********
"sige na iha, maari kanang mag pakilala"maam. tumango lang ako sa kanya at pumunta na sa harapan."magandang umaga sa inyung lahat, ako nga pala si......."
*knock*
*knock"Npatigil ako, may bigla nalang kasing kumatok.
Binuksan ni maam ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Mukha namang matitino. Yung nauuna sa kanila, may asul na buhok. Yung isa naman pula yung buhok, at yung huli naman ay brown. Aba iba iba kulay ng buhok nila ah, pwede pala yun dito?
"maam pasensya na po kung nahuli kami, inutusan pa po kasi kami sa office"yung kulay asul ang buhok
"sige umupo na kayo, magpatuloy kana iha"maam
"ah, ako nga po pala si Chylla Caelestine, 16 years old"
Sana lang talaga di nila mapansin apilyedo ko.
"alam mo parang pamilyar yung apilyedo mo, parang narinig ko na o kaya nabasa pero di ko matandaan kung saan at kailan?"Sana nga di na nila matandaan dahil hindi pa ito ang tamang oras.
"ipakita mo nga kapangyarihan mo at patunayan mo kung nararapat ka nga sa seksyon na ito"sabi nung parang maarteng babae.
Ito na nga ba yung sinasabi ko.Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo, kailangan isa lang.
"ahhmm, Thunder lightning?"
"di ka sigurado sa kapangyarihan mo?"
"uhmm sigurado"
"sge nga kung nagsasabi ka ng totoo, ipakita mo"
Wala na akong magagawa, nandito na eh.
Itinaas ko ang kamay ko at kumumpas.
Agad ko itong ipinatama sa poste na may medyo kalayuan para walang masaktan."ganun na yun? Alam mo bang malalakas at pili lang ang nakakapasok sa silid na to?"yung babae kanina
Dahil sa sinabi ng babae, napatingin ako sa mga kaklase ko, konti nga lang kami, pero nung pumasok ako madmi dami kami. Meron siguro dito na may kapangyarihang kayang gumawa ng ilusyon. Kaya siguro kanina akala ko madami kami, yun pala konti lang.
"ah, ito kasi yung section na nakalagay sa schedule ko"ako.
"sige na tama na yan, maari kanang umupo ms. Caelestine"maam
Naghanap na ako ng pwedeng maupuan na medyo malayo sa kanila, ayoko kasi ng napapansin, kahit sa paaralan ko dati medyo malayo ako sa mga kaklase.
May nakita ako dun sa pinakalikod kaya doon nalang ako umupo.Nagsimula nang magturo ang guronamin,at matapos siguro ng dalawang oras ay tumunog na yung bell kaya nagsitayuan na agad ang mga kaklase ko. Tumayo narin ako at umalis na para makakain.
Habang papunta ako sa canteen ay may kumublit sa akin. Pagtingin ko isang babae na medyo maliit lang ng konti sa akin. Maputi at mesyo kulot yung buhok nya, maganda din sya.
"ahmm miss-"
"Chylla nalang, diba kaklase kita?"ako.
"ah oo, ahmm pwedeng sumabay sayo?"sya.
"sige, bakit wala ka bang kasama?"ako.
"ayaw kong sumama sa iba nating kaklase, ang yayabang kasi, kaya ayaw ko sa section na yun eh"
"teka lang, eh ano ba yung pangalan at power mo?"ako.
"ay oo nga pala, ako pala si Chleah Fleist at invisibility at telekineses ang power ko."chleah
"tara na baka maubusan tayo ng upuan dun"ako.
"wag kang mag alala may sariling mga upuan ang section blumenta, kaya ayaw ko sa section natin kasi minsan special treatment. At dahil dun, iniiwasan ng mga ibang eatudyante dito yung section natin"chleah
"kaya pala"pabulong kong sabi
"anong sinasabi mo?"chleah
"ah wala, kanina kasi nung nagpaturo ako dun sa isang babae kung nasaan ang section blumenta eh parang umiiwas sia pero sinamahan nya parin ako pero nung malapit na ay agad din syang nagpaalam na aalis"ako"sige mamaya na tayo mag chismisan, bumili na muna tayo gutom na gutom na kasi ako"chleah
"hala sige"
Pagkatapos naming bumili ay naghanap na kami nang mauupuan pero nabibilang parin sa blumenta.
Hbang kumakain kami ni chlea ay may boglang pumasok kaya ang nangyari sa canteen, soobbrraang tahimik.
Tinawag ko naman si Chleah
"psst chleah, bakit biglang tumahimik?""ah kasi, yang tatlong yan, ang pinakamalakas dito sa school, maraming humahanga sa kanila dahil may itsura rin sila. Pero kung bakit sila tahimik ay dahil natatakot sila dahil kapag magalit sila o kaya naman ay mainis ay minsan ginagamit nila yung kapangyarihan nila, at may nangyari na kasi ditong may isang nasunog na estudyante dahil sya ang napagbuntungan ni Gian o Gian Froster yung pula ang buhok, apoy kasi yung buhok nya at sya ang tumatayong leader sa kanila. Pero kinalimutan na nang lahat ang nangyaring iyon dahil may parusa kung sinumang pag uusapan ang tungkol dito. Yung asul ang buhok, sya naman si Drake Blue, at tubig naman ang kapangyarihan nya, at yung brown ang buhok ay si Keith Drage, lupa naman yung kapangyarihan nya."chleah
Natawa naman ako sa sagot nya
"oh bat ka tumatawa? May nasabi ba akong mali?"chleah
"wala! Ang dami mo kasing sinabi,ang itinanong ko lang naman ay kung bakit tumahimik"ako.
"eh, okay lang may nalaman ka naman hahaha"
Bumalik na din sa dati canteen, at kumain na din yung tatlo.
Pagkatapos naming kumain ni chleah ay bumalik na kami sa section namin. Ganito kasi yung schedule namin,
Monday,Tuesday, Wednesday
8:00-10:00- English
10:00-11:00-break
11:00-1:00-mathematics
1:00-3:00-history
-time to go homeThursday, Friday
9:00-10:00-physical education
10:00-12:00-break
1:00-3:00-historySaturday
8:00-11:00-training
11:00-1:00-break
1:00-4:00-by pair trainingYan yung schedule namin,bale 1week yung history namin, hindi basta basta ang tinuturo dito, halimbawa, english, hindi lang basta english kagaya ng sa mortal, ang tinuturo dito ay kung paano mo matatransfer sa english lahat ng anumang lengwahe ang meron sa elemental land kasali na ang mga lengwahe noong unang panahon mula pa sa mga ninuno namin,sa mathematics naman ay hindi basta basta solve solve lang, kakaiba kasi ang mga signs dito, di uso mga negative at positive signs dito. Yung history naman ay ang tungkol sa elemental land, kung paano ito nagsimula at iba pa. At ang training naman ay ang pagsasanay para maayos ang paggamit mo nito.
Nang makarating na kami sa classroom namin ay nag hiwalay na kami ni chleah dahil sa kabilang dulo naman sya nakaupo.
Maya maya, dumating na din yung iba pa naming kaklase. Habang naghihintay ng guro namin ay inobserbahan ko nalang ang mga kaklase ko.
Ewan ko ba kung akin lang ba to o ano, pero pakiramdam ko parang may kailangan akong , malaman tungkol dito sa section nato. Hindi ako magtatanong, gusto ko kung ano man yun ay ako ang tutuklas.
Hindi din nagtagal ay dumating na din yung guro namin sa math. Habang nagtuturo sya ay nag cocope up pa ako, di ko pa kasi na encounter ang mga ganitong klase na math eh.
Pagkatapos ng math namin ay umuwi na kami dahil wala daw yung guro namin sa history.
Haayyy isang araw nanaman ang lumipas. Kailangan ko na talagang masanay mamuhay ng mag isa at magpalakas dahil wala nang gagabay sakin maliban nalang kung magkakaroon ako dito ng mg kaibigan.
Kahit si Chleah ay di ko pa masyadong pinagkakatiwalaan dahil baka isa syang kalaban o ano. Hindi sa pinag sususpityahan ko sya, ang akin lang ay kailangan ko muna alamin kung totoo ba talaga sya. Atsaka kahit na mahigpit dito para sa mga taga purple land ay minsan nakakalusot parin sila at nagpapadala ng mga spy, dahil tuso ang mga taga purple land, lahat gagawin, matalo lang nila ang kalaban nila.
Sana lang talaga ay walang taksil dito dahil kung meron man, sa oras na makilala ko sya ay sisiguguraduhin kong mananagot sya....
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL LAND
FantasyLugar kung saan ligtas ako...... Lugar kung saan nababagay ako.......... Lugar kung saan nararapat ako...... Lugar kung saan kailangan ako... "LUGAR KUNG SAAN ILILIGTAS KO LAHAT NANG MAYROON ITO"