Nagising ako sa tunog na para bang may nahulog. Tiningnan ko kung ano yun at yun pala yung binigay ni auntie sa akin.
Isa itong anklet na may pinagsamang royal blue at gold na kulay. Sinuot ko na ito at tumayo na para maghanda.
Pupunta ako ngayon sa paaralan nila dito. Mg e-enroll ako. Kasi kahit na dito na ako nakatira kailangan ko parin mag aral. Kapareha lang din naman dito at sa mortal, may mga subjects din ang pinag kaiba lang ay pinag aaralan nila kung paano nila makokontrol at magamit ng maayos ang mga kapangyarihan nila.
Simpleng damit lang yung sinuot ko, di pa naman ako papasok ngayon, bukas pa. Pagkatapos kong maghanda, ay agad na akong umalis at pumunta sa paaralan.
Napakaganda ng paaralan nila. Gate palang masasabi mo na agad na maganda talaga ang school na to.
Pumasok na ako, di naman uso ang guard dito. Meron lang silang parang scanner na nagsasabi kung taga dito kaba o espiya ng purple land.
Namangha talaga ako sa pagpasok ko. Kung ano ang ikinaganda ng gate, parang dalawampung beses naman ang iginanda ng loob.
Sa pinkagitna talaga ng school ay may napakalaking fountain na may statue ng isang babae, ewan ko kung sino yun pero parang napakahiwaga nia at parang may nakatagong kapangyarihan, ah ewan ko.
Maraming nag aaral dito at para lang ding sa mundo ng mga tao, may mga nagpapaganda para mapansin ng crush nila, may bullies, pero mas kawawa dito kasi may kapangyarihan sila, may mga fangirls o fanboys, mga queen bees, hearththrobs, at marami pang iba, syempre di mawawala ang mga mababait at walang pakialam sa mundo.
May nakita akong babae na mukha namang mabait, pero ewan ko kung mabait ba talaga, ika nga 'don't judge the book by its cover'
Kinulbit ko sia at tinanong kung nasan ang office nang nkakataas nila dito at tinuro naman nia.
Nang makarating ako dun ay agad kong tinanong yung babae dun kung nasaan ang headmaster nila dito, kaya sinamahan nya ako papunta doon. Namangha ako sa office ng headmaster. Grabe ang ganda at ang laki.
"magandang umaga po sa inyo, mag e-enroll po sana ako,"
"magandang umaga rin iha, sandali lng at kukunin ko ang mga kakailanganin mo"Nagpaalam sya sandali at pumunta sa kabinet nya na puro papel.
"heto iha,ifill up mo lang to, at pagkatapos mo ay ibigay mosakin para maibigay ko na ang mga kakailanganin mo. Saka ko nlang din ibibigay ang magiging uniform mo at mga gamit at schedules mo, sige na tapusin mo muna iyan"
Sa una, di na ako nahirapan sa mga isusulat ko, pero habang tumatagal, paranang nag-aalangan akong sagutan.
Ang mga tanong kasi ay gaya ng,
●how many powers you have
....o dikayay
●what do you think is your importance, in this land
...atsaka
●do you think that your powers can help to destroy purple land?Hindi naman sa hindi ko alam ang sagot, ang sa akin lang ay masyado pang maaga na malaman nila na ako ang natatanging makakapagpabagsak sa purple land, kaya iba nalang ang sinagot ko, at hindi ko sinulat ang totoo.
Pagkatapos ko ay agad kong ibinigay sa headmaster ang finill-upan ko.
Tinignan nya ito saglit at para bang nahalata nyang di totoo yung iba kong sinulat doon pero di nalang nya pinansin at saka nia tinawag ang babae kanina, secretary siguro nya.
"Lea, pakikuha ng mga magagamit nya"utos nya dun sa babae
Maya maya lang dumating na yung tinawag nyang Lea
Binigay nya sakin yung paper bag at at envelop."maari kanang pumasok bukas iha, at nandyan na lahat ng kakailanganin mo , pwede kanang umuwi at magpahinga"-HM
******
kinaumagahan,.......Maaga akong gumising dahil papasok na ako ngayon. Pagkatapos kong maihanda lahat ng gamit ko ay agad na akong pumasok sa banyo saka naligo.
Pagkatapos kong maligo, kinuha ko na agad ang uniform ko.
Simple lang sia pero elegante, checkered na red at black na blazer, tapos white na polo with checkered na black and red na necktie, at palda, checkered parin. Above the knee sia na kailangan paresan ng kneesock para bumagay at black shoes.Pagkatapos ko, ay agad na akong umalis at pumunta na ng paaralan. Kahit na nakapunta na ako dito, namamangha parin ako. Di ko lang maisip na ano kaya ang mangyayari kapag dumating na ang araw na kailangan nang maglaban ng mga blue magic users at purple magic users. Ay oo nga pala, ang mga nakatira dito sa elemental land ay tinatawag na blue magic users na ang mga kapangyarihan ay para sa kabutihan. Samantalang sa purple land naman, ay tinatawag paring purple magic users dahil ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa kasamaan at laging may lason ang mga kapangyarihan nila. Kung bakit ko alam ang lahat ng yan? Nakwento na ni auntie.
Pinalaki nya akong handa. Lahat ng detalye dito maging sa mga kalaban ay sinasabi nya. Dahil hinding-hindi ko daw matatakasan ang nakatakda.Nang makarating na ako ay tinignan ko kaagad ang section ko na nakalagay sa scheduke ko.
Nagtanong-tanong ako sa iba kung asan ang section ko, di naman ako nahirapan dahil mababait yung mga napagtanungan at sinamahan pa nila ako. Nagulat pa nga sila ng sabihin ko ang section ko. Ewan ko ba dun at bakas talaga sa mukha nya ng sabihin kong blumenta ang section ko. Nang malapit na kami ay sabi niya na diretsuhin ko nalang daw yung daan at makikita ko daw yung kulay asul na pinto kasi may klase din daw sya at kailangan na daw nyang magmadali.
Nang makita ko nayung pinto ay napatigil ako sandali.
Mukhang kailangan ko na talagang gawin to at kung ano man ang mga sasabihin o mga katanungan nila ay sana makakaya ko.Kumatok naako at maya-maya lang ay bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang babae. Ito siguro yung guro namin. May katandaan na sia at mukhang istrikto pero okay lang naman kasi maiintindihan nya naman, transferee kasi ako.
"ikaw ba yung transferee?"maam.
"opo, ito po ba yung section blumenta?"ako.
"eto nga, ako nga pala si Celia Koruma ang iyong magiging adviser sa taong to. Pumasok ka at pwede kanang magpakilala"maamPagpasok ko, tahimik lang yung mga magiging kaklase ko at naghihintay sa sasabihin ko.
"
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL LAND
FantasyLugar kung saan ligtas ako...... Lugar kung saan nababagay ako.......... Lugar kung saan nararapat ako...... Lugar kung saan kailangan ako... "LUGAR KUNG SAAN ILILIGTAS KO LAHAT NANG MAYROON ITO"