Miguel Arthur Lopez (Short Story)

572 7 0
                                    

Kitang kita sa mukha ni Miggy ang lungkot habang tinitignan niya ang mga lawaran na pinadala sakanya ni Eorai sa monitor ng computer nya. Nanganak na ito noong nakaraang bwan. Pinagmamasdan nya ang magagandang ngiti ng babaeng matagal nya ring minahal.

Kababata at schoolmate nya ito noon elementary pa lang sila. Siya ang nagtatanggol sa mga nambubully dito. Siya ang naging sandalan nito sa mga panahong walang tumanggap kay Eorai pagdating sa pagibig.

Alam na nya noon pa at malinaw na sakanya na si Eorai ang babaeng tinitibok ng puso nya. Tanggap nya ito mula sa loob at labas na katangian nito. Siya ang lagi nitong kasama sa lahat ng adventures nito sa buhay noon bata pa sila hanggang mag college sila pareho. 

Dahil sa problema sa pamilya nya kinailangan nyang lumayo muna para patunayan sa mga magulang nya na kaya nyang ipaglaban ang ang pangarap nya.

Miggy was the youngest son of a well known family. Kasama ang pamilya niya sa mga kinabibilangan ng isa sa mga tinitingalang business owners sa loob at labas ng Pilipinas.

But Miggy was different, hindi nya nakikita ang sarili nya sa isa mga magiging tagapagmana ng pamilya nya. Miggy was born with a different talent. He wanted to be a photographer, he wants to capture all the beautiful things and his inspiration was Eorai. He saw in her that despite of every heartaches she had, she still wears a beautiful smile and always says everything happens for a reason and things will get better.

He started to take stolen pictures from Eorai's family album when they were young and even ask his parents to buy him a camera. Nagugulat na lamang ang mga ito pag nagpapadevelop na sya ng mga kuha nya ay agad syang tumatakbo pabalik ng kotse nila at iisa-isahin nya ang mga iyon at hahanapin ang mga kuha niya kay Eorai.

Hinila nya ang isang drawer sa computer desk niya at kinuha ang isang lumang pouch na kulay pink. Sa zipper ng pouch na iyon ay may nakasabit na tag na ang pangalan ni Eorai ang nakalagay na pagmamay-ari nito.

Binuksan nya ito at kinuha nag mga naipong mga litratong nakuha nya simula ng mga bata sila.

Miggy felt his heart aching again. Nagsisisi syang hindi nya sinabi kay Eorai ang totoong nararamdaman nya. Tumulo ang luha nya sa isang picture kung saan yakap sya ni Eorai.

"If only I got the courage to tell you how much I love you. How much I need you and you are the reason why I kept fighting for my dreams." Bulong niya sa sarili. 

Natakot syang magbago ito sakanya sa oras na sabihin nya ang tunay nyang nararamdaman kaya pinili nyang itago iyon pero ng muli nya itong makita at makasama ay sinabi nya sa sarili nya unti unti nyang ipaparamdam dito ang pagmamahal nya pero huli na pala sya. May iba ng nagmamay ari ng puso ni Eorai.

He was so frustrated and angry at the same time na malaman kung anong sitwasyon nito. Lalo pa ng malaman nya na ibinigay nito ang sarili sa isang taong di nito kakilala. Sinisi nya ang sarili dahil wala sya sa tabi nito ng mga panahong yun. Kung kasama lang sya sana ni Eorai ay hindi ito mangyayari. Nang malaman nya kung sino ang lalaking iyon ay hindi na sya umalis sa tabi nito pero ikinasal pa rin ito kay Liam. 

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at pumunta sa bintana kung saan tanaw nya ang buong New York. Narito sya ngayon dahil tinanggap na nya ang gusto ng mga magulang nya na sya ang magmanage ng company nila sa New York na ang kapalit ay ipagpatuloy nya ang pangarap nya. Ginawa nya ito para masalba si Eorai sa sitwasyon nito at bawiin ang babaeng mahal nya at sa pangalawang pagkakataon ay huli na naman sya.

Eorai and Liam were madly inlove with each other.

Muli nyang tinignan ang hawak na mga litrato.

"Well, I guess you are happy now baby girl. I wish you all the happiness in life and for the last time, I'll be stealing a kiss gain." Malungkot na sabi ni Miggy at hinagkan ang larawan kung saan mahimbing na natutulog si Eorai.


                                                            -Miggy and Eorai's Freshman Year-

"Happy 17th birthday baby girl!" Bati ni Miggy sa antok na antok na si Eorai. Alas dose na ng hating gabi.

Hindi nito minumulat ang mga mata. 

"Bukas mo na ako greet." Nakapikit nitong sabi at bumalik sa pagtulog.

Hindi mapigilan ni Miggy ang matawa. Hawak nya ang lobo at cake na may sinding kandila. Mukhang di nito kayang labanan ang antok. 

Umuwi silang Batangas para dito icelebrate ang birthday nito kasama ang mga magulang nito. Itinabi nya ang hawak na lobo at pinatay ang kandila sa cake. Pinasok nya iyon sa ref at bumalik sya sa sala kung saan sila natutulog magkaibigan. Kapag naririto sya sa Batangas ay sa sala sila natutulog ni Eorai para daw may kasama sya baka daw kasi kunin sya ng tikbalang na sikat sa lugar nila Eorai.

Bago nya patayin ang ilaw ay tinignan nya muna si Eorai at natawa sya ng marinig na itong humihilik. Pinatay na nya ang ilaw at tumabi na dito.

Nakaharap sakanya ang dalaga. Hindi nya mapigilan ang matawa sa paghilik nito. Dahan dahan nyang nilapat ang mga kamay nya sa mukha nito para haplusin ang malalambot nitong pisngi.

"Happy Birthday baby girl, I love you." Bulong nya sa natutulog na dalaga.

Napalunok si Miggy ng maaninag ang mukha nito dahil sa ilaw na galing sa labas. Nakita nya ang mapupulang labi ng dalaga. Hindi nya mainitindihan ang nararamdan at ilang saglit pa ay naglapat ang labi nya sa labi ng natutulog na dalaga.

It was a long kiss. A long stolen kiss. He closed his eyes to feel the moment.

Dahan dahan nyang nilayo ang mga labi nya sa natutulog na dalaga. Napangiti sya. Mahimbing pa rin itong natutulog.

Yes, It was stolen, a sin that might get him in trouble but no one knew about it.

Dahan dahan syang bumangon at kinuha ang camera sa bag. Bumalik sya sa higaan pero naupo lang sya. Kinuhanan nya ng picture si Eorai habang natutulog. Hindi pa rin ito nagigising kahit nagflash pa ang camera nya. Napangiti sya.

"Im sorry, I wont do it again."

Binalik nya sa bag ang camera at muling nahiga. Hinawakan nya ang kamay ni Eorai at sinabayan na ito sa pagtulog.


One Night With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon