CHAPTER 4

45 1 0
                                    

*Chleah's pov*
    Gusto ko talagang maging kaibigan si Chylla. Kahit na tahimik lang sya lagi, alam kong mabait sya.

Pagpasok nya pa lang sa classroom namin, inobserbahan ko kaagad sya, at nung sinabi nyang thunder lightning ang kapangyarihan nya ay di ako naniwala kasi pakiramdam ko malakas sya, kasi maliban sa kapangyarihan ko malakas din ang pakiramdam ko.
At mas gusto ko pang maging kaibigan si chylla kesa sa iba naming kaklase, akala mo talaga kung sisinong malalakas.

Kahit di man sabihin ni Chylla kung saan sya galing, alam kong galing sya sa mundo ng mga tao pero bilib ako sa kanya kasi ang bilis nyang maging komportable. Ako kasi, galing din ako sa mundo ng mga tao pero ang tagal kong naging komportable dito.

Gusto kong maging kaibigan si Chylla hindi lang dahil sa pakiramdam koy malakas sya kundi dahil alam kong mabait sya di tulad ng mga iba kong kaklase, na porket nasa section blumenta nagyayabang na at pati ibang nag aaral dito takot na sa section blumenta kaya hindi nila kami pinapansin.


*Chylla*
     Maaga akong gumising dahil bago ako papasok ay may pupuntahan muna ako.

Pagkatapos kong maghanda at maligo ay agad akong nag bihis ng uniporme at umalis ng bahay.

Bago ako dumiretso sa paaralan ay dumaan muna ako sa blue market, may kailangan kasi akong bilhin eh.

Pagdating ko sa blue market ay dumiretso ako sa may pabentahan ng aklat, ng mahanap ko na ay agad ko nang binayaran at saka umalis at dumiretso na nang paaralan.

Ewan ko ba sa ibang estudyante dito. Naglalakad lang naman ako tapos kung makatingin parang kakainin ko sila.

Ewan ko ba bat takot na takot sila sa section blumenta eh para lang din namang mga normal na estudyante ang mga nasa section nayun, ang pinag kaiba lang naman eh yung uniporme at yung doon nga lang nakalagay yung may mga kapangyarihan na napakaimportante sa labanan. Lahat naman ng kapangyarihan importante yung sa blumenta nga lang ay yung pimaka may pakinabang.

Medyo maaga pa naman kaya napag isipan kong libutin muna tung school nato para maging pamilyar sakin. Alam kong malaki tong school na to kaya yung malalapit nalang muna yung pupuntahan ko at sa susunod nalang ang iba.

Masyado ata akong nalibang sa paglalakad, maaga pa naman kaya okay lang may dalawang oras pa ako

Habang naglalakad ako, tinitingnan ko lahat ng madadaanan ko.

Ang ganda talaga dito.

Di ko namalayan na napadpad ako sa isang garden.

Ang ganda. Maraming paroparo, may maliliit na fairies pero di naman nananakit, may mga magagandang bulaklak at maraming puno na pwedeng pagpapahingahan.

Umupo ako sa may lilim ng puno at pinagmasdan ang garden. Ang ganda talaga.

Habang pinagmamasdan ko yung garden, may bigla nalang nahulog na libro sakin.

Teka? Libro? San to galing?

Luminga-linga ako baka binato na pala ako o kaya'y may may-ari itong librong to.

Napatingin ako sa taas ng punong pinagtambayan ko at may nakita akong tao doon.

Natutulog siguro pero di ko maaninag kung sino pero alam kong kaklase ko to dahil sa uiform nya.

Umakyat ako sa puno at itinabi ko sa kanya ang libro dahil alam kong sakanya yun, baka nahulog nya habang natutulog.

Tiningnan ko kung sino sya at kaklase ko nga at sya yung pinakatatakutan ng mga estudyante dito.

Gian siguro ang pangalan nito nalalimutan ko kasi, si Chleah palang kasi ang kilala ko dito.

Bakit kaya sya kinatatakutan dito eh para naman syang mabait eh. Siguro may pinagdaanan sya kaya sya kinatatakutan.

Malakas ang pakiramdam ko pero di ko ginagamit ang kapangyarihang yun pag di kailangan.

Nang matapos kong malagay ang libro ay bababa na sana ako nang ,ay humablot sa kamay ko.

"anong ginagawa mo dito"

"wala, nahulog mo kasi yung libro kaya binalik ko"

Hindi na sya nagsalita kaya nagsimula na akong bumaba sa puno. Nang makababa na ako ay agad din akong umalis dahil baka maabutan ako ng oras, malayo layo pa naman to sa room namin.



Pagdating ko sa room namin ay si Chleah na agad sumalubong sakin.

Sa tingin ko makulit tong si chleah, lagi kasing nakasunod sakin. Okay lang naman sakin basta wag nya lang akong tatraydorin once na pinagkatiwalaan ko na sya.

"hello Chylla, bakit ngayon kalang, kanina pa kita hinahanap eh"

"kanina pa ako nandito sa school Chleah, naglibot libot lang ako, napaaga kasi ang punta ko"

"san ka naman nagpunta?"chleah

"ah dyan dyan lang sa malapit, masyado kasing malaki ang paaralang to para libutin ng dalawang oras"

"teka, wag mo sabihing naka abot ka sa Kriyara's garden?"chleah

"huh?san naman yun?"ako.

"yung garden malapit dito, yung sobrang ganda, yun yung kriyara's garden"chleah

"oo nakapunta ako doon, bakit naman?"

"naku lagot alam mo bang bawal pumunta don? Dun kasi yung tambayan ni Gian kaya walang naglakas loob na pumunta doon, buti nga buhay kapa. Ayaw kasi non na ,ay pumupunta sa teritoryo nya"chleah

"nakita ko nga sya dun pero wala naman syang ginawa sakin eh"

"imposible yun, lahat kasi nang pumapasok dun may parusa sa kanya, kaya napakaimposible talaga. Sige ganito nalang, yung nangyari sayo wag mong ipagsabi kahit kanino lalong lalo na kay Thalia baka mainggit yun sayo tapos papahirapan ka pa"chleah

"ganun ba? Sige pupunta na ako sa upuan ko ha?"

"sige chylla"


Chleah's pov

      Napakaimposible talaga yung nangyari kay Chylla dahil kahit sino ay walang naglakas loob na pumunta o pumasok dun. Kahit nga mga nakakataas dito ayaw pumasok dun.

Isa lang ang ibig sabihin nun,

Isa lang ang ibig sabihin kung bakit nakapasok si Chylla doon

Isa lang.............

ELEMENTAL LANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon