Part 2: Js prom

32 1 0
                                    

Sorry sa super duper late na update... From 2013 to 2015 ngayon lang ulit ako makakapagtype sa wattpad. So eto na po sisimulan ko ng dugtungan ang story ko .... Enjoy... :)

7:30pm at St. Joseph college quadrangle. Nakapasok na kaming lahat sa school, ang akala namin eh malelate kami, pero sakto lang pala ang dating namin. Halos lahat kami ay namangha nung gabing iyon, dahil sa 1st time nga namin ang maranasan mag JS prom, hindi kami magkandaugagang mahanap ng uupuan. Pero biglang nabago ang ngiti namin sa labi dahil magkakasama pala ang bawat section sa iisang lugar sa gilid ng school, at ang nakasama ko lang ay si rommel dahil kami ang mag classmate, nahiwalay naman ang gf ko at kasama nya si shara, at ang maraming magkakasama ay sila albert, chris, pearl, sam, jane,tina at jin at sa ibang section naman ay si kyle at echo.

Lahat kami excited sa mga magaganap na kasiyahan, kahit saan ako lumingon namamangha ako s mga schoolmates kong malaki ang pinagbago dahil sa kanilang mga ayos, maraming magagandang babae na noon pa man ay hinahangaan ko na pero para sa akin iisa lang ang babaeng bumihag ng pagkatao ko noong panahong iyon, walang iba kundi ang gf kong si jam.

Kalagitnaan ng prom nagsimula na rin magpamigay ng mga pagkain, at habang kumakain ay patuloy na tumutugtog ang bandang inarkila ng school namin, pang party at mga bagong kanta kaya lahat kami ay libang na libang sa pakikinig, may iilang nagsasayawan , may mga grupong nasa isang sulok lang sabay sabay kumakain at may sariling pinaguusapan, at may iilan namang parang hindi naeenjoy ang prom, nakaupo lang at panay ang dutdut sa kanilang mga cellphone, at isa ako dun at ang gf ko dahil magkatxt kami habang ang karamihan ay masayang nagsasayawan sa gitna ng quadrangle.

Magkatxt kami ng gf ko gawa ng magkalayo kami ng pwesto magkabilang dulo ang pwesto ng bawat section namin at gustuhin ko man siyang puntahan hindi kami pinapayagan ng advisers namin, liban na lamang kung lahat kami ay sasayaw. Halos lahat naghihintay sa kantang tutugma sa mga magnobyo't magnobya, katulad ko hinihintay ko din ang tugtug na makakapagbigay kilig sa lahat at napagplanuhan ko na agad akong pupunta sa kinalulugaran ng gf ko para ayain siyang masayaw.

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat, ngunit nabigo ako dahil sa plano ko siya ang unang una kong isasayaw sa prom na iyon, noong papunta na ako sa pwesto nila nagulat ako may kasayawan na siyang iba, alam kong alam nya na hihintayin nia kong lapitan ko siya, oo, nakaramdam ako ng kaunting selos dahil nagexpect din ako na ako ang first dance nya, pero hinayaan ko lang dahil nakita ko rin naman sa kanyang mukha na hindi nya gusto ang nangyari, kaya naghanap nalang ako ng mauupuan at naghintay ako ng pangalawang kanta at sa pagkakataong iyon ay ako na ang mkakasayaw nya.

Nung oras na naghihintay ako ng pangalawang tugtugtugin na love song ay nagkatinginan kami ng gf ko, nakikita kong hindi nia rin gusto ang nangyayari, kahit kahit sa mata ay alam kong humihingi sya ng pasensya, pero sa pagkakataong iyon nagawi sa kanyang likuran ang aking pagkakatitig, parang nakita kong may mabilis na tumakbo sa kanyang likuran gawa ng naka pewesto ang kanilang section malapit sa gilid ng stage, alam kong hindi normal na tao yun, katulad siya ng nakita kong anino sa bakuran nila albert bago kami magpunta ng school. Maliit siya na parang pusa na nakatayo pero napakabilis tumakbo ang ipinagtataka ko pabaliktad siya tumakbo kapag pagapang, kinalibutan ako ng oras na iyon, imposibleng pusa ang nakita ko at bakit parang ako lang ang nakapansin samantalang madaming studyante ang nandoon, imposibleng hindi nila maramdaman sa kanilang paanan kung pusa nga ang nakita ko.

Natapos na rin ang unang pinatugtog, ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang nakitang kong pusa o ano mang lamang lupa yon. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at agad pinuntahan ang gf ko hindi para isayaw kundi kausapin ng masinsinan, nawalan na ko ng gana sumayaw, at halata ko rin sa kanyang napagod siya ng isayaw siya ng classmate niya.

"May nakita kabang pusa kanina tumakbo dyan sa likuran mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman bakit? Mula kanina wala naman akong pusang nakikita dito"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The last time I saw themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon