CHAPTER 1

44 3 0
                                    

Tiningnan ko ang bahay namin. Ito na pala ang huling beses kong makikita tong bahay namin. Hinawakan ko na maleta ko at umalis. Di narin naman siguro ako mahihirapan doon dahil may bahay daw doon ang mama ko na pwede kong tirhan. Alam ko narin ang mga daan doon dahil naturo na ni auntie sakin lahat.

******

Nandito na ako sa pintuan papunta sa lugar kung saan ako nararapat. Sa tapat ng isang puno sa gitna ng kagubatan. Hindi ito basta basta nakikita ng mga normal na tao. Isa lang itong simpleng puno pero pag ikaw ay isang hindi normal na tao tulad ko makikita mo ang isang maliit na hugis kamay sa may bandang ugat.

Hindi naman ako naligaw dahil alam na alam ko ang daan papunta dito dahil nakapunta na kami ni auntie dito.

Hinawakan ko na ang hugis kamay. Umilaw ito ng sobrang nakakasilaw. Unti unti ko nang naramdaman ang pagkain sakin ng liwanag. Nakaramdam ako na parang lumulutang ako.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko dahil alam kong nandito na ako.

Napakaganda dito. Napapali utan ng napakaraming di pangkaraniwang bulaklak na di nakikita sa mundo ng mga mortal.

Marami ring mga mamamayan dito. Puro sila masasaya at pawang walang iniindang problema. Masayang naglalaro ang mga bata gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Ang iba naman ay nag iinvisible at ang iba ay nagpapalutang ng mga gamit.

Hindi din pera ang gamit nila dito kundi preons. Yan ang tawag sa pambayad nila dito. Meron daw nakatago doon sa bahay at hahanapin ko nalang. Hindi naman siguro ako mamimulubi nito dahil mura naman ang pabenta dito. Kasi ang 5 preons ang katumbas sa mortal ay 15 000.

Agad akong pumunta don sa bahay na titirhan ko. Pagkadating ko ay agad kong inilagay sa tabi ang gamit ko. Maganda yung bahay. Simple pero elegante. May dalawang kwarto sa loob. Blue at white ang color at kahit napakatagal na walang nakatira dito ay napakalinis at wala kang makikitang alikabok.

Hinanap ko na agad ang preons atsaka nag bihis dahil pupunta akong blue market para bumili ng mga kakailanganin ko.




Pagkadating ko sa blue market ay dumiretso na ako agad sa may food section. Pagkatapos kong bumili ng mga pagkain ay agad na akong umuwi.


Gabi na nang makarating ako sa bahay dahil naisipan kong dun nalang kumain dahil pagod na akong magluto.

Habang nakahiga ako ay di ko maiwasang di maisip na nandito na ako.

Dito sa mundong to.

Sa mundo kung saan ako nararapat.

Sa mundo kung saan tinatawag nilang......

ELEMENTAL LAND..........

ELEMENTAL LANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon