Part II: Titig

513 15 2
                                    

Lumipas ang ilang minuto bago paman sagutin ni kuya ang mga naging katanungan ko. Naisip ko dahil sa sunud sunud ang mga tanung ko kaya hindi niya alam kung papaano niya ito sasagutin o kaya naman ay dahil sa isip nya ay kung ano ano lang ang pinagsasabi ko, hindi ko malaman kung ano ba talga ang nasa isip niya at bakit ngiti lang ang isinagot niya sa akin sa mga katanungan ko..

"Sa tagal na namin nakatira dito hindi pa man ipinapanganak si albert, may mga naging karanasan narin ako dito tulad ng mga itinanung mo" sagot ni kuya na tila handa na makwento, kinutuban na ako na dahil sa sagot niya ay mapapatunayan kong totoo pala talga ang nakita nila kyle at ng mga babaeng kaibigan namin.

"Talaga po palang totoo ang nakita nila? Sino po yung nakita nilang lalaki? Ano po bang motibo nya?

Ulit kong pagtatanong.

"Alam mo iho, wala naman kayo dapat ikabahala dahil hindi naman siya masamang ispirito, sa tagal na namin dito wala pa namang masamang Nangyayari sa amin dito, hindi lang ang lalaking yun ang nagpaparamdam dito, noon naisipan kong magwalis sa labas, madaling araw non dahil nakaugalian ko nang maglinis sa labas ng bahay, sa may terrace kung mapapasin mo doon ko nakita ang mga maliliit na tao, puting dwende sila naglalaro sila doon pero hinayaan ko nalang, dahil hindi naman nila kami ginagambala, at sa likod ng bahay kung nasaan ang tangke ng tubig, dun ko nakitang nakatayo ang kapre, alam nilang nakikita ko sila pero hindi naman sila gumagawa ng ikapapahamak namin, itinuring na namin silang swerte sa bahay na ito at sila rin ang tinuturing namin bantay dito.

Sa mga sinabi ni kuya, bigla ako nakaramdam ng magkahalong takot at tuwa, tuwa dahil hindi pa sila nagpapakita sa amin at maganda ang intensyon nila sa bahay nila albert, takot dahil baka isang araw ay mabulabog namin sila at gantihan kami, kaya sa sinabi ni kuyang yon, at maiiwasan namin ang mga bahay na kinaroroonan ng mga engkantong nakapalibot sa bahay nila.

Sa paguusap namin ni kuya ay d ko na namalayan ang oras, gumagabi na pala, pero wala pa naman sa mga kaibigan kong nag aaya na umuwi, kung kayat pinagpatuloy ko ang pagbusisi sa mga katanungan na naipon sa isip ko, mas lalo akong nagkainteres na malaman sa toong nangyari noon bago pa man itinayo ang bahay nilang yon, sa pagkakataong iyon hindi pa sinasagot ni kuya ang tungkol sa lalaki , hinintay ko nalang na banggitin niya at hinayaang magkwento pa sa mga naging karanasan nila sa sarili nilang tahanan, nahiya na kasi akong ulitin ang tanung ko at baka makulitan na siya. Sa lakas ng pagtatawanan nila albert, kyle at erwin ay agad namin ito napansin ni kuya dahil malapit lang ang kwarto ni albert sa kinauupuan namin ni kuya, malapit na pinto s ikalawang palapag ng bahay nila ang kinauupuan namin ni kuya, mula sa pinto ay makikita sa labas ang gate nila. Mula sa kinauupuan ko nakikita ko sa labas ang puno ng kamyas at hindi maiwasang isipin na dun nakatira ang mga dwendeng sinasabi ni kuya na naglalaro sa sa terrace nila, iniisip ko kung ako ang nakakita sa mga dwende, at kung nagkaton eh baka nagtatakbo na ko palabas. Mayat maya itinuloy ni kuya ang pagkukwento at tungkol naman ito sa naging karanasan ng kaibigan niya ng makitulog ito sa kanila.

"Naalala ko noon nung hindi pa ipinapanganak si albert, isang kaibigan ko ang nakitulog dito sa bahay, galing siyang maynila at nagtungo dito sa olongapo para asikasuhin ang lupa nila dito, sa kwarto nila albert natulog ang kumpare kong yon, sinamahan ko siya doon para makapagkwentuhan kami sa tagal narin naming hindi nagkikita, nung natutulog na kami nanaginip ako , nung una akala ko hindi iyon panaginip dahil nakikita mismo ng dalawang mata ko na may mga dimonyong humihila sa kanya sa kinahihigaan niya, hindi ko alam ang gagawin ko noon, dahil ilan sa mga dimonyo ay nakatingin sa akin ng masama, nakakatakot ang itsura nila,, matutulis ang tenga at nagtatalimang sungay, at ang buntot nila ay sobrang haba,, mapupula ang mga mata nila at sa sobrang higpit ng hawak nila sa kamay at paa ng kaibigan ko halos bumaon na yung mga kuko nila sa balat ng kaibigan ko. Nung halos mahila na nila pailalim yung kaibigan ko ay bigla akong napabangon dun ko napatunayan na panagip lang yun, masamang panaginip, pero nung oras ding yon laking gulat ko ng makita ko ang kaibigan ko na naghihingalo sa kinahihigaan niya, alam kong binabangungot siya, at naisip ko bigla ang napanaginipan ko , naisip ko na hindi lang yun basta basta panaginip, kaya agad kong ginising ang kaibigan ko, ilang minuto rin bago ko siya nagising, kung hindi siya magigising bka naisama na siya ng mga dimonyong humihila sa kaluluwa niya. Kinabukasan paalis na ang kaibigan ko at tila parang walang nangyari, bago pa man siya magpaalam, naisip ko na pigilan siya at ipagpabukas nalang ang pag alis niya iba talga ang kutob ko nun, napapayag ko siya matapos ko ikwento ang mga nangyari sa kaniya nun. Hapon ng may tumawag kaibigan namin ng aunti mo (mama ni albert) binalita sa amin ang aksidenteng nangyari sa jeep papuntang baretto, nalaglag daw sa bangin at walang buhay ang natira sa grabe ang nangyari sa mga pasahero nun, halos maputol na ang katawan ng isang babae dahil sa pagkakaipit nito, may mga bata ding nasawi sa insidente. Tinanung ko ang kaibigan ko kung saan ba dapat ang punta nya nung umaga , ang sabi niya ay sa barreto. Bigla akong kinabahan nung araw na yun dahil kung hindi ko pa siya pinigilang umalis nun ay isa siya sa mga namatay sa aksidenteng yon. Ilang araw din akong nagiisip tungkol sa pangyayari nun ng dahil sa panaginip ko nakita ko na may mangyayaring masama sa kaibigan kong yon. Matapos nun ay hindi na muli naulit ang nagyari sa kaniya. nagpapasalamat ako sa panginoon ng araw na iyon na ipinakita niya sa akin ang paghila sa kaniya ng mga dimonyo dahil kung hindi ay hindi ko mababalaan ang kaibigan ko na makaiwas sa kapahamakan." Pagputol ng pagkukwento ni kuya.

Muli nanaman akong kinalibutan sa mga kinuwento ni kuya, napaisip ako na posible pala na mangyari yun, mga pahiwatig na makikita sa pamamagitan ng panaginip ang mga maaring mangyaring masama sa isang tao. At bigla ko naalala ang tungkol sa nakita ng mga kaibigan ko, hindi man ito panaginip pero naisip ko hindi kaya may pahiwatig yung lalaking nkaputi kung kayat ilan sa mga kaibigan ko ay pinagpapakitaan niya, lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isip ko.

Mula sa ibaba narinig ko na tinatawag ako nila chris, hindi pa man naikukwento ni kuya ang tungkol sa nakita nila kyle at pearl, ay agad akong nagpaalam kay kuya na babain muna saglit sila chris, natapos na ata sila sa pag gawa ng intro ng proyekto namin.

"Oh, bakit?" Tanung ko sa knila.

"Anong bakit?? Di paba tayo uuwi? 8pm na eh." Sabi ni pearl

"Ahh.. Ehh.. O sige tapos naba kayo sa ginagawa niyo?" Tanung ko sa kanila na kahit na ayuko pang umuwi dahil hindi pa naikukwento ni kuya ang tungkol sa lalaking nakaputi.

"Oo yung intro lang, sa susunud na araw nalang namin itutuloy matagal pa naman pasahan nito eh. Ano sasabay kaba?" Sabi nila ni chris at pearl.

