Part IV: Titig

276 5 0
                                    

7:45 ng makauwi na ako ng bahay, halos hindi parin ako makapaniwala sa mga naranasan naminsa mga nag daang araw. Matapos kong magpalit ng damit pambahay ay inintindi ko na ang mga assignment namin at ang mga project na dapat ng tapusin. Nakatulong iyon para maalis sa isip ko yung kababalaghan na iyon.

Sa dami ng ginagawa ko, ginutom ako, late na din ako nkapag dinner dahil sa dami ng ginagawa, kumain muna ako ng paborito kong adobo at konting kanin lang para di mabusog ng sobra at ng di ako antokin baka hindi ko pa mayari ang mga assignments ko, sa puntong iyon hindi ko na naiisip ang tungkol sa lalaking nakaputi, para wala nalang sa akin , dahil mas iintindihin ko nalang ang assignment ko. sa isip isip ko may tamanag araw naman para malaman ang kwento tungkol sa lalaking nakaputi na iyon.

Kinabukasan, excited akong pumasok dahil magkakasama nanaman kami ng tropa s bahay nila

Albert, at syempre para makita ang pinakamaganda at pinakamabait at pinakamatalino kong crush :) hehe , hanggang crush lang muna torpe ako eh at hindi ko kinakahiya yun, dahil marami na rin akong nababalitan sa mga kabatch ko na nagsisipagbagsakan dahil sa lovelife, kaya nirereserve ko yung sarili ko para sa babaeng deserving din sakin :) o tama na usapang lovelife na yan, muntik ko na malimutan horror tong kinukwento ko.... :))

Sa wakas tapos na din ang 4 naming subjects lunchtime na kaya naman di na ako makapagantay na makakain,nakakaexcite kasi matikman yung luto ng papa ni albert para sa amin, pinakapaborito ko kasing niluluto ni kuya eh yung teriyaki chicken, :) habang namimili n ko ng ulam pa isa isa na ding nagdadatingan ang iba kong tropa na nanananghalian kila albert , exclusive for GMC(name ng group namin) yung niluluto ni kuya lalo na para sa aming mga malalayo ang bahay, nauna kasi yung room namin na pinauwi kaya ngayun lang sila nagdatingan. Habang kumakain na kami tahimik kaming lahat, ang sasarap ba naman ng ulam eh, at bigla ko namang binasag ang katahimikan sa pagtanong ko kay erwin about kagabi.

"Erwin??"

"Oh bakit?"

"Kagabi ba nung nakaalis na kami nila pearl eh lumapit ka s may pintuan para silipin kami at magpaalam??" Tanong ko na may halong kaba s isasagot niya.

"Hmmm kagabi? ???.......hindi bakit???"

Nanlaki ang mga mata ko at napatigil ako sa pagkain nung sinabi niyang hindi.. Hindi ko alam ang mararamdaman ko bigla akong kinalibutan at napaisip nanaman.

"Sigurado ka?? Baka naman nakalimutan mo lang na dumungaw ka dun???" Ulit kong tanung na baka nagkakamalinlang siya.

"Hindi nga,, busy kami nila alber at kyle nun sa panonood at kakatawa, at tsaka nag paalam naman na kayu nun diba nung nasa loob pa kayo ng babay"

Sa sinabi niyang yun lalo akong kinalibutan dahil kung hindi siya ang nakita kong nakatitig sa amin nung gabing pauwi na kami, sino ang lalaking iyon? At bakit siya nagpakita sa akin at sa iba kong mga kaibigan?

Dahil sa nabuong tanong sa isip ko may nabubuo ding kasagutan na sa tingin ko ay gusto nya na tulungan namin siya o kaya naman eh gusto niya ng dasal, pero naisip ko rin na delikado rin namang basa namin siyang tulungan dahil sabi ng mga matatanda eh sa oras na tulungan mo ang multong humihingi ng tulong at kapag hindi mo ito nagawa eh ikaw ang guguluhin nito, kinabahan ako bigla kung mangyari man yon pero hindi pa naman namin siya pinangakuan ng tulong kaya wala ako dapat ipangamba at isa pa, hindi naman niya kami ginugulo simula ng tumambay kami sa bahay nila albert. kaya naman naisip ko nalang din na paraan niya lang yun para maging kaibigan din namin siya dahil sa tagal na niyang namamalagi sa kinatitirikan ng bahay nila albert.

Sa buong hapon na lumipas 4 na subjects ang lumipas na di man lang ako naging seryoso sa lessons, sa kakaisip sa mga nangyari sa nakalipas na araw at sa sinabi ni erwin.

The last time I saw themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon