Part 1: ANG TSANAK

24 0 0
                                    

Una sa lahat.. humihingi ako ng PASENSYA sa mga nagantay at nainis sa tagal kong di pag UD ng s 2nd story ko dito .. Sa kadahilanang abala ako makipag kita sa mga kaibigan ko dito sa pinas , at kaya kaliwat kanan ang gala at bonding with them. At syempre lubos akong nagpapasalamat sa mga bumasa at patuloy na magbabasa ng nkakahilo kong story =) SALAMAT nang marami =)

______________________________________________________________________________

Feb. 1, 2008

buwan para sa mga nagmamahalan.. partners, friends, family, bestfriends o kahit ano pang relasyon yan.. excited ako dahil sa wakas malapit n kami mag 4th year highschool. pero syempre, bago ang graduation eh JS prom muna =)

aminin natin na lahat ng mga dumaan sa pagiging highschool students ay excited sa event na ito. lalong lalo na ang mga may karelasyon. syempre kahit single excited pa din dahil after the prom eh kanya kanyang lakad na yan sa mga bar o kahit saan man.

pang 3month monthsary namin ng girlfriend ko noon ang feb. 17 kaya nung binalita sa amin ng mga teacher ang nalalapit na js prom ay nagulat ako. dahil natapat iyon sa monthsary namin ng girlfriend ko. Hindi ako magkanda ugaga na itext sya kahit nagsasalita pa ang adviser namin, oo katxt ko siya kasi magkaiba kami ng classroom noong 3rd year kami.

hindi na ko natakot na ilabas ang cellphone ko, dahil nasa gilis naman ako ng room namin nkaupo kaya natatakpan ako ng iba kong classmates at dahil na rin sa uwian na rin yon pagkatapos i-announce ng adviser namin. Agad siyang nagreply at dahil nga sa sabay namin nalaman ang balita tungkol sa magaganap na JS prom. di nag tagal pinalabas na kami sa classroom at agad akong nagtungo sa classroom ng gf ko, hinintay ko siya na ilang minuto dahil sa hindi pa tapos magsalita ang adviser nila.

pagkalabas niya ay nakita ko sa mukha niya ang hindi gaano kaaya aya na emotion.

"oh bakit ganyan itsura mo?" tanong ko.

"nakakainis naman kasi natapat pa sa monthsary natin yung JS prom" sabi niya.

" hmm di kaba natutuwa? mas ok nga yun diba? eh para rin sa mga may mag nobyo at nobya yun diba."

"wow ha? nobyo't nobya talga? hmm kasi naman syempre gusto ko rin naman yun, pero mas gusto ko sa monthsary natin eh solo natin yung lugar, kahit simple lang mga suot natin, basta tahimik at 2 lang tayo ang naguusap."

Sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ako ng ideya para sa monthsary namin, nalaman ko na gusto niya lang ng simple at tahimik na lugar, ang plano ko pa naman, kumain kami sa isang restaurant, dahil highschool nga lang kami eh hindi pa ganoon kadali sa akin kung paano mag celibrate ng monthsary na kakaiba at talgang mpapakilig siya =) .

dahil sa wala na kaming magawa dahil wala naman kaming kakayahan na papalitan ang JS namin ay nagisip nalang ako ng paraan para kahit papaano ay masolo namin ang lugar, yung tipong tahimik at pwede namin makita ang mga bitwin at yung makakapagusap kami ng walang ingay. Nung time lang na yan kasi ako nag handa para icelebrate ang monthsary namin, dahil wala talga akong alam pag dating sa mga ganyan. dahil alam ko lang kasi, mahal na mahal ko siya. nung panahon na yun =)

Nang makarating na kami sa tambayan(bahay nila albert) nakita namin na nandun na yung iba naming mga kaibigan, sa labas palang rinig ko na ang tawanan at kwentuhan nila. Malamang excited sa magaganap na JS. pagpasok namin ay agad kaming inasar ng mga kaibigan namin, kinikilig sila kunwari, kasi alam din nila na sa monthsary namin ang araw na iyon.

mas kinikilig pa sila. agad kong iniba ang kwento, kinausap ko mga kaibigan kong lalaki, kung bibili ba sila ng isusuot nila o magrerent nalang, tutal isang gabi lang naman gagamitin. ganun din ang gf ko kinausap niya ang mga babae na kaibigan namin.

The last time I saw themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon