oh? Vince?" Sagot ko dito.
"U-hmm...we have a game this Sunday," mahinang sabi niya halos hindi ko ito mrinig.
"Sa Sunday ba kamo?" Pagtatanong ko kung tama ba ang narinig.
Napaisip muna ako ng ilang segundo bago makasagot. Sunday? Sandali...lalabas kami ni Steve this Sunday, pano na kaya 'to?
"S-sa S-sunday ba?" Nauutal ko utas.
"Oo? Are you free ba langga?"
"Hoyyyy shuttaaa 'langga' yarnnn??!!!" Mahinang sabi ni Klay sa tabi ko na ani mo'y kinikilig talaga. Pinisil pa niya ang gilid ko.
YOU ARE READING
"The Cherubim of Love"
RomanceA story between a best friends na parehong born with a golden voice. Steve is the main vocalist of the Cherubim Band and Yielle is a choir sa isang Parish Church. Sobrang supportive ni Yielle kay Steve sa lahat ng shows nila and she's always their t...