"Ah ganun ba, oo sasabay ako sa inyo sandali lang sabihan ko muna sila at kyle at erwin sa taas kung sasabay sila." Sabi ko.

Agad akong umakyat at pinuntahan sila kyle ,albert at erwin.

"Oy, uwi na kami, sasabay nba kayo?" Tanung ko kila kyle at erwin.

"Sige mauna na kayo, mamaya na kami parehas naman na jeep ung sasakyan namin eh, ingat nalang." Sabi ni kyle na halatang enjoy na enjoy pa sa panonood nila sa computer."

"Ah sige pala ingat nalang din." Sabi ko.

Matapos kong magpaalam sa kanila ay , nagpaalam na rin ako kay kuya at nagpasalamat sa mga napagkwentuhan namin kahit na hindi pa niya nakukwento ang tungkol sa lalaking nakaputi, naisip ko na marami pa namang araw para makakwentuhan ko ulit si kuya. Agad na rin akong bumaba at sumabay si albert para ihatid kami sa gate.

"Sige pala pre alis na kami, txtxt nalang kung san ang tambay bukas." Sabi ko.

"Sige albert, salamat." Sabi nila chris,jin,pearl,jane.

"Ok sige ingat nalang kayo,txtxt nalang bukas." Sabi namn ni albert.

Hindi pa man kami nakakalayo mula sa gate agad akong tumingin sa itaas ng bahay nila at sa may pintuan ay nakita kong nakatayo si erwin.

"Oy pre! Bukas ha! Bwala umabsent !! Una kami umuwi!!" Pasigaw kong sinabi para marinig ni erwin, alam kong si erwin yun kahit di ko maaninag ang mukha niya agad lumingon din sila pearl dahil sa pagkakasigaw ko.

"Ayus ha, walang narinig yun? Lakas na ng sigaw ko ha , tinitigan lang tayo" agad kong sinabi kila pearl.

"Ha?? Eh wala naman tao dun ah sino sinisigawan mo dyan??" Sabi ni pearl.

"E di si erwin nakatayo siya sa pintuan" sabi ko. Agad akong lumingon ulit pero wala ng nakatayo sa may harap ng pintuan, nakakasiguro akong si erwin yun pero pinagtataka ko hindi man lang nag salita ako kumaway, nakatitig lang siya sa akin habang sumisigaw ako sa kaniya. Hiniram ko si ang cellphone no pearl para tawagan si erwin at masigurong siya ang nakita ko.

Ringgg!! Ringgg!! Ring!!

"Oy! Erwin, di mo ba narinig yung sinigaw ko sayu knina nung nasa pintuan ka nila albert?" Agad kong sinabi.

"Ha??? Sumigaw kaba? Wala kami naririnig at wala ako sa may pintuan ,, dito lang kami ni kyle sa kwarto ni albert, ano ba sinasabi mo?? Pagtatakang sinabi ni erwin.

Bigla akong kinalibutan ng sinabi ni erwin na hindi siya tumayo sa pintuan. Natakot ako nung araw na yun dahil ayukong isipin na yung nakatitig sa akin ay yung lalaking nakita nila kyle at pearl, hindi ko alam ang gagawin ko nuon agad nalang akong napa sign of the cross, tinatanung ako nila pearl kung ai erwin nga ba ang nakita ko, nung sinabi ko sa kanila bigla silang kinabahan, nagmadali nalang kami sa paglalakad para makasakay, lahat kami ay kinabahan at nagtataka. Lalo akong hindi mapakali sa kagustuhan kong malaman ang bumabalot na nangyari sa lalaking nakaputi, anong motibo bakit siya nagpapakita? Ano ba ang totoong nangyari sa kanya noong nabubuhay pa siya???

Itutuloy.....

Hanggang dito muna medyo antok na eh tsaka na muna ang part 3 kapag nka 10votes na :)) sana naenjoy nio basahin kahit d kayu natatakot basta naenjoy nio lng ok na skin un :))

Pa follow naman sa mga nagaabang ng kwento ko. Pashare nalang din ng story at pavote :)))

Kyle at Albert!!!! Ifollow nio ko!!! Tropa naman eh >.< Hoho

The last time I saw themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon