Part I: Titig

739 10 3
                                    

""Sa pag sulat ko ng unang storya na "unexpected visitor" nabanggit ko dito na wala akong kakayahan upang makakita ng mga elemento o multo atbp.

Sa pagsulat ko ulit ng bago kong storya dito nagsimula ang mga pangyayaring na magpasa hanggang ngayon ay nagsisilbing tanong sa aking isip. Karanasan ko ito na hindi ko pinaniniwalaan magpa sa hanggang ngayon. Idedepende ko nalang ito sa mga mambabasa na kapareho sa naging karanasan ko..

Kayo nalang ang makakapagsabi kung kabalaghan ba o pawang imahinasyon ko lamang ang mga isasalaysay kong kababalaghan.....

Author:

Joe Dominguez

Base on a true story...

" Titig"

    4th year high school ako noon sa pribadong paaralan sa st.joseph sa olongapo city. Sa tuwing uwian ng bandang ala singko ng hapon,dumederetso kami sa bahay ni albert malapit sa school namin , pangalawang bahay namin kung maituturing dahil madalas kami nakatambay sa bahay nila tuwing uwian kapag gagala doon lage ang meeting place. Sa bahay din albert kami lage nanananghalian, syempre may bayad kaya imbis na kumain kami sa mga karindirya o fastfoods na malapit sa aming paaralan, kaya doon nalang kami sa bahay nila albert nanananghalian,exclusive lang para sa amin yon dahil mismong papa ni albert ang nagluluto ng 4 na putahe at take note lahat ng luto ni kuya ay masarap! (kuya ang tawag namin sa papa ni albert dahil best adviser namin si kuya, parang si big brother ng pbb hanggang sa nakasanayan na namin) 2 ulam at isang kanin sa presyong 35, sulit na sulit na dahil sa dami ng ulam di tulad sa karindirya, marami kasi iilan lang kami magkakaibigan ang pwedeng kumain dun, tulad nga ng sinabi ko exclusive lang para samin at libre pahingahan pa sa mismong sala nila pagkatapos namin kumain.

       Sa kabilang bahay naman abandonado na ito punung puno ng alikabok dahil sa tagal na nabakante, dito dati nakatira ang tita ni albert na ngayon ay nasa abroad na , simula ng naging tamabayan namin ang abahay nila wala ng nakatira dun kaya ginawa naming magkakatropa nilinis namin ang unanag palapag para paglagyan ng mga gamit namin sa school. Noon ayaw namin umakyat sa 2nd floor dahil masyadong maalikabok. Sa sobrang tagal ng nabakante ay mapagkakamalan na itong pinamumugaran ng mga multo, ganunpaman hindi nanaig sa amin yung takot dahil mas excited pa kami na maging tambayan at maghanap na kania kaniang pwesto para sa paglalagyan ng mga gamit namin. Ang bibigat kasi ng mga libro namin noon, kaya pagkatapos namin mananghalian bago pumasok dito namin nilalagay ang mga pang umaga naming libro at notebook, at pinapalit ang pang hapon na gamit.

   Ilan lang naman kaming nakikilagay ng gamit doon dahil yung iba uwian dahil malapit lang naman ang bahay nila, pero mas marami kaming malalayo ang bahay kung kayat pumayag si kuya na doon muna namin ilagay ang mga libro namin. Isa lang ang iniiwasan ko sa bahay na yun , yung cr, unang pasok ko palang iba na pakiramdam ko s cr ng bahay na yun pero hinayaan ko nalang dahil ayukong takutin ang sarili ko.

    Dalawa sa mga kaibigan ko ang kaklase ko nung 4th year, ang iba ay nasa ibang section kaya pag uwian sa hapon di na kami naghihintayan sa school, sa mismong bahay nila albert kami nagkikita at naguusap ng kaunti bago kami magsiuwian sa kanya kanya naming bahay. Nabuo kaming mgakakaibigan noong 2nd year high school. 1st year palang kaklase ko na sila jerik at rommel, at silang dalawa lang ang kakilala ko na naging kaklase ko noong 2nd year, nadagdagan sa mga naging matalik kong kaibigan nung 2nd year sila albert, kyle, pearl, mari, sarah,maria, josh, sam, jas, win, astrid, jil, rald, ryan at erwin. Nagsimula kami naging close nung nagkaroon kami ng dance number para sa Christmas party namin.

   Naging masaya at magandang alala  nung 2nd year high school ko. Dahil dito ko na nakilala ang mga taong sa tingin ko ay pang matagalan ko ng makakaramay kahit na matapos kami sa pagaaral. Ang ilan sa kanila ay hindi na masyado sumasama sa amin nung nag 3rd year na kami, pero sa panahon ding yon namin nakilala sila jane, alexis, chris ,che at jin. Sa panahong ito mas naging masaya dahil sila jin at jane ay makwela hindi sila asar talo kaya pag dating sa biruan ay maasahan sila, si chris naman ay isa sa naging matalik kong kaibigan, na kahit nagkaron kami ng pagkakagulo noon ay hindi parin kami nagpadala sa galit , si chris ang kaibigang masasabi kong halos kapantay ko sa malalimang paguusap , kung tutuusin mas magaling pa siya sakin magpayo kapag buhay pagibig na ang pinaguusapan kaya mas mabilis kami nagkasundo dahil halos pareho ang mga hilig namin , yun nga lang nkakaantok lang siya sa kwentuhan , mabagal kasi magsalita. Todo paliwanag ba kaya sa kaniya palang ubos na ang oras. Pangalawa ni albert sa pinaka matalik kong kaibigan , dahil siya lang naman ang kakambal ko pagdating sa kalokohan, magaling siya magpatawa kahit ang tawa niya nakakatawa na , sila kyle, rommel , sam, ryan at jerik ay mga mtatalik ko ring kaibigan, kaya pag pinagsama sama kami mas lalong makulit ang barkada, at madalas sa galaan at pagtambay.

The last time I saw themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon